Willie Revillame asks CA justice to inhibit himself from ABS-CBN case

IMAGE 0


Willie Revillame previously hosted Wowowee on ABS-CBN. Now on TV5, he hosts Willing Willie, another successful game and variety program.


Hinihingi ni Willie Revillame ang inhibition ng isang Court of Appeals (CA) justice dahil umano sa koneksiyon nito sa mga lawyer ng ABS-CBN.

Saad ni Willie, kailangang i-disqualify ni Justice Samuel H. Gaerlan ang kanyang sarili mula sa pagdinig ng kasong isinampa niya laban sa ABS-CBN.

Ang kaso ay kaugnay sa paghu-host ni Willie ng programang Willing Willie sa TV5, na ayon sa ABS-CBN ay paglabag sa kontrata ni Willie sa kanila na matatapos pa sa September 2011.

Noong October 2010 pa isinampa ni Willie sa Regional Trial Court ng Quezon City ang kasong dinidinig ngayon ng Court of Appeals (CA). Sa nasabing kaso ay ipinapakumpirma ni Willie sa korte ang pagpapawalang-bisa ng kanyang kontrata sa Kapamilya network.

Matapos maisampa ang kaso ay itinaas na ito ng ABS-CBN sa CA 14th Division, kung saan junior member si Justice Gaerlan.

Ayon sa press release na natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa TV5, si Justice Gaerlan daw ay pinsan ng asawa ni Atty. Rodel Cruz, isang senior partner sa Villaraza Cruz Marcelo and Angangco Law Office, ang law firm ng ABS-CBN para sa kaso.

Dagdag pa rito, nagtatrabaho raw sa legal department ng ABS-CBN ang asawa ni Atty. Cruz.

Paliwanag ni Willie at ng kanyang mga abugado, sapat na itong basehan para sa inhibition ni Justice Gaerlan.

Pagdidiin pa ni Atty. Paul Bongco, abugado ni Willie, importante umano sa mga hukom na hindi pagdudahan ng bias para sa kahit kaninong dawit sa isang kaso.

Matatandaang hiningi naman ng ABS-CBN ang inhibition ni CA Justice Franchito Diamante noon pang December 2010, dahil umano sa koneksyon din nito sa kanilang law firm.

Kasalukuyang hinihingi ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ng ABS-CBN kaugnay sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN