PEP EXCLUSIVE: Fanny Serrano gives details about Sharon Cuneta's minor accident at her birthday concert

IMAGE 0


"Right after natapos ang show, bigla ba namang naupo sa silya, inalis ang sapatos, alahas, at nagngangawa na sa sobrang sakit daw ng likod niya, na gumagapang papuntang balikat at ulo! As in, sumisigaw siya sa sakit!" recalls Fanny Serrano (inset) about the condition of Sharon Cuneta right after her concert last night, January 11.


Kaugnay ng mga ulat na lumabas ngayong umaga, January 12, hinggil sa nangyaring minor accident sa birthday concert ni Sharon Cuneta kagabi (January 11), nagpadala rin ng text messages sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Fanny Serrano.

Kasakasama kagabi ng Megastar si Fanny bilang kanyang official makeup artist.

Idinetalye ni Tita Fanny sa mahaba niyang mensahe sa PEP ang mga pangyayari sa naturang concert, na ang ending ay ang pagkasugod kay Sharon sa hospital. (CLICK HERE to read related story.)

"Super kasi ang excitement na naramdaman ni Sharon sa mga surprises for her birthday concert last night, sa Araneta," simula ni Fanny.

"Talagang grabe ang tuwa niya sa bawat number, at kahit ang audience ay super gustung-gusto ang buong show! Grabe! Full-packed ang Araneta!

"More than three hours inabot ang show, pero parang ayaw pa rin ng tao matapos!

"Nakaupo lang si Sharon sa audience, kasama ang family niya. Of course, Kiko [Pangilinan], Khakie [Frankie], Miel, and Mommy Elaine, at halos ang buong Pangilinan and Cuneta families, kaya sobrang saya ni Mega kagabi.

"At dun nag-start ang hindi magandang pakiramdam ni Shawie, dahil kasalukuyan namang may sakit ang bunso niyang si Miguel [adopted son nina Sharon at Kiko], na naiwan sa bahay kasama ang yaya at nurse na nagbabalita lang sa amin, every now and then, kung ano na nga ang kalagayan ng bata."

Dagdag pa ni Fanny, "Paminsan-minsan ay nagkakaroon din nga siya [Sharon] ng special number with some of the guest artists na favorite niya.

"At dun sa rock and roll medley na ginawa niya with Billy Crawford and Ramon Jacinto ay dance to death siya ng Twist. Dun siya nag-slide at bumagsak bigla sa sahig, na yung balakang nga niya ang unang tumama, as in plakda talaga ang bagsak niya!

"Sigawan ang mga tao sa gulat, at ang tagal niya bago naitayo ni Billy. Pero tawa siya nang tawa habang nakaupo at sayaw pa rin nang sayaw, kaya super-palakpakan ang buong audience sa Araneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At iisa lang ang dialogue niya: 'O, kaya n'yo yun? Ako lang ang makakagawa nun!' At sabay halakhak pa niya! 'Kakaloka!"

TENSION ANXIETY. Tumagal ng tatlong oras ang concert ni Sharon. Early evening pa naganap ang pagkatumba ni Mega.

Ayon pa kay Fanny, "Akala namin, okey lang siya kasi early number pa lang ang rock and roll medley na yun at tinapos niya pa ang concert na halos more than three hours na nga.

"Wala kaming naririnig na reklamo o daing sa kanya during our costume changes!" banggit din ni TF, na kasama ni Sharon sa dressing room.

"Aba, e, right after natapos ang show, bigla ba namang naupo sa silya, inalis ang sapatos, alahas, at nagngangawa na sa sobrang sakit daw ng likod niya, na gumagapang papuntang balikat at ulo! As in, sumisigaw siya sa sakit!

"Nagpatawag na kami ng medical staff sa Araneta, na in fairness naman ay dumating agad, and with complete facilities, ay binigyan ng first aid si Sharon.

"Pero nang hindi mawala ang kanyang pain ay nagpatawag na ng ambulansiya at itinakbo na siya sa St. Luke's The Fort para ma-examine talagang mabuti.

"Ang findings ng mga doktor—tension anxiety!" pagri-reveal ni Fanny.

"Nag-shoot up ang [blood] sugar niya, at nag-high blood na rin. Wala pala siyang tulog dahil sa sobrang excitement nga sa show niya."

Nabanggit din ni TF ang isa pang dahilan tungo sa pagtataglay ngayon ni Sharon ng "tension anxiety."

"Kapag hindi makatulog, sinasabayan naman niya ito ng pagbi-bake ng kanyang famous na carrot cake, at nag-e-experiment ng kung anu-ano pang variety ng mga recipe sa baking, na dito sa salon ko niya ibinabagsak. Super bentang-benta naman sa mga customer ko ang mga bine-bake niya!"

MEGA-REST. Hindi na rin masyadong mag-aalala ang fans ni Sharon, ayon kay Fanny, dahil kasalukuyan nang nagpapahinga sa bahay nito ang Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After ma-X-ray ay iniuwi na rin si Sharon this morning at sa bahay na pinapagpahinga. Kasi nagwu-worry naman siya dun sa bunso niya [Miguel] na may sakit din nga, di ba?

"Binigyan na lang siya ng injection na pampatulog para makapahinga talaga nang todo.

"In fairness, this birthday concert ni Sharon ang masasabi kong pinakamagandang birthday presentation niya sa kanyang fans fans, at yun din ang narinig ko sa lahat ng taong nakausap ko kagabi.

"Praise God! Halleluya!" pagtatapos ng mensahe ni Fanny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN