Kylie Padilla makes peace with mom Liezl Sicangco; is allowed by dad Robin Padilla to accept suitors

IMAGE 0


"I feel weird saying that, pero it's true, puwede na akong ligawan. But they have to know where I live at may oras ang panliligaw. Pinayagan nga ako pero Papa set the rules. Susundin ko pa rin siya," says Kylie Padilla.


Noong nakaraang Christmas ay nagkaayos na ang mag-inang Kylie Padilla at Liezl Sicangco. Umuwi ng Australia si Kylie, kasama ang nakakatandang kapatid na si Queenie Padilla, para doon mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

Ikinuwento ni Kylie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na noong magkita sila ng kanyang ina ay niyakap siya nito at nagkaiyakan silang dalawa.

Kung matatandaan ay nagalit si Liezl kay Kylie dahil hindi sinunod ng anak ang kagustuhan niyang mag-aral ito sa Pilipinas. Kaya niya pinayagan bumalik ng Pilipinas si Kylie ay para mag-enroll sa school at hindi para mag-artista.

Pero nagulat na lang si Liezl nang malaman niyang pumirma ito ng kontrata sa GMA Artist Center at ipinagpaliban ang pag-aaral nito.

"Nag-sorry naman ako kay Mama. I said na hindi ko gusto na saktan siya in any way," sabi ni Kylie sa presscon ng Dwarfina.

"Sana napatawad niya ako kasi matagal kaming hindi nagkausap. Noong umuwi lang ako sa Australia with Ate Queenie kami nagkita ulit at nag-usap."

Ayon pa kay Kylie, nag-sorry rin ang mommy niya sa mga sinabi nito sa mga interview niya. Wala rin daw itong intensiyon na saktan ang damdamin ng mga anak niya. Pakiramdam lang daw ni Liezl ay nabalewala siya bilang ina.

"But mom said na okay na ako mag-artista. She's not mad anymore," ngiti ni Kylie.

"Basta bigyan ko raw ng time ang mag-aral kasi 'yon ang gusto niya sa aming magkakapatid. She wants us to finish school para maging proud kami balang-araw.

"I promised her naman na I will do it. Ayoko na kasing magalit siya ulit sa akin.

"Kaya yung vacation namin sa Australia was very memorable and happy. Kumpleto kaming magkakapatid, kasi nandoon din si Ali at si Zhen-Zhen.

"It was an unforgettable Christmas and New Year for us."

BIRTHDAY GIRL. Kylie will turn 18 on January 25. Tinanong na nga raw siya ng kanyang daddy na si Robin Padilla kung ano ang gusto nitong mangyari sa kanyang debut. Kung gusto niyang magkaroon ng malaking party ay ibibigay raw niya ito sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mas gusto raw ni Kylie na mag-charity work na lang sa kanyang birthday.

"I already told Papa na ayoko ng malaking party," sabi niya.

"Para sa akin kasi, it's a waste of money lang. Yung igagastos na lang sa big party, itutulong ko na lang sa ibang tao.

"I already asked my manager [Betchay Vidanes] that I want to give food, clothes, and other things to children. Yun na lang ang magiging party ko."

Natuwa naman daw si Robin sa kagustuhan ng kanyang anak.

"I actually learned that from him. Kasi kapag birthday ni Papa, wala siyang party. He is always out helping other people," sabi ni Kylie.

"Hindi alam ng marami that Papa has been helping this particular organization for many years now. Parati kaming kasama sa pagbibigay niya ng tulong. Mga bata pa kami noon.

"So, doon ko natutunan 'yon, and it's such a selfless act. E, idol ko si Papa, kaya I want to make other people happy on my birthday.

"I can always be happy naman araw-araw, e."

READY TO ACCEPT SUITORS. Pinakaregalo na raw ng kanyang ama sa kanyang birthday ay ang payagan na siyang maligawan. Ang kundisyon lang ay kailangan ligawan siya sa bahay at hindi sa kung saan-saan.

"May blessing na from Papa na puwede na akong ligawan!" natatawang sabi ni Kylie.

"I feel weird saying that, pero it's true, puwede na akong ligawan. But they have to know where I live at may oras ang panliligaw.

"Pinayagan nga ako pero Papa set the rules. Susundin ko pa rin siya."

Ngayon ay wala pa naman daw ini-entertain na suitors si Kylie dahil busy ito sa kanyang pagbabalik sa TV via Dwarfina. Binigyan nga siya ng ka-loveteam sa katauhan ng Tween Hearts star na si Derrick Monasterio.

Nagkasama na raw sila ni Derrick sa ginawang workshop for Dwarfina. Pareho raw kasi silang mahiyain ni Derrick kaya paunti-unti raw sila kung mag-usap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Derrick is very shy, tulad ko," sabi ni Kylie.

"But I know na we will get along. Hindi pa naman kasi kami nakakapag-taping together.

"I hope we can get along well kasi I heard na mabait daw siya and makulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN