Gov. Chavit Singson denies being the true owner of Manny Pacquiao's rumored private jet

IMAGE 0


Ilocos Sur Governor Chavit Singson denied a report that he is the true owner of the private jet reportedly used by the Pacquiaos on their trip to Japan and Australia.


Kamakailan ay nabalita na bumili diumano ng isang 32-seater European-made private jet plane si Congressman Manny Pacquiao. Pinuntahan pa raw niya ito sa Japan kasama ang asawang si Jinkee para siyasatin.

Ilang litrato pa ang lumabas sa mga pahayagan ng naturang aircraft.

Pero sa isang interview ay parehong idinenay ng mag-asawa na sa kanila ang naturang private jet. Lalo pang nagkaroon ng intriga nang sabihin umano ni Jinkee na ang tunay na may-ari raw ng jet ay si Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Pero sa phone patch interview kay Gov. Chavit ng showbiz talk show ng QTV 11 na Tweetbiz kagabi, January 10, ay idinenay din ng controversial politician na siya ang may-ari ng jet.

"Hindi, hindi sa akin!" todo-tanggi niya.

Pero kanino ba talaga yung jet?

"Ipapakilala ko kay Manay Lolit [Solis, isa sa mga host ng Tweetbiz]. Pagdating ipapakilala ko sa iyo," biro niya.

Sa interview na ito kay Gov. Chavit, naiwan pa rin ang malaking katanungan kung sino nga ba ang tunay na may-ari ng private jet.

RONALD SINGSON. Samantala, natanong din si Gov. Chavit tungkol sa anak niyang si Rep. Ronald Singson na nahaharap pa rin sa kaso ukol sa droga sa Hong Kong matapos mahulihan noong isang taon sa airport ng cocaine.

"Okay naman si Ronald. Yun nga lang, nakakalimutan ng iba na si Ronald ay biktima. Kasi binabaligtad kasi, e.

"Sinabi niya, yes [plead guilty] siya sa possession but no to trafficking. So, ibig sabihin. iko-contest pa 'yan sa korte.

"Sabi nga niya, 'Hindi ko aaminin 'yan dahil hindi naman akin'

" Ikukulong na siya ulit noong 31. Nakumbinsi siya ng abugado na, 'Maski hindi sa iyo, aminin mo. Pero iko-contest natin 'yan.'

"Kaya niya inamin yung possession. But no to trafficking."

Sa susunod daw na hearing ay iko-contest ito ng mga abugado ni Ronald nang sa gayon ay bumaba ang sentensiya o parusa rito kung di man tuluyan nang mapalaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN