Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson appeals to the public not to judge his son Rep. Ronald Singson.

IMAGE 0


"I cannot blame other people na nag-condemn, pero they should understand that Ronald is a victim here. Dapat tulungan siya dahil biktima nga at saka he pleaded guilty to possession but no to trafficking, and all of that will be contested on the 26th. Kahit in-admit niya ang possession, rarasunan pa rin ito sa January 26. Kung hindi niya in-admit, ikukulong na siya noong December 31, New Year," explains Ilocus Sur Governor Luis "Chavit" Singson


Nakikiusap si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa publiko na huwag husgahan ang anak na si Ilocos Sur Representative Ronald Singson at hintayin ang desisyon ng Hong Kong Court.

Sa interbyu sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa tahanan niya sa Corinthian Gardens, Quezon City, gusto raw ni Gov. Chavit na maliwanagan ang publiko sa tunay na dahilan ng pagpayag ng kanyang anak na mag-plead guilty sa court hearing na magaganap sa January 26 sa Hong Kong Court.

Matatandaang inaresto si Ronald sa Hong Kong International Airport noong July 12, 2010 sa kasong drug trafficking.

Ayon kay Gov. Chavit, "Magkakaroon ng hearing sa January 26 sa Hong Kong. Doon pa lang natin malalaman ang lahat.

"Gusto ko lang sabihin na yung in-admit niya, pleaded to guilty to possession, but no to trafficking. Ang headline kasi ng mga diyaryo, pleaded guilty to trafficking. Ibang-iba yun.

"I cannot blame other people na nag-condemn, pero they should understand that Ronald is a victim here. Dapat tulungan siya dahil biktima nga at saka he pleaded guilty to possession but no to trafficking, and all of that will be contested on the 26th.

"Kahit in-admit niya ang possession, rarasunan pa rin ito sa January 26. Kung hindi niya in-admit, ikukulong na siya noong December 31, New Year."

SET-UP. Iginiit din ng gobernador na "set-up" ang nangyari sa kanyang anak.

"Maliwanag na set-up ang nangyari. Dahil bago dumating sa HK Immigration, itinuturo na siya, pinagkaguluhan at inihiwalay na," kuwento ni Gov. Chavit.

"Magpasyal kayo sa Hong Kong anytime, hindi ganoon. Lenient sila roon. Punta ka sa Immigration, ni walang humaharang sa 'yo roon.

"Pero siya, papunta pa lang sa Immigration, itinuro na siya, pinatabi, inihiwalay na.

"Ibig sabihin, may nag-tip na sa Maynila na darating at yung nahuli sa kanya, on record, nakabote. Buong mundo siguro na nahuhuli na mga ganoon, nasa plastic [ang drugs]. Bakit nasa bote? Para madaling makita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now, maski konti 'yon, tinimbang pati ang bote sa airport, kaya naging trafficking ang charges. Nang tinanggal sa korte yung bote, pinayagan din na mag-bail, kasi maliit na lang.

"Kung wala yung bote, baka hindi nasampahan ng trafficking," patuloy pa ng isa sa malalapit na kaibigan at adviser ng Pambansang Kamao at Saranggani congressman na si Manny "Pacman" Pacquiao.

"Ronald took the cudgels for his friends," diin pa ni Gov. Chavit.

"Yes! Para lang makaalis kasi nakaalis din yung mga kasamahan.

"Yung isa roon, pusher. So, pareho 'yon na kasabwat pero nakakulong na siya ngayon.

"May ugali kasi si Ronald na ganoon, maski noong bata pa, inaano niya yung mga kaibigan niya. Inaako lahat.

"Kaya noong una, ayoko siyang puntahan dahil hindi namin tino-tolerate yung mga drugs. Pero nang malaman ko na set-up, na victim siya, nagpunta rin ako. Tinulungan ko siya."

SACRIFICIAL LAMB. Ayon pa kay Gov. Chavit, nagiging "sacrificial lamb" ang kanyang anak dahil sa nangyaring hostage-taking noong August 23, 2010 sa Quirino Grandstand.

"Parang sinusunod nila [HK Court] yung nangyari sa Luneta. Ang mga abugado ni Ronald doon na mga puti, e, sila ang nagsasabi na galit ang mga taga-Hong Kong sa mga Pilipino," katwiran ng pulitiko.

Ang tinutukoy ni Gov. Singson ay ang insidenteng nangyari sa Luneta Park noong Agosto 23, 2010.

Isang tinanggal sa serbisyo na police captain na nagngangalang Rolando Mendoza ang nang-hostage ng isang tourist bus na naglalaman ng 22 turistang Hong Kong nationals at tatlong Pilipino (driver, photographer, at tourist guide).

Natapos ang hostage crisis na patay si Mendoza, ngunit may patay rin na walong turista.

"Para bang ang gustong mangyari sa Hong Kong, ipakita sa buong mundo na paparusahan na ito dahil congressman," sabi ni Gov. Chavit.

"Maski congressman ka, para ganti nila sa nangyari sa Luneta, dahil yung ibang mga cases na ganyan, may precedent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Shocked nga yung mga lawyer, dahil yung iba, pinakawalan, dineport lang. So, nagtataka sila kung bakit ganoon sila kaistrikto kay Ronald."

DISGUSTED. Dahil nga ama ni Ronald, iniisip ng publiko na nasasaktan si Gov. Chavit sa nangyayari sa kanyang anak. Taliwas naman dito ang nararamdaman ng governor.

"Nasasaktan? Well, hindi naman ako nasasaktan. Masama lang ang loob ko sa mga bumabatikos na ipinagpipilit pa rin.

"Noong una, I cannot blame them, hindi nila maintindihan. Pero noong in-explain ko sa kanila, isa-isa kong tinawagan. 'A, ganoon ba?' naliwanagan sila.

"Naapektuhan na yung kaso dahil sa kanila. Kino-condemn na nila. Dapat tulungan nila until masentensyahan na guilty. That's the time na they can kick him out."

DEPRESSED. Depressed daw si Ronald sa nangyari sa kanya, ani Gov. Chavit.

"Lalo na ngayon, dahil noong December 31, sabi ng lawyer, 'You have to admit it!' Hindi sa 'yo 'yan pero nahuli sa 'yo. You have to admit, dahil ikukulong ka na. Tatanggalin ang bail.'

"'Magpapakulong na lang ako!' ang sabi niya [Ronald]. Dala niya yung maleta, nakahanda na.

"Pero last minute, nakumbinsi siya ng lawyer na, 'Although i-admit mo, [sabi ng lawyer] we will contest it on the 26th. Kami na ang bahalang magrason why you admitted.'

"So, in-admit niya. Ang masama, iba yung na-publish. 'Yon ang masama.

"Yung mga kaibigan niya, kailangan niya ng support, lalo na ngayon. Kung down ka, kailangan mo ng mga kaibigan, e," apila pa ni Gov. Chavit.

"Yung mga mismong kaibigan niya ngayon, yung iba, hindi naman lahat, yun ang mga nagyayabang ngayon sa publicity, kung ano na lang ang mga sinasabi."

ADVICE TO RONALD. Dahil sa nangyari kay Rep. Ronald, may gusto raw iparating na leksyon si Gov. Chavit dito.

"Sa nangyaring 'yan, malaking leksyon sa pakikisama, sa mga barkada. Dito ka nagkaroon ng hindi magandang pangyayari, kailangang gamitin mo 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After this, iangat mo ang sarili mo. Malaking disgrasya itong nangyari sa ating pamilya dahil apektado kaming lahat."

APPEAL TO CONGRESS. Umapela rin si Gov. Chavit sa mga kongresistang kasamahan ni Ronald.

"Very unfair yung mga congressman na pinipilit siya na mag-resign. Isa na yung kay Senator Panfilo Lacson. Ang comparison ko lang, parehong pending ang kaso.

"I'm not comparing, dahil murder yung kay Lacson," pagtutukoy ni Gov. Chavit sa kaso ng nagtatagong senador kaugnay sa pagkawala at pagkakapatay sa publicist na si Salvador "Bubby" Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong 2000.

"Ang sabi ko lang, parehong may kaso na pending, e, hindi naman ginagalaw si Senator Lacson. Bakit gagalawin si Ronald?

"Hintayin natin na mag-decide yung [Hong Kong] Court, then okey lang sa amin. Huwag na lang sanang unahan."

NO TRUTH TO RONALD'S SUICIDE ATTEMPT. Totoo nga bang nagtangkang magpakamatay ang anak niya?

"Suicide? Wala naman.

"May joke nga diyan. Yung ibang may gustong mag-suicide para mahinto na lahat, to end everything.

"Sabi nga, yung iba, nagbabaril sa sarili. Yung iba, tumatalon sa building. Yung iba, nagbibigti. Yung iba, nagpapakasal!" punchline pa ng governor.

Banggit pa niya, "Si Ronald, nag-aaral ngayon ng cooking. Hindi pa siya marunong magsalita ng Chinese, pero English naman ang turo doon."

THANKFUL TO LOVI POE. Malaki rin daw ang pasasalamat ni Gov. Singson sa rumored girlfriend ng kanyang anak na si Lovi Poe.

"Dumadalaw si Lovi. Malaking bagay 'yon sa taong depressed na depressed.

"Kailangan ngayon ni Ronald ng mga kaibigan, mga nagmamahal sa kanya. Yun ang pinakamahalaga," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN