Marian Rivera leaves everything to Dingdong Dantes when he does propose to her

IMAGE 0


"Kung meron man kasing isang tao na makakapagsabi kung magpo-propose siya, or gusto niya, dapat lalaki yun. Ang pangit naman kung sa babae manggagaling na, 'Next year, gusto ko ganito na kami.' Siguro, mas maganda kung siya. Bilang siya, if ever, ang padre de pamilya, dapat siya ang masusunod diyan," says Marian Rivera.


Obvious na masaya ngayon si Marian Rivera.

Kung tutuusin kasi, walang rason para malungkot siya dahil halos lahat ng aspeto ng buhay niya ngayon—personal o professional—ay masasabing going smoothly.

Sa career, patuloy ang pagdating ng projects at endorsements sa kanya.

Sa love life, hindi maitatangging very happy pa rin sila ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes, bagamat never nilang inamin kung gaano na katagal ang relasyon nila.

Sa Christmas party niya sa press noong Miyerkules, November 15, sa Annabel's restaurant ay biniro siya na siguradong hindi malamig ang Pasko niya dahil kapiling niya si Dingdong.

"Kumukulo!" natatawa niyang sabi.

"Di ba, ano pa ba ang mahihiling ko? Yung pamilya ko, maayos naman, masaya sila.

"Si Papa ko, baka next year, magkita kaming dalawa. Baka gusto raw niyang umuwi [sa Pilipinas]. Siya naman daw ang pupunta rito.

"Tapos, yun namang career ko, okay naman. Kasi next year, tuloy-tuloy pa rin ang Show Me Da Manny. Kakabigay pa lang nila ng contract sa akin kahapon.

"Tapos, may Amaya ako. And then, yung Temptation Island, gagawin ko.

"So, marami silang aabangan sa akin next year."

Ang Amaya ang pagbibidahan niyang epicserye sa GMA-7, samantalang ang Temptation Island naman ang upcoming movie niya sa Regal Films.

CHRISTMAS PLANS. Ayon kay Marian, ngayong Christmas break ay baka lumabas sila ni Dingdong ng bansa o di kaya'y mag-out of town sila.

"Pinag-iisipan pa namin 'yan kasi sa [December] 24, may parade pa ako.

"Sa 25, sa Cavite ako at saka sa bahay nila.

"Sa 26, may awards night pa, e.

"Sa 27, alam ko may raket na ibinigay si Popoy [Caritativo, her manager] sa akin.

"So, siguro, 28, 29, 30, tapos 31, yun, meron akong countdown para sa Party Pilipinas.

"And then, New Year na, pagpasok ng January, taping na raw kami for Amaya."

More than the gifts, mas importante raw sa kanila ni Dingdong na magkasama sa mga special occasion tulad nga ng Kapaskuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman importante sa amin ang gift," sabi ni Marian.

"Mas binibigyan namin ng importansiya na magkasama kami. Kakain kami together or kaya, ipagluluto ko siya.

"O kaya, pupunta kaming Cavite, or pupunta kami sa bahay nila.

"Siguro, mas ganoon ang gusto ko."

MARIAN'S DISHES. Marunong na talagang magluto si Marian kahit noon pa kaya proud itong sabihin na kahit anong i-request ni Dingdong, naluluto niya.

"Marami!" bulalas niya.

"Madalas niyang kainin ngayon... Kasi, ang lola ko, ang pinaka-specialty niya, menudo. So, itinuro ni Lola kung paano sa akin.

"Noong isang beses, sinabi niya [Dingdong] sa akin na gusto niyang kumain ng menudo kaya pinagluto ko siya.

"So, ngayon, yun na ang favorite niya—menudo. Menudo ni Dong!" biro pa rin niya.

Naging instant favorite naman daw ng marami ang spaghetti niya at marami na raw ang nagre-request nito.

Dahil lang ba kay Dingdong kaya siya nahilig sa pagluluto?

"Hindi, hilig ko na talaga dati pa na magluto," sagot ni Marian.

"Bilang busy ang schedule ko, hindi ko na nagagawa.

"Pero kapag may mga time na puwede naman, siya [Dingdong] rin naman ang nag-eengganyo na, 'Puwede bang magluto ka? Kain tayo.'

"So, yun, ginagawa ko naman."

NOT YET ENGAGED. Muli namang pinabulaanan ni Marian ang lumabas na balita na diumano'y engaged na sila ni Dingdong.

"Hindi, hindi pa, wala...hindi talaga," diin ng aktres.

"At saka, if ever na gawin niya yun, ay, magpapa-prescon talaga ako!" natatawa niyang biro.

"Siyempre, proud ako do'n."

Pero sa palagay kaya niya ay next year na maganap ang engagement nila, o di kaya'y kasal nila ni Dingdong?

"Ang hirap pangunahan, e," sabi ni Marian.

"Kung meron man kasing isang tao na makakapagsabi kung magpo-propose siya, or gusto niya, dapat lalaki yun.

"Ang pangit naman kung sa babae manggagaling na, 'Next year, gusto ko ganito na kami.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, mas maganda kung siya. Bilang siya, if ever, ang padre de pamilya, dapat siya ang masusunod diyan."

Dagdga niya, "Pero siyempre, wala namang imposible.

"Di ba, minsan kahit hindi mo pinaplano, dumarating?

"Minsan naman, plano ka nang plano, hindi naman dumarating."

MARIAN'S EX-BOYFRIEND. Naitanong din kay Marian ang tungkol sa pagpasok sa showbiz ng kanyang ex-boyfriend na si Ervic Vijandre.

Dahil sa Kapuso network din napapanood si Ervic, willing ba si Marian na makatrabaho ang ex-boyfriend niya?

"Sa totoo lang, wala naman din kaming problema ni Ervic," paglilinaw ni Marian.

"Kasi, kahit naman siguro siya ang tanungin n'yo, wala rin naman siyang sinasabi.

"Kasi, tulad nga ng sinasabi namin ni Dong, hindi naman namin iiwan ang past namin na hindi namin naayos nang maayos.

"So, kami ni Ervic, wala kaming problema.

"Kung magkatrabaho kaming dalawa, okay lang, walang problema sa amin.

"Pero still, si Popoy pa rin ang magde-decide para sa career ko.

"Kahit gusto ko, kahit ayaw ko, si Popoy pa rin."

Ayon kay Marian, nagkaroon na raw sila ng chance ni Ervic magkita at nagbatian naman daw sila.

Nang may magbiro kay Marian na "guwapo" ngayon si Ervic, nakangiting sinabi ng aktres na: "Wala nang guguwapo pa sa akin kung hindi si Dingdong. Yun ang totoo."

AMAYA. Kinumusta rin kay Marian ang pagbibidahan niyang epicserye sa GMA-7, ang Amaya. May napili na bang leading man niya?

"Ang alam ko, magmi-meeting pa yata kami ulit next year.

"Meron silang gusto, pero parang gusto muna nila kaming makita together," sabi niya.

Kailangan ba may say siya sa magiging leading man niya?

"Hindi naman sa akin. Siguro ang sa akin kasi, ako naman, hindi ako nakikialam.

"Pero siguro, gusto lang nila, mag-partner, mag-cooperate ako kung bagay ako do'n.

"Sila pa rin ang magde-decide."

Pero may personal choice ba siya?

"Kahit sino," sagot ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ang kuwento, umiikot naman kay Amaya. Hindi do'n sa mga boys.

"So, kumbaga, nandoon din sila. Pero itong soap na ito, umiikot sa akin at sa buhay ko, sa pamilya ko.

"Parang may konting partner lang din."

MMFF. May kanya-kanya nang prediksiyon ang mga bida ng ilang pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Sina Ai-Ai delas Alas (Ang Tanging Ina Mo Rin) at Kris Aquino (Dalaw) ay nag-concede na kina Vic Sotto at Senator Bong Revilla (Si Agimat at Si Enteng Kabisote). Ayon kina Ai-Ai at Kris, ang pelikula nina Vic at Senator Bong ang magna-No. 1 sa takilya, pero sa kanila raw ang pangalawa at pangatlong puwesto.

Kung si Marian ang tatanungin, pang-ilan sa tingin niya pupuwesto sa box-office ang pinagbibidahan niyang Super Inday and the Golden Bibe?

"Mahirap magbigay ng kung ilan," sabi niya.

"Siyempre, kung mangangarap ka rin lang, gusto mo nang maging No. 1.

"Pero still, di ba, ang point ko lang naman, e, ginawa ko ang Super Inday, marami akong naging kaibigan at naging ka-close do'n.

"Ang importante sa akin, kapag lumabas ng sinehan ang nanood ng Super Inday, may ngiti sa labi nila at sasabihin nilang, 'Ay, gusto kong maging Super Inday!'

"Yun lang, okay na ako."

Nararamdaman ba niyang mahigpit ang competition ngayong MMFF pagdating sa box-office?

"Ay, oo naman, kahit naman dati," sagot ni Marian.

"Pero ako, ayokong isipin.

"Basta ako, mag-e-enjoy ako at excited ako sa premiere night namin sa December 18."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN