Mark Herras doesn't mind being compared to Aljur Abrenica; says he's happy with partnership with Ynna Asistio onscreen and in real life

IMAGE 0


Mark Herras comments on issue involving his manager Lolit Solis and Nadia Montenegro, the mother of his girlfriend Ynna Asistio: "Kaya sobrang nahiya rin ako kay Tita Nadia. Bakit siya na lang ang pinag-iinitan at nadadamay sa mga isyu kapag nagiging pasaway ako. Bakit siya ang sinisisi? So, ako, I'm happy lang na tapos na 'yung isyu."


Sa Startalk TX kahapon, January 15, nakausap ang Kapuso star na si Mark Herras sa opening ng Flawless branch sa Makati kunsaan, seven years nang endorser ang actor.

Tinanong si Mark tungkol sa pagbibida na ngayon ng another StarStruck survivor na si Aljur Abrenica na hindi maiwasang ikumpara sa kanya.


Para kay Mark, tipong expected na raw ang bagay na 'yun.


Aniya, "Okay lang 'yun, okay lang. Hindi ko siya tinitingnan na parang competition. Actually, hindi maiiwasan 'yun dahil 'di ba, kami ngayon 'yung parang halos magkasing-edad. Hindi maiiwasan na ma-compare kami.

"Hinihintay ko na lang po magsimula 'yung Dance With Me. First ang GMA-7 na magkakaroon ng soap na dance-serye. Parang 'yung movie na Step Up."

Para kay Mark, okay na rin sa kanya na maging screen partner ang girlfriend niya na si Ynna Asistio. Tanggapin namn kaya ng tao ang screen partnership nilang dalawa?


"Okay lang naman 'yun. Basta kami, ang gusto naming mangyari sa 2011, malaking pagbabago — for me and for Ynna. May kanya-kanya kaming plans for 2011. Para sa amin, para sa career rin namin."


Tinanong din si Mark kung naka-apekto raw ba sa kanila ni Ynna ang naging isyu between Ynna's mom na si Nadia Montenegro and Mark's manager na si Lolit Solis?

Sa isang artikula na nailathala na dati sa PEP, napansin daw ni Manay Lolit na malaki ang ipinagbago ni Mark simula nang maging close ito sa ina ni Ynna. Late na raw dumating sa presscon at napabalita pang nag-walk-out sa taping ng show.


Ayon kay Mark, "Kami ni Ynna, sa relationship namin, actually hindi. Hindi naman naka-apekto. Pero kay Ynna, 'yun nga ang sinasabi ko na kawawa rin siya, naiipit siya sa situwasyon.

"Kaya sobrang nahiya rin ako kay Tita Nadia. Bakit siya na lang ang pinag-iinitan at nadadamay sa mga isyu kapag nagiging pasaway ako. Bakit siya ang sinisisi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"So, ako, I'm happy lang na tapos na 'yung isyu."


Nagkausap naman daw sila ni Nadia bago ito umalis papuntang States to take a breather from all the issues.


"Sabi ko, Nay, sorry kung nadadamay ka sa mga isyung tungkol sa akin. Naiintindihan naman niya. Hindi naman po seryosong usap. Naiintindihan ko rin naman ang nararamdaman ni Tita Nads nang mag-decide siya na gawin po 'yun."


At dahil kasama ni Mark ang girlfriend na si Ynna sa opening, nakausap din ito ng Startalk TX.


Unang itinanong kay Ynna ay kung nararamdaman pa rin ba nito na may mga nang-aaway sa kanya dahil sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Mark?


Ayon kay Ynna, si Mark na raw ang nagsabing huwag na lang niyang pansinin ang mga ito.


"Siya ang nagsasabi na, alam mo, huwag mo na lang silang isipin. Basta masaya tayo. Naging manhid na lang po ako sa lahat ng masasakit na words na natatanggap ko ever since from the start.

"Sa akin po ngayon, tinatawanan ko na lang. Noong una, noong hindi pa kami umaamin and stuff, sobrang sakit talaga," sagot ni Ynna.

Ynna was also asked kung ano ang naging reaction niya sa kinasangkutang isyu ng mommy niya at ng boyfriend?


Aniya, "Nalulungkot po ako, kasi 'yun nga, ang daming sumisira. Pero, at the same time, happy ako dahil 'yun nga, nagiging reason 'yun para mas maging matatag kami."


Ipinaliwanag naman ni Ynna ang dahilan kung bakit kinailangang magpunta muna ng U.S. ang ina.

"Si Mama, kaya naman po siya nagpunta ng US, it's time to rest. Kasi po, siyempre, may iniisip siyang family, kami. Tapos si Mark, iniisip niya rin dahil naging anak niya rin. Naka-suporta po kami sa desisyon na gagawin niya."

Pero sa huli, sabi rin ni Ynna na ngayong na-settle na, "Ang laki pong ginhawa sa akin. Naramdaman ko ang gulo sa mga tao sa paligid namin. Pero sa amin, hindi ko naramdaman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN