Ai-Ai delas Alas on her MMFF Best Actress award: "In fairness naman sa akin, magaling talaga ako do'n."

IMAGE 0


"Kasi sa atin kasing mga Pinoy, at sa atin, ang connotation natin na kapag Best Actress, dapat drama lang. Ngayon na lang din kasi nauso na nagbibida rin ang babaeng komedyante," says Ai-Ai delas Alas.


Isang linggo pagkatapos niyang manalo bilang Best Actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2010 ay muling nag-guest sa The Buzz si Ai-Ai delas Alas.

Nanalo si Ai-Ai para sa pagganap niya sa Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!), na itinanghal ding Best Picture.

Ang hosts ng The Buzz na sina Boy Abunda, Toni Gonzaga, at KC Concepcion ang nag-interview sa Best Actress winner.

Sa umpisa pa lang ay humirit na si Ai-Ai ng pasasalamat dahil sa kanyang pinakaaasam na panalo.

"Maraming-maraming salamat po pala sa mga jurors na tamang-tama ang ginawa!" natatawa niyang sabi.

Sabi naman ni Toni, nagustuhan daw niya ang speech ni Ai-Ai sa awards night, na kaya siya umiiyak kasi lahat nanalo sa Tanging Ina at nakakahiya nga naman kung hindi siya mananalo. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya susog ng manager ni Ai-Ai na si Boy, ikuwento raw nito kung ano ang nangyayari sa backstage during the MMFF Awards Night.

"Talagang stressed na stressed po ako sa likod. Kasi, walang ka-leakage-leakage, wala kahit na ano," sabi ng komedyana.

"Kaya yung mga bakla, ini-stress ko sila na, 'Ano ba, sabihin n'yo na sa akin kung mananalo ako. Kasi kung hindi, uuwi na lang ako kung hindi ako mananalo!'

"Kasi, nakakahiya naman, ano ang ie-explain ko sa buong mamamayan na, lahat, best director, best supporting... Tapos ako, wala akong napanalunan.

"So, uuwi na lang ako, di ba? E, sabi ng mga bakla, 'Hindi namin alam kasi nga may guwardiya do'n.'"

FAITH TO WIN. Sabi naman ni Boy, alalahanin daw ni Ai-Ai na nang mag-guest siya last December 26 sa The Buzz ay lumuhod siya at nagsabing mananalo siyang talaga. Saan ba nanggaling yung paniniwala na siya ang mananalo?

Ayon kay Ai-Ai, "Kasi, kahit luka-luka naman ako, in fairness naman sa akin, napanood ko naman ang mga movie. At sa Tanging Ina 3, magaling talaga ako do'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sa mga fans, ha, maghanda kayo ng P320, manood kayo ng Rosario, tapos manood kayo ng Tanging Ina. Tingnan n'yo, mas magaling ako do'n."

Ang Rosario ay ang pelikulang pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado.

Dagdag ni Ai-Ai, "At saka kasi, mahirap talaga sa shifting ng drama, tapos iko-comedy mo. Ang drama, iba sa timing ng comedy."

Ayon kay Boy, in fairness naman daw kay Jennylyn, she said nice things about Ai-Ai.

Sabi naman ni Ai-Ai, "Thank you, Jennylyn. Pasensiya ka na, napa-thank you-han kita. Sanay kasi ako na lahat, nominated.

"Kasi, hindi ko po alam talaga dahil nasa likod ako. Sanay po ako na sa lahat ng award-giving bodies, lahat po sila, nominated ang Best Actress, Best Actor.

"Ngayon po, iba na ngayon. Kasi, high-technology na, best three na lang po. Yung pinakamagagaling lang po talaga."

Hindi nakasama sa top three nominees for Best Actress si Jennylyn.

BEST-ACTRESS CONTROVERSIES. Diretsahan namang tinanong ni Boy ang tungkol sa usap-usapan na kesyo binili raw ni Ai-Ai ang kanyang award.

"Ako? Naku, kahit naman may pambili ako, ayoko naman ng bumibili ng award! Naku, masama yun.

"At saka, unang-una, bakit ko naman bibilhin yun, e, ginawa ko namang maganda sa Tanging Ina, ginalingan ko?" sabi niya.

Sinagot din ni Ai-Ai ang intrigang alam na raw niyang siya ang mananalong Best Actress.

"Kasi, sinabi ko raw sa speech ko na sinabi ko raw kay Ma'am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president] na, 'Thank you po, sinabi n'yo po na mananalo ako.'

"Kasi, ganito yun, yung text ni Ma'am Charo, English. Parang sabi niya, 'In our heart, or para sa amin, whatever happens, ikaw ang panalo para sa amin.'

"So, ngayon, sanay ako sa mga ganyang Inglesan. Pero sa pagkakataong yun, tina-translate ko sa Tagalog, sa isip ko, ang lumabas, kung ano-ano na lang.

"Kasi ang dami kong pasasalamatan na hindi ko napasalamatan, na nagmukhang sinabi ni Ma'am Charo na ako na nga ang panalo. Kasi, 'Sabi nga po ni Ma'am Charo, ako ang panalo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ganoon ang ibig sabihin no'n. Ang ibig sabihin no'n, 'Sa amin, sa puso namin, ikaw ang panalo.'

"Mali lang po ang translation. Tina-translate ko sa Tagalog yung English sa isip ko lang."

IMPORTANCE OF THE AWARD. Tanong naman ni Toni, bakit napakaimportante sa kanya ng award na ito samantalang marami na rin siyang Best Actress awards?

"Kasi, kaya importante sa akin 'to, first time ng isang babaeng komedyante na manalo ng Metro Manila Film Festival," sagot niya.

Ayon kay Boy, 20 years ago pa raw ang huling pagkakataon na isang comedian ang nanalo sa MMFF. Ito ay ang Comedy King na si Dolphy for the movie Tatay Kong Nanay, directed by the late Lino Brocka.

This year, nanalo rin si Mang Dolphby bilang Best Actor para sa Father Jejemon at Best Supporting Actor para sa Rosario.

Dugtong naman ni Ai-Ai, "At kaya gusto kong manalo ng award na ito, may maikukuwento ako sa mga apo ko na, 'Alam n'yo ba, ako ang kauna-unahang comedy actress na nanalo sa Metro Manila Filmfest history?'"

KC asked Ai-Ai kung ano ang reaction niya kapag may nagsasabing ibang aktres ang karapat-dapat sa award na napanalunan niya.

"Kasi sa atin kasing mga Pinoy, at sa atin, ang connotation natin na kapag Best Actress, dapat drama lang. Ngayon na lang din kasi nauso na nagbibida rin ang babaeng komedyante," sagot niya.

Nabanggit din ni Boy ang tinuran ng MMFF juror na si Butch Francisco na hindi lang isa ang nagdya-judge kung hindi marami silang jurors na nagtatalo. Kahit daw sa Hollywood, may nagkukuwestiyon din sa winners, na normal lang daw talaga.

"'Yan ang reason kung bakit ako umiiyak," sabi ni Ai-Ai.

"Sa Hollywood, hindi ibig sabihin na kapag nanalo ng best supporting, best director, best yung actor, or yung best actress."

Ano naman kaya ang ginawa ni Ai-Ai kung hindi siya ang nanalong Best Actress?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung talo ako? Hindi n'yo na ako makikita ngayon. Sa January 7 or 8 n'yo na ako makikita!

"Pinaplano ko na, pupunta ako ng Amerika, magtatago ako. Magsasara ako ng phone. Pinaplano ko na.

"Kung hindi man Amerika, kasi masyadong mahal ang pamasahe, Singapore na lang ako. Mawawala ako sa kahihiyan!" natatawa niyang sabi.

HOLLYWOOD DREAM. Ngayong nanalo siya ng Best Actress sa MMFF, what's next for Ai-Ai?

"Marami pa po. Siguro balang-araw, mapunta na ako sa Hollywood," seryosong biro niya.

Kung sakaling magkaroon ng pagkakataon at makagawa siya ng movie sa Hollywood, sino ang gusto niyang makasama?

"Si Brad Pitt."

E, kung hindi pumayag si Angelina Jolie?

"Sabunutan ko siya! Bakit siya umaarte ng hindi tama?

"Sasabihin ko, 'Sa bansa namin, Best Actress ako.'

"Kapag sinabi niyang, 'Ako hindi,' 'O, kita mo, ikaw nga sa bansa n'yo, hindi!'" biro niya.

Hirit naman sa kanya ni Boy, sasabihin daw ni Angelina sa kanya: "I don't understand you."

Sagot ni Ai-Ai, "I don't understand you either. Go to our country, I'm popular there."

E, kung sabihan siya ng Angelina ng: "I'm salt."

Ang sagot daw ni Ai-Ai dito ay: "I'm pepper!"

PART 4? May mga nagtatanong pa rin hanggang ngayon kung wala na ba talagang Part 4 ang Tanging Ina.

"Hindi, alam n'yo, para sa akin, sa totoo lang ha, mas gusto ko... Dati ko pa itong sinasabi, mas gusto kong matapos ang Tanging Ina na nasa taas siya.

"Kasi, di ba, ibinigay na sa amin ng Diyos ang lahat ng blessing, best, ganyan?"

Pinaalala naman ni Boy na No. 2 sa takilya ang Tanging Ina at nadagdagan pa ang mga sinehan nito. Dahil doon, napaluhod na si Ai-Ai sa pasasalamat.

"Ay, opo, salamat sa mga booking. Hinihintay ko lang ang bonus ko. Alam mo na, Sir. Ang tagal n'yong umuwi," pagpaparinig ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Winarningan naman agad ni Boy si Ai-Ai na ipaliwanag na hindi booking ng kung ano ang binanggit niya kung hindi bookers ng sinehan.

"Ay naku, sa lahat po ng mga sinehan, nadagdagan na po, kaya maraming-maraming salamat po.

"Konting-konti na lang, nandoon na kami, number one na kami. Kung hindi pa rin, salamat pa rin po talaga sa mga pa-booking!" natatawang sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN