Dingdong Dantes named one of People Asia's People of the Year

IMAGE 0


"Napakasarap ho na way para mawakasan ang 2010, at isang magandang motivation siya talaga para mas gumawa pa ng mas maraming magaganda [na mga bagay] for 2011," says Dingong Dantes about this latest accolade.


Live na nakausap via phone patch ni Joey de Leon sa Startalk si Dingdong Dantes noong Sabado, January 8.

Napag-usapan nila ang panibagong achievement na tinanggap ni Dingdong bilang isa sa 2010 People of the Year ng People Asia magazine.

Kasama ni Dingdong sa listahan sina Venus Raj, Senator Juan Ponce Enrile, Josie Natori, Kenneth Cobonpue, Fr. Rocky Evangelista, Rhett Eala, Ryan Cayabyab, Mike Enriquez, Felino Palafox Jr., Rachy Cuna, at Jaime Bautista.

Tinanong ni Joey si Dingdong kung ano ang pakiramdam niya sa panibagong parangal na iginawad sa kanya.

"Napakasarap ho na way para mawakasan ang 2010, at isang magandang motivation siya talaga para mas gumawa pa ng mas maraming magaganda [na mga bagay] for 2011," sabi ni Dingdong, na halatang masayang-masaya.

Igagawad ang parangal kay Dingdong at iba pang recipients bukas ng gabi, Lunes, January 10, sa isang ceremony na gaganapin sa Hotel Sofitel.


I ♥ YOU PARE. Nabanggit din na isa pang magandang pangyayari sa career ni Dingdong ay ang pagsasama nila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa upcoming series ng GMA 7, ang I ♥ You Pare.

Matapos ba ng mahabang Christmas at New Year vacation ay nag-taping na ulit si Dingdong para sa serye nila ni Regine?

"Ako, wala pa akong taping. Pero alam ko, isa sa mga unang ipapalabas [na serye] ngayong 2011 ang I ♥ You Pare. Siguro by the end of January, or probably early February.

"Nakarami na ho kami ng taping bago magbakasyon so we have enough episodes already," saad ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN