It won't be a lonely Christmas for Jake Cuenca this year: "Siyempre, may ka-date ako ngayong Pasko."

IMAGE 0


"Basta ako, masaya ako na maraming trabaho. Hindi na rin ako sanay na hindi busy, so masaya ako na busy," says Jake Cuenca.


Nagawang bunuin ni Jake Cuenca ang kaliwa't kanan niyang schedules ngayong papalapit na ang Pasko.

Tatlong pelikula at isang TV show ang halos sabay-sabay na ginagawa ng Kapamilya actor.

Naipalabas na ang indie film niyang H.I.V. at ang 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Super Inday and the Golden Bibe.

Malapit na ring matapos ang pelikula niya kasama sina Aga Muhlach at Angel Locsin, ang Huling Sayaw, mula sa Star Cinema.

Kasabay nito ang pagte-taping niya sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Green Rose, kunsaan kasama niya sina Jericho Rosales at Anne Curtis.

Ayon kay Jake, "Bale yung sa Star Cinema na lang po at yung Green Rose naman, baka habang ineere, tapos na rin kami ng taping dahil karamihan, mga Korea locations na lang.

"Yun nga lang, may gagawin akong next soap, although medyo confidential pa—after Green Rose.

"Kaya baka habang umeere ang Green Rose, ginagawa ko naman ang susunod na soap.

"Pero siyempre, ako naman po, naniniwala lang ako kapag umere na. Kasi minsan, kahit nagti-taping na, hindi pa rin natutuloy.

"Basta ako, masaya ako na maraming trabaho. Hindi na rin ako sanay na hindi busy, so masaya ako na busy."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa pocket presscon niya kahapon, December 15, sa Imperial Palace Suites sa Timog Avenue, Quezon City.

MMFF MOVIE. Bilang cast member ng Super Inday and the Golden Bibe, nakakaramdam din ba si Jake ng pressure dahil sa ibang malalaking pelikula na kasama sa MMFF?

"Maraming mabibigat na pelikulang ipapalabas ngayong festival," pag-amin ng young actor.

"Pero ako kasi, nag-enjoy kami sa pelikulang ito. Yung proseso ng pagkakagawa ng pelikula, talagang tawa lang kami nang tawa. Pinaghirapan po namin 'to.

"So, siguro, kung meron man pressure, huwag na lang isipin kasi talagang confident kami.

"Alam naming pinaghirapan namin ang pelikula namin at alam naming maganda ang pelikula namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sana mapanood ng mga tao, sana suportahan ng mga tao."

Kuwento pa ni Jake, sa pamangkin pa lang daw niyang lalaki, patok na patok na ang Super Inday dahil mahilig daw ito sa superheroes at nagustuhan na raw nito agad ang costume niya.

Ang bunsong kapatid naman daw niya, natutuwa kay Marian, lalo na sa costume nito na may pagka-Sailor Moon.

"Alam n'yo, ang pelikula namin, masarap sa mata. Nakakatuwa sa mata.

"Kahit sa mga eksena, nakakatuwa, hindi lang sa mga bata. Mag-e-enjoy lahat talaga," sabi ni Jake.

MARIAN RIVERA. May mami-miss ba siya kay Marian bilang leading lady niya?

"Sa dami ng naging leading ladies na nakatrabaho ko this past three or four years, si Yan talaga ang nag-iisa," sabi ni Jake.

"Dahil si Yan, walang arte sa katawan. Parang from the start pa lang, walang ilangan. Siya ang unang lumapit.

"Nagugulat ako kasi sobrang bait, sobrang galing na artista.

"At the same time, yung mami-miss ko sa kanya—pero siguro hindi na mawawala—yung friendship. Kasi, may na-develop kaming friendship sa pelikulang ito.

"So, mami-miss ko lang siyang katrabaho. Sana, makatrabaho ko siya ulit kasi sobrang nag-enjoy talaga ako sa pelikulang ito."

Napatunayan daw ni Jake na walang katotohanan ang mga negative publicity na lumalabas against his leading lady.

"Noong una, nakakailang, kasi marami ngang isyu. Pero alam n'yo, hindi talaga.

"Sobrang approachable siya, at malaking dahilan kung bakit masaya kami sa pelikula, dahil kay Yan.

"Kahit sila Pokwang, medyo nagkakailangan pa noong una. Kasi kung iisipin mo, magka-grupo sina Yan at Sweet, then kami ni Pokwang.

"Pero, hindi, si Yan ang nagtawid sa lahat. Parang siya ang nagpa-close sa lahat.

"Sobrang saya niyang kasama, sobrang saya niyang kausap."

Kung wala ba siyang Melissa, at si Marian ay walang Dingdong Dantes, puwedeng maging sila?

"Naku, catch phrase ko 'yan dati, walang talo-talo!" bulalas ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya pa, "Kaibigan ko si Dingdong. Marami akong natutunan sa kanya, nasa GMA pa lang ako."

HAPPY CHRISTMAS. Aminado si Jake na masaya siya ngayong Pasko.

When asked kung sino ang ka-date niya this Christmas, nakangiti itong sumagot na: "Siyempre, may ka-date ako ngayong Pasko. Hindi malungkot ang Pasko ko.

"Kasi, the past three years, medyo lonely tayo tuwing Pasko.

"Pero ngayong nandito ang pamilya ko, meron akong inspirasyon ngayon, mag-e-enjoy talaga tayo ngayong Pasko."

So, open na siya sa relasyon nila ni Melissa?

"Wala namang masamang nagdi-date, exclusively dating," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN