Liezl Sicangco on Mariel Rodriguez's rumored pregnancy with Robin Padilla's baby: "Okay po yun. Mas okay po yun na magkaroon na sila ng baby."

IMAGE 0


Liezl Sicangco, shown here with son Ali, lives in Gold Coast, Australia. She says they were not affected by the widespread floods which hit the northern part of that country. "Medyo malayo naman kami. Pero nakakalungkot pa rin ang nangyari. Sobrang lungkot ng mga taong naririto kasi first time na nangyari ang ganitong flood."


Nakapanayam by phone ng Startalk TX ang dating asawa ni Robin Padilla na si Liezl Sicangco na nanatiling nasa Australia pa rin.

Dahil nga sa pagbahang naganap sa ilang bahagi ng Australia, particular na sa Brisbane, ang tungkol dito ang unang kinamusta ng mga hosts ng Startalk TX na sina Joey de Leon, Alyssa Alano at Ricky Lo kay Liezl nuong Sabado, January 15.

Nasa Gold Coast, Australia, si Liezl, kung kaya't hindi naman daw sila napinsala ng pagbaha.

Ayon nga sa ex-wife ni Robin "Thank God naman po, wala naman. Ito pong December kasi, dapat po summer, kaya lang, naging rainy season. Medyo malayo naman kami. Pero nakakalungkot pa rin ang nangyari. Sobrang lungkot ng mga taong naririto kasi first time na nangyari ang ganitong flood."

Sinunod na nga nilang kamustahin kay Liezl ang anak na lalaki nila ni Robin na si Ali, who now resides in Australia with her.

"Si Ali po, excited na sa pasukan. Pasukan po kasi rito January, so, excited na raw po siya. Ayaw na po niya sa bahay, bored daw kasi siya."

Ang anak naman nila na si Kylie ay naging emotional nang mag-guest ito last Sunday sa Showbiz Central. Nagkausap na raw ba silang mag-ina?

"Ay opo, napanood ko po 'yun. Nakausap ko po siya. Noong nandito siya, nagkausap na kami."

Ayon naman kay Ricky, nang makausap daw niya si Robin, nabanggit nito na after five years pa nito gustong magkaroon ng anak with Mariel. Pero recently nga, may mga balitang baka mapaaga ang pagbubuntis.

May reaksiyon daw ba si Liezl sa bagay na 'yun kung sakaling mabuntis si Mariel within the year?

"Okay po 'yun. Mas okay po 'yun na magkaroon na sila ng baby," sagot ni Liezl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN