Janice de Belen on finding new love: "Okey lang meron, okey rin lang na wala."

IMAGE 0


"It's safe to say na sa lifetime ko, e, naging masyado na akong fearless pagdating sa pag-ibig. I think this time, kailangang magkaroon ka na ng kaunting fear," says Janice de Belen.


Hindi nababakante sa teleserye sa GMA-7 si Janice de Belen.

Nawala man a couple of years ago ang morning show nila nina Gelli de Belen at Carmina Villarroel na Sis, na tumagal sa ere ng walong taon, ay tuluy-tuloy ang paggawa niya ng mga teleserye.

Mula Darna (starring Marian Rivera), tapos Endless Love (with Marian and Dingdong Dantes) last year, sa pagbubukas ng 2011 ay kasama si Janice sa pambuena-manong handog ng GMA-7—ang Dwarfina.

Topbilled by Heart Evangelista and Dennis Trillo, ang upcoming fantaseryeng ito ay istorya ng adventures and misadventures ng isang duwende na hindi lalaki sa isang daliri ng tao.

Gumaganap si Janice bilang ina ni Heart na siyang Dwarfina.

"I play the mother of Heart here in Dwarfina, na may naging sumpa ang isang black duwende sa buhay namin kaya nagkaroon kami ng anak na duwende.

"Pero kahit na ganoon ang abnormality niya, itinuring pa rin naming siyang normal na anak," kuwento ni Janice sa kanyang role, with Cris Villanueva naman as her husband.

Kasama rin sa Dwarfina, na magsisimula na sa January 10, sina Pauleen Luna, Will Devaughn, Kylie Padilla, Angelika dela Cruz, Jackielou Blanco, Chanda Romero, Mark Bautista, Iwa Moto, Mico Aytona, Emilio Garcia, Vanness del Moral, at Tony Mabesa.

HAPPY TO BE SINGLE. Bongga man ang career, kumusta naman ang kanyang puso? Wala ba talagang lalaking nagpapatibok ng puso niya ngayon?

"Alam mo, hindi ko maintindihan, walang naniniwala sa akin na wala talaga," diin niya.

"Wala talaga, promise! Wala talaga.

"You know, it's naman, just because you don't have a partner, you're not attached with anyone, e, hindi ka na ba puwedeng maging masaya nang mag-isa ka lang?

"I'm happy because the past three years, ang dami kong na-accomplish. Na ang feeling ko, parang ang daming nangyari sa buhay ko, na ang daming magagandang nangyari sa akin, ang kapal naman ng pagmumukha kong maghangad pa nang sobra-sobra!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, for now, this is what I have, let's be happy with it. I'm happy with what I have.

"Should love come along, e, okey lang," sabi ni Janice sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Dwarfina sa Studio 7 ng GMA sa Quezon City noong Lunes, January 4.

Kumbaga ba ay "why not kung dumating ang love" ang ibig niyang sabihin?

"Okey lang," sagot ng aktres.

"Hindi na why not, e. Okey lang... Okey lang meron, okey rin lang na wala."

Pero kapag dumating nga ang pag-ibig na yun sa buhay niya ngayong 2011, iwe-welcome ba niya ang lalaking yun?

"Hindi ko naman siya babagsakan ng pinto!" tawa niya.

"Okey lang. We'll see, you know, we'll see. I think, this time, it's better to have that little bit of that fear, than to always be fearless when it comes to love.

"It's safe to say na sa lifetime ko, e, naging masyado na akong fearless pagdating sa pag-ibig. I think, this time kailangang magkaroon ka na ng kaunting fear.

"Hindi na madaling mag-start ng panibagong relationship, e."

Na-trauma ba siya sa past relationships niya?

"Hindi naman," aniya. "It's not easy lang to start a new relationship, e.

"Ngayon, like what I've said, I've accomplished so much the past three years. Ine-enjoy ko yung accomplishment na yun.

"Ine-enjoy ko na lang muna, sine-savor ko yung enjoyment, without having to answer to anybody but yourself."

Ano ang ibig niyang sabihin sa "fear" na tinutukoy niya?

"E, sino bang gustong masaktan, wala naman, di ba? I think, there's always that fear that if you start something, there's always an end to it.

"E, at the moment, enjoy muna ako sa ganito. 'Steady ka lang!' Okey naman ako ngayon... Trabaho muna... Eto na muna ako."

IGI BOY. Hanggang sa napag-usapan na ang panganay na anak ni Janice na si Luigi "Igi Boy" Muhlach, na may sarili na ring baby ngayon. Si Igi Boy ay anak ni Janice sa aktor na si Aga Muhlach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lola" ba ang tawag sa kanya ng kanyang apo?

"Hindi pa niya ako tinatawag, e. Ako, kung ano yung sabihin niya, okey lang...

"Kasi, di ba, may mga nagsasabi, 'Ako, magpapatawag ako ng Mommy, ganyan...' Pero pag siya na ang tumawag sa 'yo, alam mo, kahit na ano pa ang sabihin niya, okey na!

"Okey naman... I think it's not naman how you're called that is important. What is important is your relationship with the child, di ba?

"Tawagin niya akong Lola, okey lang sa akin. Tawagin niya akong Janice, okey rin lang sa akin!" tawa ng aktres.

Dagdag niya, "Okey lang sa akin kahit na ano. Ang importante is your relationship with the child."

Magwa-walong buwan pa lang ang apo ni Janice kay Igi Boy. At sabi, usually daw, kung ano ang naririnig ng sanggol sa paligid nito ay siyang itatawag sa kanya bilang lola.

"Yes, ganoon na nga. Kasi ang mommy ko, kaya 'Mommy' ang tawag nila sa mommy ko, e, dahil yun ang naririnig nila, o yun ang nakasanayan nila, at saka para hindi na sila mahilo."

Madalas ba silang magkita ng anak nila ni Aga?

"I live in Quezon City, sila naman, dun sila sa Parañaque. Siyempre, si Luigi is working, so medyo malayo. Malayo talaga.

"Nung Christmas, may family dinner naman kami. New Year, hindi, kasi duty siya nung New Year, e. New Year is a good time for business pagdating sa resto," banggit ni Janice.

Nakapag-adjust na ba si Igi Boy sa pagiging father nito?

"You know what, sobra akong bow sa kanya sa devotion niya sa anak niya. Sobra akong na-shock!

"Kasi, sobra siyang devoted sa anak niya. Di ba, ikaw, iniisip mo, 'Paano kaya sila if they have their own children, if they have their own lives?'

"My son, I'm really happy and proud na he's really devoted. Dading-daddy siya," pagmamalaki ni Janice sa panganay na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marahil, dahil napalaki niya rin nang maganda ang anak kahit single parent siya.

"Alam mo, totoo yun," pagsang-ayon niya.

"Sabi nga nila, pag magulang ka, hindi mo raw kaagad malalaman kung napalaki mo nang maayos ang mga anak mo until they have their own children. Doon pa lang.

"Aminin na natin, meron talagang years na napu-frustrate ka sa kanilang lahat na, 'Ano baaaa?! Oh, my God, ano ba 'to?!'

"But then, malalaman mo na lang na when you're over that... Kasi, lahat naman tayo, dumaan din tayo sa puntong gano'n.

"Yun yung mga moments na sinasabi ng mga magulang natin na, 'Pag kayo, may mga anak na kayo, maiintindihan ninyo ang mga sinasabi ko.'

"So, pag nakalampas ka na, when you see them make their own decisions, when they have their own families, doon mo lang talaga masasabing, 'A, okey naman pala [ang pagpapalaki ko sa kanila]...'

"And I'm really proud of him."

FULFILLING YOUR DREAMS VS. TAKING CARE OF YOUR FAMILY. Sa mga anak niya with John Estrada, wala bang balak ang mga ito na sundan ang kanilang mga yapak upang mag-artista?

"Wala naman," ani Janice.

"Pero ang sabi ko sa kanila, 'Pagkatapos n'yo ng college, it's your call. College dapat.

"Kasi, para sa akin, hindi ko na-experience na mag-college at the right time I was supposed to take it. So, sabi ko nga sa kanila, 'Importante para sa akin na mag-college kayo.'

"Sabi ko sa kanila, 'Sige, mag-artista kayo. Good now. After a while, may mas bago. May mas maganda. May mas magaling. May mas okey. You know, you always should have a fallback position.'

"Naiintindihan naman nila. Hindi naman ako masyadong demanding, basta tapusin lang nila ang college dahil yun ang importante.

"Sinabi ko rin sa kanila, 'Kung kelan ko ginustong mag-college, e, kung kailan matanda na ako.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, it was much harder for me, kasi it was a choice between fulfilling my dreams or taking care of my family. Siyempre, alin ang pipiliin mo dun?

"You sacrifice your dreams to take care of your family.

"E, nung nag-Culinary Arts ako, e, malalaki na sila. Okey na naman sila. So, it was easier and more realistic for me to finish."

COOKING SHOW. Looking back, bakit nga ba kumuha siya ng kursong Culinary Arts?

"Siyempre, sino ba ang ayaw mag-business di ba? Hilig ko talaga ang cooking.

"Not only because I have a show [Spoon at Net 25]... Dahil noong nagkaroon rin ako ng sarili kong pamilya, isa sa dreams ko ay makapagluto ako nang bonggang-bongga.

"Nagluluto naman ako dahil nagluluto naman ang mommy't daddy ko. Pati lolo ko, masarap magluto.

"So, in-adapt ko talaga yung 'Domestic Goddess' Life'!" tawa niya.

"Gusto ko yun! Yung homemaker ka. Homebody ako...

"Tapos, siyempre, things didn't work out. I had to be back to being a single parent. I still like cooking. I still cook for my children.

"Tapos, nagkaroon ako ng cooking show. Parang I knew na kapag pinapanood ka sa isang cooking show...

"Mahilig kasi akong manood ng cooking show, e. Na dapat, yung info na sinasabi mo, dapat accurate, dapat tama. Kasi, pinaniniwalaan ka ng mga taong nanonood sa 'yo.

"Pag nag-fail yung dish nila, iisipin nila, 'Sinungaling ito!' Hindi naman gano'n...

"I just wanted to make sure na what I was doing was right, na yung info na nire-relay ko sa mga tao ay may katotohanan.

"Saka, gusto ko rin, e. Wala namang masama, di ba? I'm bettering myself, so go, go for it!"

Apat na taon na ang kanyang cooking show sa Net 25 na Spoon, and it's doing good. Nanalo na rin siya ng dalawang beses sa PMPC Star Awards for TV para sa nasabing show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro ngayon, it's a trend. Kasi now, the culinary is a trend in itself, kaya gusto siya ng mga tao.

"Sa mga ini-interview ko nga, minsan naiiyak ako, e. Minsan nga, nahihiya na ako!"

Sabi nga niya sa reporters na kausap, "Mahirap rin kasi... Minsan kasi, na-realize ko na sa point of view ninyo, kapag nag-i-interview kayo, kahit papaano, nagkakaroon kayo ng kahit konting awa sa kausap n'yo, di ba? Or, yung nakiki-sympathize ka.

"Ngayon ko na-realize na ang hirap pala. Nahihiya na nga ako kung minsan kasi nauuna pa akong umiyak kesa sa kanila.

"Kasi, talagang naiiyak ako sa mga kuwento ng buhay nila. So, minsan, ginagawa ko lahat ng paraan para pigilan," lahad niya.

GABBY CONCEPCION. Isa sa mga naging guest niya noong 2010 sa Spoon ay si Gabby Concepcion, na naging ex-boyfriend niya noong kabataan niya.

First time nag-guest si Gabby noon sa show pagkadating nito from U.S. At kahit na exclusive contract star ito ng ABS-CBN ay napapayag niya ang kanyang management na mag-guest siya on Janice's show.

"You know, yung Gabby episode ko, I wanted to make sure na it was just fun. Hindi ko goal na magpa-cute, kasi nag-work na kami ni Gabby, matagal na.

"Kaya lang, ang weird lang, kasi talk show na rin kami, di ba? After na naghiwalay kami, many years after, nag-work pa kami uli together sa movies, like Rosenda, Abandonada, Asawa Ko Mahalin Mo... Basta, meron pang iba.

"Pero pagbalik niya, I think Spoon was the first na mag-work [kami]... Pero, no, the first time naming magkita was noong wake ng daddy niya.

"Actually, I sent him flowers at the wake of his dad. Tapos, pinahanap niya ako. Tapos, tinawagan niya ako, sabi niya, 'Bakit hindi ka nagpupunta dito?'

"He did look for me, so I went. Sabi ko, 'Nahihiya kasi ako...' Kasi nung dumating siya, parang ang daming... Siyempre, salubong yun na puro mga issue. So, join pa ba ako? 'Wag na lang!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi niya, 'Punta ka na lang dito.' So, I went there.

"You know, Gabby and I are friends right now. Hindi kami super-friends na nagko-call kami, pero pag nagkikita kami, we talk. It's fine. It's really okey.

"Kung sakaling dumating yung time na we work together, better! Di ba? At least, maganda naman ang relasyon namin."

Sino ang nag-suggest na i-guest si Gabby sa cooking show niya?

"It was just something that was thrown [by the production staff]. Sabi nila, 'Try kaya natin si Gabby?' Okey lang sa akin. So they found a way.

"I was really thankful to Gabby dahil exclusive siya [sa ABS-CBN], pero siya mismo ang naghanap ng way para maka-guest sa show.

"For that alone, I'm really very thankful, dahil sobrang daming magandang feedbacks sa episode na yun."

Isa pang magandang episode ay yung kay Lea Salonga.

"Sobra kaming happy dahil we're blessed with very good guests. Guests na hindi naming akalaing o-oo agad," masayang sabi ni Janice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN