Donita Rose reacts to rumor that she will no longer be part of the revamped Umagang Kay Ganda

IMAGE 0


"Kung tatanggalin ako sa show, it must not be because of anything that I can't do because I gave my all... It cannot be I'm not good enough because I gave my best. But maybe they're not happy with me, like being bulol, and it's beyond my control," says Donita Rose about rumors thay she will not be part of the reformatted Umagang Kay Ganda.


Sa nalalapit na pagbabagong-bihis ng daily morning program ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda (UKG), may usap-usapan na hindi na raw makakasama rito ang isa sa mga host na si Donita Rose.

Mahigit tatlong taon nang bahagi ng show si Donita kaya naman marami sa kanyang mga kaibigan at fans ang naalarma sa balitang ito. Lalo na't nakasanayan na ng mga manonood na ang TV host-actress ang nagbibigay kasiyahan at komedya sa show.

Sa 1@11 concert nina Gary Valenciano at Charice noong Sabado, January 8, sa SM MOA Concert Grounds, ay kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Donita tungkol sa balitang mawawala na siya sa UKG.

"Actually, I heard the rumors a few days, ago. Tita Angeli [Pangilinan, her manager] attended a press conference and marami raw ang nagtanong sa kanya.

"Sabi ko sa kanya, 'Tita, baka naman puwede mong tanungin ang mga boss ko kung totoo?'

"Sabi naman ng boss ko [Jing Reyes], if it's true na tatanggalin ako, she would be the first to know coz she's the boss. E, wala naman daw balitang ganun.

"Ako, I'm thinking that there's a reformatting that might happen kaya there are rumors going around na tatanggalin si ganito, si ganyan. There's a major change.

"Si Atom Araullo, they want to put him in serious newscasting. Tapos they added Phoemela [Baranda], Andrei Felix, and Bekimon.

"I didn't know where did it come from. And to be honest with you, I was actually stressed out for a couple of days ago," sabi ni Donita.

GIVING HER BEST. Hanggang ngayon ay napapanood pa rin si Donita sa UKG. Pero kung matutuloy man na maalis siya sa show, matatangap niya raw nang bukal sa kanyang loob, lalo't alam niyang she gave her best to the show.

"If ever na tanggalin ako sa show na yun, wala akong regrets coz in three and a half years ko sa UKG, ibinigay ko ang 110 percent of everything that I have every day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kalokohan na yung ginagawa ko. Minsan nahihiya na ako, pero okay lang.

"I had so much fun. I traveled all over the Philippines. I've done some crazy things.

"I really have a strong relationship, not just with my co-anchors but with the cast, the crew.

"Every day, when we have a live audience, pinapatawa ko sila. As in, lahat ibinibigay ko."

Dagdag niya, "Kung tatanggalin ako sa show, it must not be because of anything that I can't do because I gave my all.

"I'm the first person to go to work every morning, and I'm the last person to leave after the meeting. I'm always the first and last.

"It cannot be I'm not good enough because I gave my best. But maybe they're not happy with me, like being bulol, and it's beyond my control.

"Ako kasi, I don't put my trust on my talent. I don't put my trust in UKG or in ABS. But I put my trust in God that whatever happens, maalis man ako o I stay in the show, ready na ako."

Ayon pa kay Donita, nabago talaga ang buhay niya dahil sa UKG.

"I wake up three o' clock in the morning. The show finishes like 8:30, tapos meeting till 9:30 a.m. So my hours is very different."

If ever man na alisin nga siya sa show, gusto niyang balikan ang acting kung saan una naman siyang nakilala.

"Atat na atat na akong gumawa ng mga roles na breakout kontrabida!" sabi ni Donita.

FAMILY LIFE. Napag-usapan din namin ang buhay-pamilya ni Donita.

Ayon sa kanya, 2010 was very memorable and significant year for her and husband Eric Villarama dahil ito ang taong masasabing nalagpasan nila ang lahat ng pagsubok sa kanila.

"It's been very good year for me. I think marriage-wise, it's been our best year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The previous years kasi, parang pendulum kami. Sobrang in love, tapos sobrang buwisit sa isa't isa.

"I guess it's because of some situations like my health. I'm having a migraine problem.

"But my husband and I calmed down and we've learned so much from 2010, na feeling ko, stable na yung marriage namin and nothing can tear us apart.

"Feeling ko, buo na yung foundation. Nabuo na namin and now we can go on with our lives. And whatever challenges that will come our way, we know how to handle it a lot better now.

"So, I think, for me, the best ang nangyari sa amin nung 2010."

Para kay Donita, malabong magkahiwalay sila ni Eric dahil ipinangako raw nila sa isa't isa na hindi sila maghihiwalay.

"Matitindi talaga ang mga away namin. 2009 to 2010, we had some pretty catfights," sabi niya.

"But you know, even before na ikinasal kami, we already made a promise na if we get married, lifetime yun.

"My husband and I decided na sa dami ng natutuhan namin, we want to write a book about marriage.

"Si Eric kasi is a comedian, stand-up comedian siya before, one of his hobbies, he had a group before.

"Kami ni Eric sa bahay, yung dynamics namin, sobra kaming kengkoy and we just come out of all these anecdotes. Things we really want to share with people so we decided to write a book," banggit ni Donita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN