Bea Alonzo admits going out with Zanjoe Marudo—with friends

IMAGE 0


"Kung anuman ang dumating, kahit hindi sa love life, kahit sa anumang aspeto ng buhay mo, dapat ay tinatanggap mo nang maluwag sa dibdib at dapat ine-enjoy mo lang," says Bea Alonzo.


Matagal nang nababalita na may namamagitan sa Kapamilya stars na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Lalo pang lumakas ang usap-usapan tungkol sa kanila nang makitang magkasama ang dalawa sa Rockwell noong mismong araw ng Pasko, December 25.

Sa taped interview ng The Buzz kay Bea kahapon, January 10, ay nahingan siya ng reaction sa balitang nagdi-date daw sila ni Zanjoe.

"Lumalabas kami with friends. Enjoy kami sa company ng isa't isa. Nakapanood kami ng MMFF [Metro Manila Film Festival] movies," sabi ng young actress.

Ayon pa sa report, pagkatapos daw makitang magkasama sina Bea at Zanjoe noong Pasko, nag-host daw ng isang party si Bea para sa kanyang mga kaibigan. Balita na isa raw sa mga espesyal na naimbitahan niya ay si Zanjoe.

Pero halatang umiwas si Bea nang tanungin tungkol dito.

"Ikaw, ha, sige ka, ha!" biro niya sa The Buzz reporter.

Bagamat hindi ito sinagot ni Bea, may reliable source daw ang programa na nagsabing totoong imbitado nga si Zanjoe sa naturang party.

Naging maintriga man o masalimuot ang love life ni Bea noong 2010, totoo bang nakahanda na siyang harapin ang usaping puso ngayong 2011?

"Yung mga bagay na yun, hindi naman pinaplano. Kung darating, e, darating.

"Pero kung anuman ang dumating, kahit hindi sa love life, kahit sa anumang aspeto ng buhay mo, dapat ay tinatanggap mo nang maluwag sa dibdib at dapat ine-enjoy mo lang.

"So, hindi dapat pine-pressure ang sarili kahit na ano pa man," sagot ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN