Senator Bong Revilla considers 2010 his best year

IMAGE 0


"Wala na siguro akong mahihiling pa. Sabi ko nga, we're so blessed. Ang Panginoon, talagang hindi kami pinababayaan," says Senator Bong Revilla about 2010.


Marami ang humuhula na magna-number one sa takilya ngayong Metro Manila Film Festival 2010 ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote, ang pinagsanib na pelikula ng dalawang "hari" ng taunang filmfest na sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla.

Natutuwa naman si Senator Bong kapag naririnig niya ang ganitong mga komento. Pero aniya, "Pero siyempre, importante, lahat kumita. Para maengganyo pa ang ibang producers na mag-produce ng iba pang pelikula."

Dahil first time nilang magkasama sa isang pelikula, may mga bagay raw na nadiskubre o napagkakilanlan ni Senator Bong kay Vic habang ginagawa nila ang pelikula.

"Akala ko noon, si Vic, suplado. Pero mabait pala.

"Magaling na tao kaya hindi ako nagsisi sa paggawa ng pelikulang ito.

"At nakita ko rin na may puso. Kaya pala, mapagmahal din siya," tila may himig-birong sabi ni Senator Bong sa huling presscon ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote noong Biyernes, December 17.

Dagapag pa ng actor-politician, kung sakaling papasok din sa pulitika si Vic, malamang daw ay mag-number one din ito gaya niya.

RAMON REVILLA SR. Ano naman ang naging reaksiyon ng ama ni Senator Bong na si Ramon Revilla Sr. sa pagsasanib-puwersa nila ni Vic sa isang movie?

"Tuwang-tuwa siya," sabi ng senador.

"Nakita na niya yung trailer at tuwang-tuwa naman, kasi siyempre, agimat. Siya talaga ang original na agimat.

"So, makikita mo, naluluha na lang siya sa saya. Siyempre, more on proud siya siguro para sa akin.

"Kaya tayo naririto, dahil sa daddy ko," patuloy niya.

"Kaya nga kung saan man tayo makarating, mapa-larangan ng pelikula or mapa-larangan ng pulitika, inaalagaan natin ang pangalang Revilla.

"Eto, awa ng Diyos, binibigyan tayo ng sapat na talino para magampanan natin ang tungkulin na ibinigay sa atin.

"At sa pamilyang yun, tuluy-tuloy pa rin ang Revilla. Nandiyan pa rin.

"Eto ngayon, ipapamana pa rin natin sa magiging apo natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEST YEAR. As for Bong, masasabi niya na naging napakaganda ng taong 2010 sa kanya at sa kanyang pamilya.

"Masasabi ko, as a whole, 2010 is my best year!" bulalas niya.

Noong May 2010 elections kasi ay naging matagumpay ang kanilang pamilya.

Ang misis ni Bong na si Lani Mercado ay nanalong representative ng isa sa mga distrito ng Cavite. Ang kanyang kapatid na si Strike Revilla ay nanalong mayor ng Bacoor, Cavite. Ang anak niyang si Jolo Revilla naman ay nanalong Barangay Captain.

At siyempre, si Bong ang naging No. 1 sa senatorial race.

"Wala na siguro akong mahihiling pa," sambit niya.

"Sabi ko nga, we're so blessed. Ang Panginoon, talagang hindi kami pinababayaan.

"Although, may mga bagay na nangyayari rin na hindi mo maiiwasan. Pero ganunpaman, yung patungkol do'n sa sinasabing yun, huwag naman mawalan ng pag-asa."

Walang direktang binanggit si Senator Bong sa huling statement niya, pero hindi maikakaila na ang tinutukoy niya ay ang dismissal ng kaso ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho, Jr. (CLICK HERE to read related story.)

Isa kasi si Senator Bong sa sumuporta kay Katrina nang kumalat sa Internet ang sex video scandal nila ni Hayden.

"Ganito, Pasko ngayon. Ito ang Pasko na kumbaga, para sa Panginoon.

"Importante, lahat tayo masaya. Ito ang panahon ng pagbibigayan, pagpapatawad, tulungan, pagmamahalan.

"With the spirit of Christmas, kailangan maligaya tayo," saad ni Senator Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN