Heart Evangelista thanks Ai-Ai delas Alas for understanding her; promises to do a movie together

IMAGE 0


"Thank you so much and I'll always be grateful. And sana kung magkaroon sila ng Last na Last na 'To ng Tanging Ina, for sure I will be there," promises Heart Evangelista.


Nagbigay ng pahayag si Heart Evangelista sa magandang mensaheng ipinaabot sa kanya ni Ai-Ai delas Alas matapos ang isyung sumama ang loob ng Comedy Concert Queen sa kanya.

Matatandaang nagtampo si Ai-Ai kay Heart dahil sa hindi raw pagpayag ng huli na lumabas sa 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!), na magsisilbi sanang reunion ng lahat ng mga anak ni Ai-Ai sa movie.

May isang bersiyon pang lumabas na si Heart daw ay pumayag nang maunang kausapin ng Star Cinema, producer ng movie. Pero nang mag-abroad ang aktres ay ang ina na raw nitong si Mrs. Cecile Ongpauco, na tumatayo ring manager niya, ang nakausap ng Star Cinema.

Diumano'y naliitan ang ina ni Heart sa role ng anak sa movie kaya hindi na ito pumayag na lumabas ang anak sa pelikula.

Sa pelikula nga ay tanging si Heart, as Por or Portia, lang sa mga anak ni Ina (Ai-Ai) ang hindi lumabas sa pelikula.

May linya pa nga si Ai-Ai na, "Si Por, hindi talaga napakiusapan."

Hanggang sa noong Disyembre, bago mag-Pasko at magsimula ang MMFF, ay nagpadala ng mensahe si Heart para kay Ai-Ai through Star Cinema na itinext naman kay Vice Ganda at binasa sa Showtime dahil guest judge si Ai-Ai sa show that time.

Nag-sorry nga si Heart at tinanggap naman ito ni Ai-Ai na naging emosyonal pa sa pagsasabing mahal niya si Heart.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Heart sa presscon ng Dwarfina noong Martes, January 4, ay ito ang pahayag niya tungkol sa sinabi ni Ai-Ai:

"Nakakatuwa naman. Mabuti naman at naintindihan niya.

"Kasi gusto ko talagang gawin 'yon [Ang Tanging Ina]. It's just that ang gulo-gulo ng mga pangyayari nung panahong 'yon, so everything was unclear.

"Pero umuwi talaga ako galing Japan to shoot. Kaya sad talaga ako noon. Pero okay na naman," sabi ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay ng pasasalamat kay Ai-Ai, isang pangako naman ang binitiwan ni Heart:

"Thank you so much and I'll always be grateful. And sana kung magkaroon sila ng Last na Last na 'To ng Tanging Ina, for sure I will be there," ani Heart.

Kahit daw hindi Ang Tanging Ina movie, willing din daw gumawa ng ibang movie si Heart kasama si Ai-Ai. Ito ay sa kabila ng nasa bakuran na siya ng GMA-7 ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN