Kim Chiu and Gerald Anderson can still work together; exchanged gifts last Christmas

IMAGE 0


"Kami ni Kim, kahit ano pa po ang mangyari sa amin, we'll still remain good friends," says Gerald Anderson about the status of his relationship with Kim Chiu.


Itinanggi ni Kim Chiu ang report na umiiwas muna sila ni Gerald Anderson na magtambal o magsama sa isang show.

Sa katunayan, isa si Gerald sa magiging leading man ng young actress sa afternoon drama series niyang Your Song Presents Kim.

"Nakatrabaho ko na si Ejay Falcon, si Zanjoe Marudo, at si Gerald din, tapos na," banggit ni Kim sa taped interview sa kanya ng The Buzz na ipinalabas kahapon, January 9.

Isa pa sa isyung idinidikit kay Kim ay nahihirapan daw siyang makapag-move on sa pinagdaanan ng relasyon nila ni Gerald. Dahilan para umalis mag-isa si Kim noong Pasko at nagpunta ng South Korea.

Pero paliwanag ni Kim, "Para maka-recharge lang. Bagong simula.

"Natupad din naman ang pangarap na makasama yung snow. Okay naman kasi na-experience ko nang makasama ang snow. Na-experience ko nang pumuti ang ulo ko dahil punong-puno ng snow.

"Ang saya-saya, ang ganda!"

Samantala, nilinaw rin ni Gerald kung anong samahan nila ngayon ni Kim sa taped interview sa kanya ng Entertainment Live noong Sabado, January 8.

"Tulad nga po ng sinabi ko, kami ni Kim, kahit ano pa po ang mangyari sa amin, we'll still remain good friends," sabi ng binatang aktor.

Patunay raw na maayos ang samahan nila ni Kim ay nagbigayan sila ng Christmas gifts.

"Binigyan ako ni Kim ng cell phone, Blackberry, yung bago. And then, binigyan ko siya ng bag," banggit niya.

Sa susunod na project ni Gerald sa ABS-CBN, ang Buhawi Jack, ay magkakaroon na siya ng bagong leading lady—ang bagong Kapamilya na si Jewel Mische.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN