Guji Lorenzana still courting Kaye Abad: "Alam ko na mas okay ang chance ko sa kanya."

IMAGE 0


"Yes, nanliligaw pa rin ako sa kanya and siya pa rin ang pinaka-close ko sa lahat ng tao sa ABS-CBN. She's a probinsyana girl, I'm from States kasi—and mas gusto ko yung ganito. In the first place, hindi naman kami nagmamadali, saka alam naman niyang I really like her," says Guji Lorenzana about Kaye Abad.


Sa kabila ng sweetness at closeness na nakikita kina Guji Lorenzana at Kaye Abad, consistent pa rin ang singer-actor sa pagsasabing wala pa rin silang formal relationship hanggang ngayon ng aktres.

Noong 2009 nang makapareha ni Guji si Kaye sa isang episode ng Precious Hearts Romances ng ABS-CBN. Mula noon ay naging vocal na si Guji tungkol sa espesyal na nararamdaman niya para sa aktres. At hanggang ngayon ay balitang nanliligaw pa rin siya rito.

Sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival noong December 26 sa Meralco Theater ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Guji.

Para kay Guji, mas gusto raw niya ang estado nila ngayon ni Kaye.

"Yes, nanliligaw pa rin ako sa kanya, and siya pa rin ang pinaka-close ko sa lahat ng tao sa ABS-CBN.

"She's a probinsyana girl, I'm from States kasiā€”and mas gusto ko yung ganito. In the first place, hindi naman kami nagmamadali, saka alam naman niyang I really like her."

Hindi ba siya nati-threaten sa ibang nagsasabing crush nila si Kaye, lalo't wala naman siyang pinanghahawakan pang relasyon dito?

"Who wouldn't have a crush on Kaye? She's a very beautiful and great person. Pero lahat naman sila, friends ko. There's no competition naman.

"Wala pa kaming relationship, pero she's very picky naman. Alam ko na mas okay ang chance ko sa kanya," sagot ni Guji.

Maganda rin daw ang relasyon ng singer-actor sa pamilya ni Kaye. Last Christmas nga ay nagbigay siya ng regalo sa pamilya ng aktres.

"Nag-exchange ako with my family, nagdala din ako ng gifts sa bahay ni Kaye para sa family niya. I think gusto naman nila ako kasi mabait naman sila sa akin," sabi niya.

KAYE & CHITO. Sa kabila ng panliligaw ni Guji kay Kaye, hindi pa rin mamatay-matay ang balita na tuloy pa rin daw ang relasyon ng aktres sa lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagay na agad namang nilinaw ni Guji, lalo't nakasama na rin pala niya sa ilang lakaran ang singer.

"Friends lang sila, common knowledge na wala na sila," sabi niya.

"Kaibigan ko rin si Chito. I met him many times na rin kasi naggi-gig ako sa isang bar sa Makati, may band din ako. Minsan nagpupunta siya, nagdya-jamming kami.

"Minsan when I'm out, lumalabas din kami."

NEW BEGINNINGS. Sa pagpasok ng 2011, positibo si Guji na mas magiging maganda ang kanyang career.

"Feeling ko, 2010 is time for change, time for waiting, time for patience, time for growth.

"Yung last project namin ni Kaye was Precious Heart pa, 2009. Tapos this year, medyo nag-lie low din ako kasi nag-play ako, like Legally Blonde.

"2011 is a new beginnings. I hope mas maging maganda ang career ko this year. I think this year, babalik talaga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN