Court of Appeals grants TV5's request for TRO to defer hearing of the copyright infringement case against Willing Willie

IMAGE 0


Umeere ang Willing Willie ni Willie Revillame mula Lunes hanggang Sabado ng gabi sa TV5. Ayon sa ilang mga ratings data, mataas ang nakukuha nitong rating sa primetime block.


Kinatigan ng Court of Appeals ang apela ng TV5 na maghain ng temporary restraining order (TRO) para pansamantalang itigil ng korte ng Makati ang paglilitis para sa isang copyright infringement case laban sa Willing Willie.

Ang Willing Willie ay ang game-variety show na hinu-host ni Willie Revillame.

Sa isang resolusyon na inilabas ngayong hapon, Disyembre 17, inutusan ng Court of Appeals si Makati Regional Trial Court Branch 66 Presiding Judge Joselito C. Villarosa na huwag mag-conduct ng proceedings para sa kaso sa susunod na 60 days.

Kasabay ng paghahain ng TRO ay ang pag-require ng Court of Appeals sa TV5 na magbigay ng cash bond na aabot ng P102.4 million. Ayon sa Court of Appeals, sapat ang halagang ito para matustusan ang anumang damages na makukuha ng ABS-CBN dahil sa TRO.

Ang copyright infringement case ay isinampa ng ABS-CBN noong Nobyembre 26. Ayon sa network, ginaya raw ng TV5 ang dati nilang noontime program na Wowowee, na dating hinu-host ni Willie. (CLICK HERE to read related story)

Bago isampa ng ABS-CBN ang copyright infringement case ay nakapagsampa na ito ng isang kaso sa Regional Trial Court ng Quezon City para pigilan ang pagho-host ni Willie sa TV5.

Ayon sa ABS-CBN, nakakontrata pa ang TV host sa kanila hanggang 2011 kaya hindi ito maaaring mag-host ng ibang programa sa ibang istasyon.

Sa ngayon ay nag-inhibit na ang Quezon City judge na dumidinig sa TRO case na ito. At dahil wala pang desisyon para sa TRO, patuloy pa rin ang pagho-host ni Willie sa Willing Willie, na mahigit isang buwan na sa ere.

"TULOY ANG SAYA." Nagpaunlak naman ng panayam ang abugado ni Willie na si Atty. Ferdinand Domingo para magbigay ng pahayag sa desisyon ng CA. Umere ang panayam kanina sa primetime newscast ng TV5 na Aksyon.

Pahayag niya, matitigil na muna ang paglilitis ng kaso laban sa Willing Willie sa korte ng Makati dahil wala itong jurisdiction sa kasong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang jurisdiction ang Makati Court dun sa kaso na yun dahil ang ginawa ng ABS-CBN, namili sila ng korte na pag-file-an ng kaso against Willie.

"E, dapat, sa kontrata ni Willie, dapat anumang kaso tungkol sa kontrata ni Willie with ABS-CBN ay dapat doon sa Quezon City court," paliwanag niya.

Pagpapatuloy ni Atty. Domingo "binigyang-halaga" umano ng Court of Appeals ang kahilingan ni Willie para sa kanyang programa.

"Ang ibig sabihan niyan at tuloy ang airing ng Willing Willie...

"Ang sinasabi nga ni Willie, tuloy ang saya, tuloy ang ligaya," pagtatapos ni Atty. Domingo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN