Aljur Abrenica prepares himself to be daring for his role as Machete

IMAGE 0


"Siguro magiging daring pa rin siya, pero may pagka-wholesome pa rin ng konti kasi meron tayong mga batang audience. Basta compatible sa mga audience," says Aljur Abrenica about his Machete costume.


Matapos ang ilang taong paghihintay ni Aljur Abrenica, sa wakas ay nakamit na niya ang title role sa TV remake ng Machete, na unang ginampanan ng kanyang idolong si Cesar Montano.

Sa ipinapalabas na teaser ng upcoming shows ng GMA-7, kabilang na ang Machete, marami ang nagsasabi na daring ang costume ni Aljur bilang taong-kahoy kung saan nakabahag lamang siya.

Pero ang balita, mas daring pa ang totoong gagamiting costume ni Aljur sa teleserye. Kaya ang tanong, ano pa ba ang magiging mas daring sa bahag?

"Sabi kasi nila sa akin, magiging mas modern pa ito, modernized si Machete. Kasi nung nakaraan, nung '90s, si Machete naka-bahag lagi, di ba," sabi ni Aljur sa panayam ni Pia Guanio sa kanya sa Showbiz Central kahapon, January 2.

So, naka-G-string ang modernized Machete?

"Depende," sagot ng young actor.

"Siguro magiging daring pa rin siya, pero may pagka-wholesome pa rin ng konti kasi meron tayong mga batang audience. Basta compatible sa mga audience."

Dahil karamihan ng mga eksena niya ay wala siyang pang-itaas, tinanong ni Pia si Aljur kung gaano kahirap ma-attain ang katawan na kailangan para sa kanyang role as Machete.

"Sobrang hirap!" sambit ni Aljur.

"Kailangan talaga, unang-una, ng time at disiplina. Basta ang hirap, pinapahirapan mo talaga ang sarili mo."

Kasama raw sa preparasyon ni Aljur ang pagda-diet.

"May sarili akong pagkain. May dala akong tuna, chicken...breast part. Tapos, may baka at kamote," banggit niya.

PHONE-IN QUESTIONS. Bukod sa mga tanong ni Pia ay may phone-in questions din mula sa fans para kay Aljur.

Nagkita na ba sila nang personal ni Cesar?

"Sa ngayon, simula nung nalaman ko yung sa Machete, hindi pa po. Pero nagte-text po kami."

Ano ang advice sa kanya ni Cesar?

"Ito yung sinabi niya nung last: 'Take it easy, huwag kang masyadong ma-pressure.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sa mga text ko, masyado akong seryoso. Sabi niya, 'Uupuan natin 'yan, mag-dinner tayo. Pag-usapan natin nang mabuti 'yan.'"

Aljur sought Cesar out and he really tried to get in touch with him.

"Oo naman, oo naman. Si Mr. Cesar Montano, ever since, nung pinapanood ko pa lang, iniidolo ko na po talaga siya dahil pang-action at comedy siya.

"Hindi ko nga alam na siya si Machete, e. Pero when I found out na magma-Machete ako, siya pala yung original. And hanggang ngayon, naghahanap pa ako ng material para mapanood ko siya."

Kaya hindi raw dapat i-disappoint ni Aljur si Cesar.

"Oo, sobra-sobrang ano pa naman siya, sobrang galing at sobrang humble. Saludo po talaga ako kay Mr. Cesar Montano," sambit ni Aljur.

Nagkasama sina Aljur at Cesar sa fantaserye na Ilumina.

GWEN ZAMORA. Napabalitang during the holidays ay nagplano sila ni Gwen Zamora na lumabas, natuloy ba ito?

"Ako kasi, kami ni Gwen, nagkausap kami. Mag-i-spend ako ng time ko with my family dahil madalang ko na silang makasama at hindi pa ako nakakabalik ng Batangas.

"So, nung holidays, nung Christmas, tapos after nung New Year countdown, nasa Batangas ako.

"Same with her, dapat daw mag-aano siya, Boracay, hindi siya natuloy dahil nag-storycon kami at nag-spend siya ng time with her father."

Hindi sila nag date?

"Hindi po. Nag-usap lang po at nag-text," sabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN