(UPDATED) Heart Evangelista on snubbing issue with Raymond Gutierrez: "Honestly, I don't know if he is making an issue out of it."

IMAGE 0


"Mabuting tao naman talaga ako. Maarte lang talaga ako, pero I am a nice person. I just really hate fighting. I hate it," says Heart Evangelista about the latest issue on her involving former friend Raymond Gutierrez.


Nauna nang lumabas dito sa PEP Alerts kahapon, January 10, ang tungkol sa nangyaring dedmahan o hindi pagpapansinan umano sa pagitan ng dating magkaibigan na sina Heart Evangelista at Raymond Gutierrez.

Ang insidente ay magkasunod daw na naganap noong Linggo, January 9, sa Party Pilipinas at sa Showbiz Central.

Kapwa hosts sina Heart at Raymond sa Party Pilipinas. Sa balitang nakarating sa PEP, sa set diumano ng Sunday musical-variety show ng GMA-7 ay binati raw ni Heart si Raymond, pero hindi raw siya pinansin nito.

Pero mas lumala pa ang sitwasyon pagdating sa Showbiz Central noong hapon. Co-host si Raymond sa show at guest naman ng hapong iyon si Heart para sa promo ng bagong telefantasya ng GMA-7 na Dwarfina.

Diumano, sa isang bahagi ng show ay nagpasaring si Raymond kay Heart on the air nang sabihin nito na, "Pati yung mga hindi namamansin, puwede kayong maging involved diyan."

At may pahabol pa raw ang male host na, "Thank you, Kuya Ogie [Alcasid], pinansin mo ako," dahil sa pagpayag daw ng singer na makipag-one-on-one interview sa kanya.

Nag-ugat ang conflict sa pagitan nina Heart at Raymond dahil sa nangyaring hidwaan last year sa pagitan naman ni Heart at ng ina ni Raymond na si Annabelle Rama, co-manager ng aktres.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagkakaayos ang dalawang panig. At natural lang naman siguro na pumanig si Raymond sa kanyang ina.

HEART EXPLAINS. Nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag si Heart tungkol sa nangyari sa phone-patch interview sa kanya ng showbiz talk show ng QTV 11 na Tweetbiz kagabi, January 11.

"Honestly, I don't know if he [Raymond] is making an issue out of it. Because from the technical rehearsal [sa Party Pilipinas], I went up to him.

"Nakita ko nakaupo siya. Sabi ko, 'Hi!' Pero hindi naman niya ako kinausap or hindi naman siya nag-react o nag-hi," kuwento ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Showbiz Central ay tila may pasaring si Raymond about "pansinan." Alam niya ba ang tungkol dito at ano ang reaksiyon niya rito?

"Actually, I would appreciate it if they stop making fun and just say my name then maybe I can address [the issue]. Because at this point, I really don't know to whom they are saying that.

"So, next time, I'd appreciate it if they make parinig, it would be better if they say my name then I can address the issue," saad ng aktres.

Ayaw naman daw talagang makipag-away ni Heart.

"Mabuting tao naman talaga ako. Maarte lang talaga ako, pero I am a nice person. I just really hate fighting. I hate it."

ANNABELLE'S TWEET. Kaugnay ng dedmahan issue kina Heart at Raymond, isang "blind item" ang ipinost ng ina ng TV host na si Annabelle Rama sa kanyang Twitter account (annabellerama2) noong Lunes, January 10.

Narito ang kabuuan ng kanyang tweet:

"Mga dong at day at sa lahat ng supporters ko, I have a blind item. Sino itong starlet na wala pang napatunayan sa kanyang naghihingalong career? Kundi dahil sa akin siguro hanggang ngayon pakalat-kalat na lang yan. Ang kapal ng mukha biniblame niya ang anak ko di siya pinansin

"At least di plastic ang anak ko sino bang matutuwa sa ginawa niya sa akin? Dapat yung mga walang utang na loob itali sa gitna ng gma network at lagyan ng maraming korona na kulay itim. Hahaha, kakarmahin ka rin"

Dahil blind item nga ay hindi sinabi ni Annabelle kung sino ang mga tinutukoy niya, pero malinaw namang ito ay walang iba kundi si Heart at ang kanyang anak na si Raymond.

Mananatiling bukas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Raymond kung nais niyang magsalita tungkol sa naging pahayag ni Heart, at pati na rin kay Heart kung nais niyang sagutin ang "blind item" sa kanya ng kanyang co-manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN