Jennylyn Mercado hospitalized again due to viral infection

IMAGE 0


"Kailangan laging healthy ang kinakain. Minsan kasi puro junk foods. Kaya nawawala ang sustansiya sa katawan kasi ang mga kinakain, walang sustansiya. Pinapaalala ko lang na eat well, magpahinga," Dennis Trillo reminds girlfriend Jennylyn Mercado.


Muli na namang na-confine sa hospital ng ilang araw si Jennylyn Mercado dahil sa pagkakaroon ng viral infection.

Posible raw na nakuha ni Jennylyn ang virus na ito sa recent Hong Kong trip niya kasama ang boyfriend na si Dennis Trillo at ang kani-kanilang mga anak na sina Alex Jazz at Calix Andreas.

Ayon kay Jennylyn, three days din siyang na-confine sa ospital.

"Yung first day, medyo hindi ko pa masyadong malala, e. Yung second day, medyo okay na. Nagtsi-chill ako. Nakaubos din ako ng apat na dextrose," kuwento ni Jennylyn sa taped interview sa kanya ng StarTalk.

Very thankful naman si Jennylyn kay Dennis na nag-alaga sa kanya.

"Ay naku, grabe! Ang sipag talagang mag-alaga," sambit niya.

"Siya yung... Sa bahay pa lang, noong nilalagnat na ako, nandoon na yun. Nagbabantay na siya. Tsine-check ang temperature ko."

Nagkasakit man siya, hindi naman daw pinagsisihan ni Jennylyn ang pagpunta niya ng Hong Kong kunsaan nakasama niya at mas naging close pa siya sa family ni Dennis. Although, nakakasama na rin daw niya ang mga ito noon.

"Palagi kaming nagkikita. We make sure once a week, or lumalabas din kami. Pero yung out-of-the country na magkakasama, first time namin."

Ngayon nga ay balik-taping na siyang muli ng panghapong seryeng Little Star.

"Dito naman, naaalagaan naman nila ako. At saka noong magkasakit ako, talagang nagpunta pa sila sa hospital, sa bahay. Talagang nag-alala naman sila," banggit ni Jennylyn.

Ano naman ang masasabi ni Jennylyn sa hula sa kanila ni Dennis na magkakaroon daw sila ng anak sa taong ito?

"Unang-una, wala pa akong... Seryoso, wala pa talaga akong planong ganyan. Unang-una, maliit pa ang anak ko.

"Yung ganyang isyu, siguro dapat matuto na rin ako sa pinagdaanan ko. At ngayon, pinagpaplanuhan mabuti ang lahat ng kailangan kong gawin sa buhay. Ayoko naman ng pabigla-bigla," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PERSONAL MALE NURSE. Sa hiwalay na panayam ng StarTalk kay Dennis, nagkuwento rin ito kung paano niya inaalagaan si Jennylyn.

"Medyo may katigasan ang ulo," nakangiti niyang sabi.

"Kailangan laging healthy ang kinakain. Minsan kasi puro junk foods. Kaya nawawala ang sustansiya sa katawan kasi ang mga kinakain, walang sustansiya.

"Pinapaalala ko lang na eat well, magpahinga."

Tinanong din kay Dennis ang tungkol sa hula na kesyo magkakaroon sila ng anak ni Jennylyn sa taong ito.

"Marami na rin akong hula na hindi naman nagkatotoo. So, kung yun lang ang pagtutuunan ng pansin, baka magkagulo lalo.

"Ako, naniniwala ako na ikaw ang gagawa ng sarili mong destiny," sabi niya.

On the other hand, masaya naman si Dennis dahil mataas agad ang rating ng Dwarfina, ang bago niyang primetime series sa GMA-7 opposite Heart Evangelista.

"Nakakatuwa kasi magandang pangitain yun. Kauumpisa pa lang ng taon, unang episode pa lang na ipinalabas, maganda na agad ang resulta. Sana magtuluy-tuloy," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN