(UPDATED) Solenn Heussaff feels offended by "bimbo" tag of French TV network

IMAGE 0


In her Twitter account, Solenn Heussaff posted: "Not happy with French Channel M6 to have tagged my friends and I as 'bimbos.' I hope this gets to them, we're all decent and hard-working women."


Nainsulto ang Filipino-French actress na si Solenn Heussaff nang bansagan siya ng isang French TV network bilang "bimbo."

Napanood ng mga kaibigan ni Solenn na naka-base sa France ang report ng French Channel M6 titled Stories of Gangsters, Drug Lords and Bimbos.

Ayon sa report ng Abante Tonite, na lumabas ngayong araw (January 11), ang ibang kaibigan ni Solenn na featured sa naturang palabas ay sina Anne Curtis at Ruffa Gutierrez.

Sa pamamagitan ng Twitter, nalaman ni Solenn na ipinalabas na wala silang ginawa kundi gumimik sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Binansagan diumano sila bilang "bimbos" o magagandang babae na walang laman ang utak.

Ang tatay pa raw ni Solenn, na isang Pranses, ang gumastos para makapunta sa Boracay ang crew ng French TV network upang makunan ng footage ang former Survivor Philipppines castaway.

Isang text message ang ipinadala ni Solenn sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng kanyang manager na si Leo Dominguez, kaninang umaga tungkol sa naturang report:

"I was very offended since my dad and I had helped them organize their documentary here [as well as provide for their] transportation. They wanted to film several sides of the Philippines and they just totally exaggerated the differences between the poor and more fortunate.

"They made my friends and I sound like total spoiled brats and uneducated and made us look like we don't work and all we do is live the lifestyle. All my friends are very well educated, respected, self-accomplished, down-to-earth and successful women.

"I'm very offended by their editing. Not to mention the title of the documentary was Gangsters, Drug Lords and Bimbos," saad ng actress-singer.

Sa panibagong text message na ipinadala niya sa PEP, sa pamamagitan pa rin ni Leo, ngayong gabi, sinabi ni Solenn na: "There were no specified names on the video. Is filming with some friends. No names were mentioned. But the title obviously is [referring] to us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, pinabulaanan naman ni Anne sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na kasama siya sa documentary. Hindi rin nabanggit ang pangalan ni Ruffa ngunit kasama siya sa footage ng naturang palabas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN