Joshua Dionisio doesn't bother about ratings and competition: "Kumbaga po, enjoy na lang po sa trabaho."

IMAGE 0


"Ang palatandaan po namin, kapag may pizza, may ice cream sa set. So, yun po ang sign namin na mataas ang rating ng show," says Tween Hearts star Joshua Dionisio.


Masaya si Joshua Dionisio na na-extend ang kinabibilangan niyang Sunday youth-oriented show sa GMA-7, ang Tween Hearts.

Kumpara raw kasi sa Pilyang Kerubin, na huling pinagsamahan nila ng ka-love team na si Barbie Forteza, dito sa Tween Hearts ay mas madalas ang mga eksenang magkakasama sila, kaya mas enjoy sila sa set.

Itinanggi naman ng teen actor na silang dalawa pa rin ni Barbie ang lead ng Tween Hearts. Aniya, silang lahat daw sa cast ang nagdadala ng show.

"Balanse naman po kasi ang istorya, hindi naman po kaming dalawa lang," sabi ni Joshua, na nagdiwang ng kanyang 16th birthday kahapon, December 14.

Bukod kina Joshua at Barbie, kasama rin sa Tween Hearts sina Jhake Vargas, Bea Binene, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Lexi Fernandez, Derrick Monasterio, Louise delos Reyes, at ang bagong pasok na si John Marlowe Pamintuan.

Sa palagay rin ni Joshua, mas may advantage na once a week lang napapanood ang program nila.

"Kasi kapag once a week, talagang inaabangan ng mga tao. Talagang aabangan nila.

"Hindi katulad ng kapag araw-araw, minsan may nakaka-miss. At saka, Sunday kasi ang timeslot kaya lahat ng teens na katulad namin, nakakapanood.

"Hindi katulad dati sa First Time, naabutan pa sila sa eskuwela."

Mataas ang rating na naitatala ng Tween Hearts at kung ilang programa na rin ang itinapat sa kanila at natalo. Sa kabila nito, sinabi ni Joshua na hindi sila threatened kung ano ang itinatapat na programa sa kanila.

"Hindi rin po kasi ako updated kung ano ang katapat namin. Hindi nga rin po namin alam kung ano talaga ang eksaktong rating namin.

"Kumbaga po, enjoy na lang po sa trabaho. Hindi na lang po namin iniisip kung ano ang katapat namin, kung ano ang rating namin.

"At saka, ang palatandaan po namin, kapag may pizza, may ice cream sa set. So, yun po ang sign namin na mataas ang rating ng show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang Christmas wish niya?

"Sana lang po, ngayong 2011 or kahit gaano katagal, sana lang talaga, yung mga shows na gagawin namin, tanggapin pa rin ng mga tao. Sana po, huwag silang magsawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN