Melissa Ricks still refuses to admit real status of relationship with Jake Cuenca

IMAGE 0


"Siguro we lasted din na ganito kasi we kept things private. Siguro, ibigay n'yo na lang din po sa amin yun na maging masaya na lang po kami kung ano po ang status namin," says Melissa Ricks about her relationship with rumored boyfriend Jake Cuenca.


Kahapon, January 9, ay ipinagdiwang ni Melissa Ricks ang kanyang 21st birthday.

Bilang bahagi ng kanyang selebrasyon ay live siyang ininterbyu ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa "Straight from the Heart" segment nito sa The Buzz kahapon din.

A few weeks ago ay nakausap din ni Charlene si Jake sa naturang segment. Napanood daw ni Melissa ang interview ni Jake kunsaan inamin nito ang totoong namamagitan sa kanila ng young actress.

Ayon kay Melissa, "I didn't know he'll gonna do that kasi. And then, maraming nag-text sa akin noong araw na yun, 'Ang haba ng hair mo!' 'Anong nangyari?'

"So, noong umuwi ako, pinanood ko sa computer, at doon ko nakita yung sinabi niya."

Nagulat si Melissa sa naging revelation ni Jake on live television.

"Siyempre, natuwa naman ako and nagulat din at the same time."

Sa interview ni Charlene kay Melissa ay pinag-usapan ang tatlong aspeto ng buhay ng young actress—career, friendship, and love.

CAREER. May mga bagay pa bang wini-wish si Melissa when it comes to her career?

"Right now, siguro siyempre, everybody wants to play a lead role. Yun talaga ang wini-wish ko, and sana, it comes very soon.

"And gusto ko, yung may pagka-kontrabida. Something different this time. Hindi na yung pa-tweetums. Pa-cute.

"I want to try something different this time para maipakita ko sa tao yung talent ko."

More than six years na si Melissa sa showbiz since sumali siya sa first batch ng Star Circle Quest.

FRIENDS. Si Melissa ay bahagi ng magkakaibigan sa showbiz na tinatawag na "Chiurigogobaschu." Kabilang din dito sina Kim Chiu, Erich Gonzales, Empress Shuck, Beauty Gonzales, at Kitkat.

Kumusta naman ang barkadahan nila?

"Masaya!" sambit ni Melissa.

"Actually, mamaya merong surprise party. Pero hindi na surprise kasi baka raw hindi ako dumating.

"So, I'm really happy na yung mga kaibigan ko, yung importansiya na ibinibigay nila sa akin, ibang level talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I've found true friends in show business and I'm very thankful na naging bahagi sila ng buhay ko."

Pero aware ba si Melissa sa usap-usapan na hindi na buo ang grupo nila at nag-aaway-away raw sila?

"Oo, marami, marami akong naririnig," sagot niya.

"Nagtatanong sa akin kung nag-aaway kami. At yung iba raw, nagsasapawan.

"It's not true. Lahat kami, nagsimula sa wala, as barkada. And we all got our own shows, our own title roles. Unti-unti.

"Hindi naman lahat kami sabay-sabay na sisikat. Pero kung alam n'yo lang yung tuwa namin, like si Empress, she got Rosalka.

"Kung alam n'yo lang ang tuwa namin when we see her on TV. Para kaming mga magulang din. Mga proud din kami sa isa't isa."

Pero may instances ba na nag-away sila at paano nila inaayos kapag may ganoong sitwasyon?

"Siyempre, ang magkakaibigan, nagtatampuhan, away, pero nothing big. Siguro yung hindi lang nagre-reply.

"Pero anything can be fixed naman sa mabuting usapan, di ba?" sabi ni Melissa.

Ano ang birthday wish niya for her friends?

"Sana mag-last yung friendship namin kahit malayo na ang marating. We all keep our feet on the ground and we all love each other kung paano wala pa kami noon na lahat."

LOVE. Nang ma-interview ni Charlene si Jake, inamin ng young actor na one year and nine months na sila ni Melissa.

Pero may balita na matagal na raw silang dalawa. Kailangan lang nilang itago dahil against daw ang parents ni Melissa kay Jake.

Ano ang katotohanan dito?

"Siyempre ang magulang, they are just looking after me. Especially my parents. Ako yung bunso sa pamilya and they want the best for me.

"At siyempre, hindi pa ako nagkaka-boyfriend and they are worried. Anybody, kahit sinong magulang naman 'yan, concerned.

"Pero noong na-meet naman nila si Jake, sobrang nagustuhan naman nila," sabi ni Melissa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagustuhan ng parents niya si Jake?

"Oo," mabilis niyang sagot.

Isang "yes or no" na sagot naman ang hiningi ni Charlene kay Melissa kung sila na nga ba talaga ni Jake?

"Yes or no lang talaga?" balik-tanong ni Melissa.

Pero dugtong niya, "Siguro we lasted din na ganito kasi we kept things private. Siguro, ibigay n'yo na lang din po sa amin yun na maging masaya na lang po kami kung ano po ang status namin."

Pero hinirit muli ni Charlene kung "yes or no."

"Ibalato n'yo na lang sa amin yun, Ms. Charlene," giit naman ni Melissa.

JAKE'S SURPRISES. Paano ba manligaw si Jake?

"Parang teleserye, alam n'yo yung sobrang ang sweet niya."

Madrama ba siya?

"Marami siyang mga pasabog. Marami siyang mga surprises."

Anong pasabog?

"Marami siyang sorpresa sa akin. Yung mga regalong ibinibigay niya sa akin, like last year, during my birthday, nag-prepare siya ng dinner with fireworks. Very ano siya, bongga!" natatawang sabi ni Melissa.

Inamin din ni Melissa that she spent Christmas with Jake.

"Yes, I did. Noche buena and Christmas."

Ano naman ang naging gift ni Jake sa kanya?

"Earring... I gave him shoes and a watch."

May regalo na ba si Jake sa birthday niya?

"Meron po, he gave me a watch."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN