Pauleen Luna has been single for two years and says "I'm happy as I am"

IMAGE 0


"I'm happy as it is. You know, if it comes, it will come. Then, very good. But if not, I'm happy as I am," says Pauleen Luna about being single.


Ayon kay Pauleen Luna, two years na siyang walang love life. Pero hindi raw yun dahilan para maging sad siya. It's her choice daw na huwag munang makipagrelasyon.

"I'm happy as it is. You know, if it comes, it will come. Then, very good. But if not, I'm happy as I am," saad ng young actress.

Pero nage-entertain ba siya ng manliligaw?

"Kapag hindi ko kasi type, hindi ko na ine-entertain. So, wala akong ine-entertain!" natatawa niyang sabi.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen sa presscon ng kinabibilangan niyang teleserye, ang Dwarfina, sa Studio 7 ng GMA Network Studios kagabi, January 4.

WORKING WITH HER EX. Tampok sa Dwarfina si Heart Evangelista at ang ex-boyfriend ni Pauleen na si Dennis Trillo.

Kumusta naman silang dalawa ni Dennis?

"Okay naman. Okay naman kami," nakangiting sabi ni Pauleen.

"It's been more than two years. At saka, nagkikita naman kami sa [Eat] Bulaga! Okay naman.

"Hindi rin naman kasi kami nagkikita sa set. Dwarf ako, siya naman tao."

Wala pa silang chance to talk about their past?

"There's no more room for that," sagot ni Pauleen.

"Kasi, naka-move on naman na pareho. So, bakit naman pag-uusapan pa yun? Dedma na.

"Masaya na siya, masaya na ako. I'm a happy single girl."

KONTRABIDA ROLE. Gaya ng mga huling proyekto ni Pauleen sa GMA-7, kontrabida na naman ang role niya rito sa Dwarfina.

"Magiging kalaban ko si Heart sa trono, sa pag-ibig. Parents ko si Emilio Garcia at saka si Angelika dela Cruz.

"E, gusto nila, sila ang mag-reign. Kapag nag-reign sila, ako yung magiging prinsesa," kuwento ni Pauleen tungkol sa kanyang papel.

Wala raw isyu kung gumanap man na ina niya si Angelika sa Dwarfina dahil hindi naman daw tumatanda ang mga duwende.

Dagdag niya, "Challenging sa akin ang role kasi hindi ako kumakain. Ayokong makita ang tiyan ko!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But seriously, it's the first time I'm portraying kontrabida to Heart, and I've known her naman since ABS-CBN.

"So, wala namang... It's very easy to work with her. Mabait naman yun."

SEXY PICTORIAL. Matagal nang may offer kay Pauleen to pose for a men's magazine. Sa palagay kaya niya ay ngayong taon na ito mangyayari?

"Tingnan natin, pero hindi pa siguro. At saka yung dad ko ang ayaw," sabi niya.

Kung siya ang masusunod?

"I'm half-hearted with it... with a lot of factors. Basta," sabi niya.

This 2011, ano ang expectations niya?

"Basta lang hindi mabakante. Siyempre, the better the role, the better.

"But ako naman, hindi naman ako ever since choosy sa role. Basta huwag lang mabakante," sabi ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN