Despite the intrigues, Ronnie Liang considers 2010 as one of the best in his career

IMAGE 0


"Tapos na yang issue na yan para sa akin, nangyari yan nung 2010 so past na siya, what is important is that naka-move on na tayo," Ronnie Liang says, but adds, "'Forgive your enemies but don't forget their names.' Maaaring napatawad mo na siya but you have to be careful next time."


Kahit na naging paboritong batuhin ng mga intriga nuong nakaraang taon si Ronnie Liang, he still considers 2010 as one of the best years in his career.

Ilan lamang sa mga intrigang naipukol kay Ronnie ay ang pagkakaroon daw niya ng matrona sa America, ang kawalan daw niya ng utang ng loob sa kanyang dating manager na si George Roca at ang away nila ng dapat sana ay magiging new manager na si Arnold Vegafria.

Masasabi nga raw na masalimuot, maintriga at magulo ang 2010 para kay Ronnie Liang. Pero sa panayam namin sa singer sa nakarang 1@11 fashion show/concert at the MOA concert grounds, sinabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit ikinukunsidera niya na masuwerteng taon pa rin para sa kanya ang 2010.

"[It] is a best year for me coz in spite of all those intrigues na pinupukol nila sa akin, I'm still here and I'm so thankful. Sabi nga nila, ang success ng isang tao ay di lang nasusukat sa pera, di lang naman sa mga material things pero kung paano mo na-handle ang buong taon. Ikaw mismo masasabi mong successful ka."


Aminadong nasaktan siya, maging ang kanyang pamilya sa mga binatong mga intriga. Pero ayon kay Ronnie, ang lahat ng mga ito ay iniwan na niya nuong taong nagdaan.



"Siyempre tao tayo, nasasaktan tayo pag di totoo ang mga lumalabas tungkol sa atin. Minsan mare-realize mo wala tayong magagawa.

"Sa family ko, sino ba naman ang hindi maaapektuhan? Pero kasi ang pamilya ko, disenteng mga tao sila kaya di sila pumapatol sa ganun. We will not [go down] to their level. Di sila nag-react, oo, nasaktan sila pero they realized na di talaga dapat patulan," paliwanag ni Ronnie.



"Saka yang mga issues na pinukol sa akin, siguro mas lalo pa akong tumanyag, napag-usapan. Pero sana kung magre-report sila, dapat responsible journalism kasi pag responsible journalist ka, it's always based on facts, di lang nakabase sa hearsay or rumors."



Sa sinabi ni Ronnie na gusto na niyang kalimutan ang mga di magagandang intriga na nangyari sa kanya ng 2010, agad namin siyang tinanong kung wala na ba siyang sama ng loob sa dapat sana ay magiging manager niya na si Arnold Vegafria at kung nakapag-usap na ba silang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos na yang issue na yan para sa akin, nangyari yan nung 2010 so past na siya, what is important is that naka-move on na tayo.

"Sabi nga nila, 'Forgive your enemies but don't forget their names.' Maaaring napatawad mo na siya but you have to be careful next time."



BACK TO HIS OLD MANAGER. Napag-usapan din namin ang lumabas na balita na balik na daw siya sa pangangalaga ng dating manager na si George Roca.

"Manager ko pa rin naman siya nung na kay Kuya Arnold ako, he was still there. Basta mag-uusap kami pagdating niya, magmi-meeting pa rin kami regarding sa management niya sa akin," sabi ni Ronnie.



Endorser din pala ng Department of Education si Ronnie. Siniguro sa amin ng singer na hindi naman nakaapekto ang mga pinukol na mga intriga sa kanya.



"I am an endorser of Department of Education. Brigada Eskuwela ang pangalan nung project namin and I have a contract with them for two years. Nagka-campaign kami sa pamamagitan ng bayanihan sa mga public schools.

"For example may problema sa isang eskuwelahan, kulang ang mga upuan. Kung sinuman ang parents o mag-aaral dun, nagkakaroon ng initiative na ayusin yun. Sila mismo ang tutulong. Yung mga out of school youth, hinihimok din namin na magbalik-eskuwela.

"I'm so thankful na di sila naniwala. Siyempre they're very intelligent people, di sila naniniwala sa ganung mga rumors. They're decent people," aniya.



NEW RECORD PROJECT. Masaya ring ibinalita sa amin ni Ronnie na sa ngayon ay may bago siyang ginagawang album under Universal Records.

"Magre-resume ako ng recording ko. Nakapag-record na ako ng 7-8 songs. It's a full album so mga 10-15 songs siya."



Isa siya sa rumampa sa 1@11 fashion show/concert ng Aficionado. Sa pagkawala ni Lovi Poe as endorser of this perfume, nagsalita si Joel Cruz na hindi na ni-renew ang contract nito dahil mas mabili pa raw ang pabango ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung totoong sinabi niya yun, I'm so thankful kay Sir Joel for that information. Kami naman ni Lovi, wala kaming issues kaya dapat wag kaming pag-awayin. Rumampa kaming mga endorsers ng Aficionado. Before, Ronnie Liang for Him lang ang ini-enorse ko pero ngayon nadagdagan ng Ronnie Liang for Her plus sunblock."



Marami ang nakapansin ng pagpayat ni Ronnie at tiyak na isang issue na naman na ipupukol sa kanya ay baka nagda-drugs siya.

"Well ganun talaga, expected ko na yan, so hayaan na lang natin, sanay na ako. Siyempre bilang artista we have to watch our weight. Kailangan laging maganda ang katawan mo, alam mo naman ang kumpetisyon ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN