Dennis Trillo feels Jennylyn Mercado deserved at least an MMFF Best Actress nomination

IMAGE 0


Actor Dennis Trillo makes his primetime comeback via GMA-7's newest primetime telefantasya series titled Dwarfina. Dennis will star opposite the program's lead star, Heart Evangelista.


Matapos mapanood sa pelikulang Rosario, na entry sa kasalukuyang36th Metro Manila Film Festival, mapapanood naman ulit ngayon sa telebisyon ang award-winning actor na si Dennis Trillo.

Kagabi, January 4, sa Studio 7 ng GMA Network Studios sa Quezon City, ay pormal na inilunsad ang pinakabagong primetime telefantasya ng Kapuso network na pinamagatang Dwarfina.

Ang nasabing programa ay una lamang sa maraming proyekto na ilulunsad ng GMA-7 sa pagsisimula ng taong 2011.

Magsisilbing leading man si Dennis ni Heart Evangelista, na siyang gaganap sa title role.

Kakaibang challenge ang ibibigay ng Dwarfina para kay Dennis, dahil unconventional kung maituturing ang takbo ng istorya, maging ang mga karakter.

Gagampanan ni Dennis ang papel ni Lyndon, isang binatang ipinanganak na mayaman ngunit naghirap matapos bumagsak ang negosyong pinapatakbo ng kanyang pamilya.

Iibig si Lyndon sa kanyang childhood friend na duwende na nagngangalang Yna (Heart Evangelista).

"Hindi nga ako dwarf, pero madalas ang kaeksena ko ay kawalan lang... Madalas wala talaga akong kaeksena talaga.

"So, nagi-imagine lang ako na nandiyan siya kaya siguro 'yon yung pinakamalaking challenge sa akin nito—umarte na kunwari may kausap ako," kuwento ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press.

Mapapanood ang Dwarfina simula Lunes, January 10, pagkatapos ng Jillian: Namamasko Po.

MOVING FORWARD. Sampung araw matapos ang Gabi ng Parangal ng MMFF ay hindi pa rin humuhupa ang isyu tungkol sa pagkakapanalo ni Ai-Ai delas Alas bilang Best Actress para sa pelikulang Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!).

Prior to the awards night kasi ay matunog ang pangalan ni Jennylyn Mercado na siyang paborito ng ilan upang mag-uuwi ng tropeo ng best actress para sa period film na Rosario.

Magkasama sa pelikulang nabanggit sina Dennis at Jennylyn. Magkasintahan din ang dalawa in real life.

Tinanong ng PEP si Dennis kung ano ang naramdaman ni Jennylyn matapos hindi tawagin ang kanyang pangalan maging sa mga nominadong aktres na naglalaban-laban para sa award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman talaga siya sobrang naapektuhan dahil hindi naman nage-expect ng kahit ano 'yong tao. Nandun kami para magbigay-pugay sa Metro Manila Film Festival," sagot ni Dennis.

"Sinabi ko lang, 'Ganyan talaga buhay. Huwag na nating isipin 'yan kasi nangyayari talaga 'yang mga ganyang bagay. Hindi na natin maku-kontrol kung ano man 'yon.'"

Maganda naman daw ang mood ng lahat ng cast at production team ng Rosario matapos ang awarding ceremony.

Kuwento pa ni Dennis, "Actually, after nung night na 'yon, nagtawanan lang kami pauwi kasi hindi namin in-expect na mananalo kami [ni Jennylyn] as Best Dressed."

STILL A WINNER. Bagamat ayaw kuwestiyunin ni Dennis ang resulta ng mga nanalo, aminado siya na sumama kahit papaano ang loob niya sa naging takbo ng awarding ceremomy.

Maging si Dennis daw ay nagtataka kung bakit hindi man lang nasama ang pangalan ng kanyang girlfriend sa mga inanunsiyong nominado para sa Best Actress.

"Sana kahit papaano na-nominate para napahalagahan naman 'yong paghihirap din niya," seryosong tugon ni Dennis.

"Nanghinayang lang ako sa mga pinaghirapan niya. Kasi alam ko naman 'yong mga pinagdaanan niya habang ginagawa 'yong pelikula."

Ang mga nakalaban ni Ai-Ai sa Best Actress category ay sina Carla Abellana para "Punerarya" episode ng Shake, Rattle & Roll 12 at Marian Rivera para sa Super Inday and the Golden Bibe.

Hindi man nila napanalunan ang ilang major awards, malaki pa rin ang pasasalamat ni Dennis sa lahat ng sumuporta sa Rosario at sa lahat ng papuri na kanilang natanggap mula sa mga kritiko at manonood.

At sa kabila ng pagkatalo ni Jennylyn bilang Best Actress ay kumbinsido pa rin si Dennis na deserving ang kasintahan para sa parangal.

"Winner siya para sa akin," ngiti ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN