Heart Evangelista and Raymond Gutierrez kiss and make up

IMAGE 0


"Nagkita kami ni Heart kanina. Nagbeso kami. Okay naman. Yes, nagbatian kami. Medyo outburst of emotions lang for both of us two weeks ago. But this week, everything's okay na," says Raymond Gutierrez about reconciliation with Heart Evangelista.


Natuldukan na ang hidwaan sa pagitan ng magkaibigan na sina Heart Evangelista at Raymond Gutierrez sa birthday celebration ni Raymond sa Party Pilipinas last Sunday, January 23.

Parehong hosts ng Party Pilipinas sina Heart at Raymond kaya naman hindi maiwasang magkasalubong ang dalawa sa hallway papunta sa studio. Dito na nga naganap ang pagbabatian ng dalawa.

Sa magkahiwalay na interviews nina Heart at Raymond na ipinalabas kagabi, January 24, sa showbiz talk show ng QTV 11 na Tweetbiz, parehong nagbigay ng kaunting salita ang dalawa tungkol sa kanilang pagbabatian.

Bagamat nagpa-interview si Heart ay hindi naman siya nagbigay ng detalye tungkol sa insidenteng ito. Sinabi niya lang na masaya siya sa nangyari.

"No comment na lang siguro kasi I don't want to talk about it. Kasi ayoko namang magyabang o whatever.

"Ang sa akin lang, masaya ako. It's always important to be surrounded by good people para alam mo kung ano ang dapat mong gawin," sabi ni Heart.

Kinumpirma naman ni Raymond mismo ang pagkakaayos nilang dalawa. Nagkuwento rin siya ng kaunti tungkol sa nangyari.

Aniya, "Ayoko na ng negative. Birthday ko, ayoko na ng negative. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Okay na ako ngayon.

"Nagkita kami ni Heart kanina. Nagbeso kami. Okay naman. Yes, nagbatian kami.

"Medyo outburst of emotions lang for both of us two weeks ago. But this week, everything's okay na," masayang pahayag ni Raymond.

Magandang birthday gift nga ito para kay Raymond, who turned 27 years old last January 21 along with his twin brother Richard Gutierrez.

LOOKING BACK. Nag-ugat ang conflict sa pagitan nina Heart at Raymond dahil sa nangyaring alitan last year sa pagitan naman ni Heart at ng ina ni Raymond na si Annabelle Rama, co-manager ng aktres.

Pagkatapos nga kay Annabelle, kay Raymond naman nagkaroon ng isyu si Heart dahil sa nangyaring dedmahan o hindi pagpapansinan umano sa pagitan ng dating magkaibigan. Magkasunod na naganap ito noong January 9 sa Party Pilipinas at sa Showbiz Central.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon pa ng palitan ng pahayag sa Tweetbiz sina Heart at Raymond.

Sa phone patch interview ng Tweetbiz kay Heart lumalabas na si Raymond ang hindi namansin sa kanya sa Party Pilipinas. (CLICK HERE to read related story.)

"Honestly, I don't know if he [Raymond] is making an issue out of it. Because from the technical rehearsal [sa Party Pilipinas], I went up to him. Nakita ko nakaupo siya. Sabi ko, 'Hi!' Pero hindi naman niya ako kinausap or hindi naman siya nag-react o nag-hi," sabi ni Heart.

Sinagot naman ito ni Raymond ng, "Yung sa Party Pilipinas naman, she tapped me on the shoulder. But when I turn around, she turned around already. She didn't even gave me the chance to say hi or to say anything. So, it was a very quick moment."

Tungkol naman sa sumunod na insidente ng dedmahan sa Showbiz Central, sa isang bahagi ng show ay nagpasaring daw si Raymond kay Heart on the air nang sabihin nito na, "Pati yung mga hindi namamansin puwede kayong maging involved diyan."

At may pahabol pa raw ang male host na, "Thank you Kuya Ogie [Alcasid] pinansin mo ako," dahil sa pagpayag daw ng singer na makipag-one-on-one interview sa kanya.

Hindi ito nagustuhan ni Heart at sabi nga niya, "Actually, I would appreciate it if they stop making fun and just say my name then maybe I can address [the issue]. Because at this point, I really don't know to whom they are saying that to. So, next time I'd appreciate it if they make parinig, it would be better if they say my name then I can address the issue."

Paliwanag naman ni Raymond, "Kung ang sinasabi nila yung sa Showbiz Central, yung mga sinasabi ko dun, it's actually an inside joke between me and the hosts. Lagi naman kaming may mga inside jokes there. So, nagulat din ako na biglang pinalaki ng ganito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May malamang mensahe pa si Raymond kay Heart: "Siguro to Heart, be true to your friends. Be loyal to your friends and have a backbone. And siguro happy new year na lang and goodluck sa lahat."

Marami sa kanilang mga close friends ang naghahangad na magkabati na ang magkaibigan. Pero tadhana na nga ang gumawa ng paraan para matuldukan na ang kanilang alitan.

Posible kayang sumunod na ring magkabati sina Heart at Annabelle?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN