Elmo Magalona is excited to shoot his first indie film, Mrs. Recto

IMAGE 0


"Nakaka-overwhelm, kasi isinama nila ako sa pelikula na star-studded. Kasi nandun si Ms. Regine Velasquez, si Jason Gainza ng PBB (Pinoy Big Brother), Pen Medina at marami pang iba," 16-year-old Elmo Magalona says about shooting his first movie.




Excited si Elmo Magalona sa paggawa ng kauna-unahan niyang indie film, ang Mrs. Recto.

Ito ang ikinuwento ni Elmo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last January 13, 2010 sa Parks and Wildlife sa Quezon City habang nagte-taping sila ng Maynila, isang TV series sa GMA-7.

Ang Mrs. Recto, na pinangungunahan ni Regine Velasquez, ay idinidirehe ni Dante Nico Garcia.



"I started shooting last year. Kaya Mrs. Recto yung title, kasi sa Recto, Manila ang settng ng movie. Isang movie musical siya at maraming kantahan," sagot ng 16-year-old rapper-actor.



"Excited ako kasi this will be my first movie, kumbaga iba dun sa ginagawa ko sa telebisyon. Kasi sa TV, ilang araw ang taping mo, tapos ilang buwan bago mo malaman yung katapusan ng istorya.



"Sa pelikula, ilang araw lang ang shooting, tapos mapapanood mo na nang buo, malalaman mo na yung ending."



Anong role ni Elmo sa pelikula?



"Ang role ko ay isang high school student na tumira sa dorm. Marami akong kilala na dun din nagdo-dorm. Tapos, ako yung nagko-connect lahat sa kanila."


MOVIE STAR FEELING. Anong pakiramdam na may pelikula na siya?



"Nakaka-overwhelm, kasi isinama nila ako sa pelikula na star-studded. Kasi nandun si Ms. Regine Velasquez, si Jason Gainza ng PBB (Pinoy Big Brother), Pen Medina at marami pang iba.



"At kahit hindi pa tapos yung shooting, nakikita namin na maganda yung movie at kapupulutan ng aral ng lahat, bukod sa mag-e-enjoy sila sa panonood nito," sabi ni Elmo.



"Kaya nga excited na akong matapos yung movie, kasi first movie ko 'to at gustong-gusto ko na talagang mapanood sa sinehan.



"Sana after this film, masundan at makagawa naman ako ng pang-mainstream na movie."



Anong feeling na makatrabaho si Regine Velasquez?



"Actually di pa kami nagkaka-eksena, kasi hindi pa naman tapos yung pelikula. Pero para sa akin, isang malaking karangalan ang makatrabaho si Ms. Regine Velasquez lalo na't musical ang ginagawa namin at dun talaga siya magaling.



"Proud din ako dahil pulos magagaling na artista yung nakatrabaho ko sa Mrs. Recto kasi marami akong natututunan sa kanila lalo na yung mga datihan na talaga," sabi ni Elmo.



"Basta masaya yung shooting namin at nage-e-enjoy ako talaga na katrabaho silang lahat, pati na sila Direk Dante.



DRAMA AND MUSICALS, PLEASE. Kung bibigyan siya ng solo film, anong klaseng pelikula ang gusto niya? Gusto ba ni Elmo ng drama, action, love story o comedy?



"Siguro sa drama o kaya drama na may comedy. Puwedeng may temang love story, kasi yun yung madali at gamay ko nang gawin. Siguro pinaka least, yung action, kasi yung action mahirap, mas maraming training.



"Okey din sa akin yung musical, like yung ginawa namin. Pero this time, ako naman ang bida," pagbibirong sabi ni Elmo. "Kasi isa rin sa forte ko ang singing, kaya siguro kayang-kaya kong gawin yun."



If ever na bibigyan siya ng ka-partner sa pelikula, sino sa mga artistang babae ngayon ang gusto niyang makapareha?



"Hindi ko alam! Kahit sino okey lang sa akin. Trabaho lang naman kasi ito. Lahat naman puwede kong makatrabaho.



"Sa ngayon kasi, feeling ko wala pa ako sa estado na mamimili ako ng katrabaho. Willing naman kasi ako talaga to work with anybody. Madali naman kasi akong pakisamahan at hindi rin naman ako mahirap katrabaho," sagot ni Elmo.



"Tsaka gusto ko rin maka-meet ng iba't-ibang tao. Kaya kahit sino ang ibigay nila sa akin welcome na welcome. Okey din naman yung bibigyan nila ako ng sikat na star kasi magandang experience yun, pero okey din kung new face ang kapareha ko.



"Pero kung bibigyan nila ako ng sikat na makakapareha like si Marian (Rivera) o kaya si Rhian (Ramos), isang napakalaking karangalan sa akin ang makatrabaho sila.



"Pero kahit baguhan ang ibigay at ipareha nila sa akin, okey lang. Ang mahalaga, maganda yung istorya ng pelikula at bagay sa akin."



BACK TO SCHOOL. Sabi ni Elmo, if ever daw na magkaroon siya ng tsansang makabalik sa eskuwela, ay gusto niyang mag-aral ngayong taon.



"Last year kasi nag-stop ako, gusto kong mag-start ng college noon pero hindi ko nagawa kasi nga medyo di kinaya ng schedule ko sa showbiz, kaya binigyan ko muna at naging priority ko ang showbiz.



"Siguro kapag medyo nawalan ako ng project, baka bumalik ako sa pag-aaral. Lalo na ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang next project ko after Bantatay.



"Ayoko rin naman kasing masayang yung oras ko. Kung wala naman akong gagawin, mag-aaral na lang ako. Pero kung magiging busy ako ulit at mabibigyan ng bagong show, baka hindi ko na naman magawa. Dahil hindi kakayanin ng schedule ko."



Ano bang course ang gusto niyang pag-aralan?



"Either Computer Science or Film and Photography sa Ateneo or sa UP Diliman, if may chance lang at kung makakayanan ko."



Kamusta na sila ni Julie Anne, ang sinasabing ka-love team niya sa Party Pilipinas?



Napangiti si Elmo bago sumagot: "Nandito si Julie Anne. Magte-taping kami for Maynila. Okey naman yung friendship naming dalawa. Sa February mag-start na yung musical namin sa Party Pilipinas. Makakasama namin sila Jaya, La Diva, atbp."



Lagi ba silang nagte-text at nagtatawagan?



"Minsan-minsan lang kami nagte-text o nagtatawagan, nagkakamustahan lang. Lagi naman kasi kaming magkasama sa Party Pilipinas at kahit sa ibang mga guesting namin magkasama kami.



"Tsaka habang tumatagal, mas lalo naming nakikila yung isa't-isa at mas lalo kaming nagiging close."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN