Christian Bautista wants to explore a new sound for 2011; reveals his wish for Ogie and Regine

IMAGE 0


Christian Bautista says he intends to stay with his family this Christmas. "Spending time with my family. Kaka-busy, I miss them so much, and I love them, so talagang no work on that day," says the singer.


Hindi matawaran ang pasasalamat ng singer na si Christian Bautista dahil maganda ang itinakbo ng 2010 para sa kanya, hindi lang sa kanyang recording career kundi sa acting na rin.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa pagpirma niya ng isang endorsement deal noong Huwebes, Disyembre 16, sa Johnny Rockets, Tomas Morato, Quezon City.

Sa panayam na ito ay ikinuwento ni Christian ang mga nangyari sa kanyang career ngayong taon. Idinetalye rin ng singer, na sikat na sikat sa Southeast Asia, ang iba pang mga personal na bagay.

"The music career is doing very well," saad ni Christian. "The Romance Revisited album is triple platinum. Just a Love Song in Indonesia is double platinum. I might go to some Asian countries next year."

Para raw sa 2011, naghahanap si Christian ng bagong tunog, para na rin ma-excite ang kanyang mga tagahanga.

"Yun nga, I wanna do something else next year. I wanna do something exciting. I wanna do something different.

"In terms of music, I'm looking for a new sound. I actually tweeted it. I tweeted, 'Who has a song, any song. Email me.'

"I'm not just banking on the mainstream composers. Kasi meron diyang magagaling, e.

"Actually, may mga nagsa-submit, ang gaganda, e. We'll never know," saad niya.

Ibig sabihin ba nito ay makikipagtrabaho lamang siya sa mga bagong composer para maka-discover ng mga bagong talento?

"Collaborating with new composers or old composers, depende, kung ano talaga yung... Malalaman mo yun, e, pag narinig mo yun," sagot niya.

Pagpapatuloy ni Christian, hindi naman malaki ang magiging pagbabago.

"It's definitely still a ballad. Para naman hindi magulat yung tao. Baka mamaya, nag-Gloc-9 rap na ako, di ba? Although I love Gloc-9.

"A new ballad. A ballad for this generation na, who will again spread like wildfire sa Asia, or something like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If I should do a Mandarin song, if I should do a Bahasa song, anything, I'm open."

Meron na bang nagpadala ng mga kanta sa kanya?

"Meron," sagot ng 29-year old singer.

"There was a Singaporean, na nag-submit ng Mandarin. Merong Indonesian na nag-submit ng Indonesian. Merong English, merong Pinoy.

"Ayun, iniisa-isa ko lang kung ano yung maganda. I will present it to my label, my manager, what is good."

ACTING. Ngayong 2010 din nakagawa ng major movie si Christian Bautista. Ito ay ang Jayden's Choir, na ginawa sa Indonesia, kung saan dagsa-dagsa rin ang kanyang mga tagahanga.

Saad ni Christian, natapos na nila ang shooting ng pelikula. Dubbing na lang daw ang kulang at maipapalabas na ito sa Marso 2011.

"The story is, I'm a musician from the Philippines," kuwento niya. "I have to move to Jakarta because there's no work. I'm forced to live with my mother who is managing a special school.

"So this special school naman, with special children, with special disabilities. And then, nagkaroon kami ng connection, and then I turned them into a choir.

"Parang ala-Sister Act kind of thing, parang ganun, but with special children. Very inspirational, very good movie."

Pahayag ni Christian, hindi siya sigurado kung magkaka-international release ang Jayden's Choir, o kung maipapadala ito sa film festivals sa iba't ibang bansa.

"A, I don't know but we're hoping. Maybe. Hopefully we'll go there. We'll see," sabi niya.

Inusisa ng PEP kung pinapangarap din ni Christian na magkaroon ng sariling acting award, tulad ng binanggit niya sa nakaraang panayam.

"I hope so. If not, gagawa pa ko ng isang project just to get that. Alam mo 'yon?" sagot niya.

MRS RECTO. Kinumusta rin ng PEP ang shooting ng isa pa niyang pelikula dito sa Pilipinas: ang indie film na Mrs. Recto starring Regine Velasquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Christian, "It's a small role, e, with Ms. Reg. It's a good movie, small role. Pero after that, na-inspire talaga ako to do something more serious, something more nakakagulat. So, we'll see."

Ayon pa sa kanya, natigil muna ang shooting dahil sa kasal nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, na ginaganap ngayong araw, Disyembre 22, sa Nasugbu, Batangas.

Tinanong namin si Christian kung dadalo ba siya sa kasal na ito.

"Yeah, I'm gonna sing with Rachelle Ann [Go] in the reception. I'm singing 'Lucky' [by Jason Mraz and Colbie Caillat]."

Ano ba ang regalo niya sa ikakasal?

"I'm still looking for the perfect gift for them," sagot niya.

Pero puwede raw siyang mag-compose ng isang kanta.

"That's a good idea. Pressure yun, 'no, mag-compose para sa isang composer at sa isang superstar? So, we'll see. We'll see. That's a good idea, though. I can do that," saad ng singer.

Ano ba ang wish niya para kina Ogie at Regine?

"Lots of kids. Talented in music and acting. Wow, that would be amusing!" sagot ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN