"Aga Muhlach is moving to TV5," say PEP sources

IMAGE 0


The latest buzz: Aga Muhlach has reportedly inked a huge contract with TV5. The 41-year-old actor recently topbilled M3 (Malay Mo Ma-develop) (2010) in ABS-CBN, where he also did Oki Doki Doc (1992), Ok Fine Whatever (2003), and That's My Doc (2007).


"Aga Muhlach is moving to TV5."

Usap-usapan ito ngayon sa loob ng showbiz kahit pa ang naging initial reaction dati ng award-winning actor sa haka-haka ay, "Ako ba yun? Wala..." (CLICK HERE to read related article.)

Tatlong feeds ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa araw na ito, December 17, mula sa tatlong sources.

Iisa ang sinasabi nila: Lilipat na si Aga.

Dalawa sa mga contributors ang nagsabing "It's true," kahit ang tanging naging sagot sa text ng manager ni Aga na si Ethel Ramos ay, "He has an offer [from] TV5."

Dagdag pa nila, pumirma na raw ito, at "it's the biggest talent fee in showbiz industry."

Ang isa pang source ay may koneksiyon sa TV5. Aniya, "It's still under negotiation," kaya hindi pa niya makumpirma. Kung magiging maayos ang pag-uusap, hindi malabong next year ay iiwan na ng 41-year-old star ang ABS-CBN na naging tahanan niya for 18 years.

Kaugnay din ng balitang ito ay isa pang bulung-bulungan na dalawang top executives ng ABS-CBN ang diumano'y naghahanda na ring lumipat sa Kapatid network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN