QC Mayor Herbert Bautista rewards traffic enforcer, Batangas Gov. Vilma Santos extends condolences to family of accident victims, and other news about stars in politics

IMAGE 0


Politics is full of star power. (Clockwise, from top right) Celebrities who have careers in government include Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Sarangani Rep. Manny Pacquiao, and Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla.


Mula ngayong Enero 2011 ay sisikapin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sundan ang mga aksyon ng mga personalidad sa showbiz na may mga puwesto sa gobyerno.

Hangad ng PEP na magbigay ng isang pagtataya kung karapat-dapat ba ang mga natanggap nilang boto mula sa mga Pilipino.

Narito ang ilan sa mga bagong kaganapan tungkol sa ilang mga artista na nasa gobyerno:

HERBERT BAUTISTA. Noong isang linggo ay nabalita ang pagbibigay-gantimpala ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa isang traffic enforcer na pumansin sa traffic violation ng mayor mismo.

Ayon sa mga balita, ilang oras na lang bago ang New Year's Eve noong makita ni Sol Botillo, isang veteran traffic aide, ang isang pulang Ford Expedition sa intersection ng Kamuning at Tomas Morato. Tila nagmamadali ang sasakyan at nag-"beat the red light" ito.

Pinara ni Botillo ang sasakyan, at kinausap ang driver sa loob. Nag-lecture raw ito tungkol sa traffic rules. Dahil madilim na, hindi nakilala ng traffic aide na si Mayor Herbert ang siya mismong nagmamaneho ng Ford Expedition.

Hiningi raw ni Botillo ang lisensiya ng di pa niya nakikilalang driver nang dalawang beses bago raw magsalita at manghingi ng tawad ang driver para sa kanyang traffic violation.

Dito na raw nakilala ni Botillo ang boses ng alkalde, at siya naman ang humingi ng paumanhin dito. Gaya nang nararapat, binigyan ng traffic aide ng warning si Mayor Herbert bago ito pinamaneho muli.

Bago umalis si Mayor Herbert, inimbita niya si Botillo na pumunta sa kanyang opisina.

Noong sumunod na Lunes, Enero 3, tinawag ng alkalde si Botillo sa harap ng mga tauhan ng City Hall sa kanilang regular flag ceremony.

Dito ay binigyan ni Mayor Herbert ng promotion si Botillo at ng pabuyang P10,000 dahil sa pagiging tapat sa kanyang tungkulin.

"Dapat tularan siya ng ibang mga traffic aide dahil ginagawa niya nang maayos ang kanyang trabaho," pahayag ni Mayor Herbert sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VILMA SANTOS-RECTO. Nakiramay naman si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa mga biktima ng isang aksidente sa STAR Tollway.

Ayon sa website ng Provincial Government of Batangas, bumisita si Governor Vi sa tahanan ng pamilya Festijo sa Bgy. Tinga, Batangas City upang personal na makiramay.

Kasama ng gobernadora si Vice Governor Mark Leviste, at ipinaabot nila sa mga kamag-anak ng biktima na handang tumulong ang Pamahalaan Panlalawigan sa kanila.

Pitong miyembro ng pamilya Festijo ang nasawi sa aksidente, kung saan nabangga ng isang pampasaherong bus mula sa Gazat Bus Lines ang sinasakyang jeep ng mga Festijo sa STAR Tollway noong Enero 2.

Tatlo sa mga nasawi sa aksidente ay mga menor de edad.

Samantala, apat naman ang nasaktan at mabilis na isinugod sa ospital.

Bilang pangunang tulong, binigyan ni Governor Vi ng direktiba ang Provincial Social Welfare Office at Provincial Health Office na gawing prayoridad ang pinansiyal at medikal na pangangailangan ng pamilya ng mga nasawi sa trahedya.

Hihingi rin ng dayalogo ang gobernadora sa pamunuan ng STAR Tollway para maiwasan ang mga aksidenteng nangyayari sa mga sasakyang humahagibis sa expressway.

LANI MERCADO-REVILLA.Sa kasalukuyan ay author na si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla ng 26 House bills, ayon sa website ng House of Representatives, 15th Congress.

Kasama rito ang HB 00521, o "An Act of Creating the City of Bacoor." Matatandaang isa ito sa mga nasabing prayoridad ni Lani bago pa man siya mahalal na congresswoman.

Ayon sa kanya, mas mapapadali ang pag-unlad ng kanyang nasasakupan kung maging siyudad ito.

Isa pa sa mga House bills ni Representative Lani ay ang HB 02445, o "An Act Prohibiting the Riding or Transporting of Children Seven Years Old and Below on Motorcycles Along Highways."

Hangad nito ang maprotektahan ang mga batang inaangkas ng mga magulang habang nagpapaandar ng mga motorsiklo.

Isa pa sa mga batas ni nai-file ni Representative Lani ay ang HB 02658, o "An Act Prohibiting the Use of the Word 'Muslim' or 'Islamic' in Print, Radio, Television Including Cable Television and Other Forms of Broadcast Media to Refer To or Describe Any Person Suspected or Convicted of a Crime or Unlawful Act and Providing Penalities Therefore."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan pa sa mga batas ni Rep. Lani ay ang pagpapagawa ng mga motorcycle lanes sa mga major highways, pagpo-promote ng breastfeeding, at paggawa ng isang open high school system sa Pilipinas.

LUCY TORRES-GOMEZ.Nakapag-author naman si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez ng 19 House bills, ayon sa website ng House of Representatives, 15th Congress.

Karamihan sa mga batas ni Rep. Lucy ay nakatutok sa kanyang nasasakupan sa Ormoc.

Halimbawa nito ay ang HB 01939, o "An Act Providing for the Construction of One Toilet for Every Five Classrooms in All Public Elementary Schools in the Fourth District of Leyte."

Kasama rin dito ang bills na magpapagawa at magpapaayos ng mga kalsada, ospital, kulungan, at istrukturang pampulisya sa Ormoc.

Ilan naman sa mga bills ni Representative Lucy na pambansa ang sakop ay ang HB 01938, o "An Act Including Values Formation as a Separate Subject in the Elementary and Secondary Curricula and Appropriating Funds Therefor."

At ang HB02661, o "An Act Providing for the Establishment of Birthing Centers in Every Barangay Nationwide and Appropriating Funds Therefor."

DAN FERNANDEZ. Mga 22 namang House bills ang ginawa ng aktor na si Dan Fernandez, na naninilbihang congressman ng Laguna.

Karamihan din sa mga ito ay nakatutok sa kanyang nasasakupan at naghahangad na maisaayos ang mga kalsada at education system sa Southern Tagalog Region.

Ilan naman sa mga batas niyang pambansa ang sakop ay nakatutok sa mga isyung pangkalikasan: tulad ng HB 02175, o "An Act Mandating Each City or Municipality to Set Aside a Portion of Its Territorial Jurisdiction for Forest Parks and Providing for the Maintenance Thereof";

at ang HB 02176, o "An Act Protecting the Forest by Banning All Commercial Logging Operations, Providing Mechanisms for its Effective Implementation, and Imposing Penalties for Violations Therefor."

MANNY PACQUIAO.Kahit abala naman si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa larangan ng boksing ay nakapag-author pa rin ito ng anim na House bills.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad ni Rep. Lani Mercado-Revilla, may House bill din si Rep. Manny na nais i-promote ang breastfeeding. May batas din siya na magpapagawa ng ospital sa kanyang nasasakupan.

Ilan pa sa mga batas ng world-class boxer ay ang HB 02380, o "An Act to Prohibit Network Companies from Sending Unsolicited Material to Their Subscribers Via Text or Short Message Service (SMS)," at isang batas na tututok sa problema ng mga overseas Filipino workers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN