Ruffa Gutierrez says relationship with ex-husband Yilmaz Bektas is now better

IMAGE 0


"Ayaw ko munang magseryoso sa love life. Kasi, ang dami ko pang mga pangarap, ang dami ko pang kailangang gawin. Kailangang mag-ipon pa ako for the kids' schooling. So, as of now, ayoko muna. Pati na yang mga past-past love life na 'yan na itinutukso sa akin, hayaan mo na, 'no!" says Ruffa Gutierrez.


Maaliwalas ang unang buwan ng 2011 kay Ruffa Gutierrez dahil wala raw siyang hinaharap na kahit na anong negative issues na kailangan niyang sagutin o ipagtanggol ang sarili.

Sabi nga ni Ruffa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), maging ang relasyon nila ng dati niyang asawa at ama ng dalawa niyang anak na si Yilmaz Bektas ay maayos na rin.

Mahinahon na raw sila kung mag-usap sa telepono ni Ylmaz, hindi tulad noon na lagi raw silang nag-aaway.

Pero hindi pa rin daw maiwasang maging emosyunal silang pareho at nauuwi sa iyakan ang kanilang pag-uusap.

"Siyempre, yung mga sentimental things about the past... Ganun naman tayo when we think about the past or things that made us cry, nagiging nostalgic tayo.

"Kahit paano naiiyak kami at nagiging sentimental kami, nagiging emotional kami," sabi ng TV host-actress.

NOT EXCITED TO HAVE A NEW LOVE. Ayon pa kay Ruffa, tanggap na raw ni Yilmaz ang sitwasyon nila ngayon. Pero hindi niya alam kung tanggap na ng dating asawa na magkaroon siya ng bagong pag-ibig.

"Hindi ko alam kung tanggap na niya. But as of now, it's gonna be four years [na hiwalay kami] in February.

"So, parang feeling ko naman, yung ibang taong naghihiwalay, nakakapag-move on. Feeling ko naman, I deserve also na maging happy," sabi niya.

Maganda naman daw at hindi nila napag-uusapan ni Yilmaz ang kanyang love life, partikular ang nababalitang bagong manliligaw ni Ruffa na si Eduardo Puertas, isang Brazilian.

"Ay, hindi namin napag-uusapan. Hindi naman siya nagtatanong kasi seloso yun kaya hindi naming napag-uusapan. We just talk about the kids mainly," pahayag ni Ruffa.

Bagamat hindi nilinaw ni Ruffa kung paano niya nakumpirma, ibinalita niyang hindi raw ikinasal si Yilmaz sa dating Miss Universe na si Zuleyka Rivera.

Nabalita kasi noon na ikakasal si Yilmaz sa Puerto Rican beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi. Hindi siya ikinasal," diin ni Ruffa.

"Siguro maraming dumaan sa buhay niya, pero hindi niya talaga makakalimutan kami ng mga anak niya. Kasi espesyal kami sa buhay niya.

"Of course, we have kids together."

May mga humuhulang baka sa pagdating ng panahon ay magkabalikan sina Ruffa at Yilmaz. Ano ang masasabi niya rito?

"Let's allow nature to take its natural course. Ayaw ko namang pangunahan yung mga things to come.

"As of now, I'll be concentrating on my career. Ang daming plano sa akin ng TV5.

"Of course, with the kids, ang love life, plus na lang. Hindi naman ako masyadong excited," nangingiti niyang sabi.

FOREIGN SUITOR. Hindi problema kay Ruffa ang manliligaw niyang si Eduardo Puertas, lalo't palaging nababanggit ang pangalan nito sa tuwing natutukso siya sa showbiz talk show niya sa TV5 na Paparazzi.

"Buti na lang, siya, he's very open-minded about it and he takes it with a grain of salt. Hindi naman siya masyadong nawu-worried or naba-bother sa mga news.

"Ayan ang maganda pag non-showbiz, e," sabi ni Ruffa tungkol sa kanyang manliligaw.

Naaaliw lang naman daw si Ruffa sa ideya na may nanliligaw at may natutukso sa kanya sa ngayon.

"Oo, ayaw ko munang magseryoso sa love life," sabi niya.

"Kasi, ang dami ko pang mga pangarap, ang dami ko pang kailangang gawin. Kailangang mag-ipon pa ako for the kids' schooling.

"So, as of now, ayoko muna. Pati na yang mga past-past love life na 'yan na itinutukso sa akin, hayaan mo na, 'no!"

PAST LOVE LIFE. Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang dati niyang nakarelasyon na si John Lloyd Cruz.

"I don't wanna elaborate things," sabi ni Ruffa.

"Ang importante, nagkausap na kami, nag-apologize na siya sa akin.

"Kaya nga nag-blockbuster yung movie kasi nga na-good karma yung movie niya!" halakhak ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy niya rito ay ang huling pelikula ni John Lloyd, ang My Amnesia Girl, kunsaan nakatambal nito si Toni Gonzaga.

Umiiwas nang pag-usapan pa nang mahabaan ni Ruffa ang tungkol kay John Lloyd. Panay ang sabi niyang ang importante ay bati na sila ng aktor.

"Sana mangyari yun sa lahat ng mga nakasagutan ko for 2011," asam pa niya.

Naloloka lang daw si Ruffa sa mga hulang magkakabalikan pa sila ni John Lloyd.

"Naku, ayaw ko munang isipin yung mga sinasabi ng mga manghuhula. Like I said, let's allow nature to take its course," sabi niya.

RICHARD & SOLENN. Samantala, hindi itinatanggi ni Ruffa na pabor siyang magkatuluyan ang kapatid niyang si Richard Gutierrez at ang Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway na si Solenn Heussaff.

Balita kasing unti-unting nadi-develop sa romantic angle ang samahan ngayon ng dalawa.

"I really like Solenn," pag-amin ni Ruffa.

"Ako naman, kung sino ang mahal ni Chard, okey naman para sa akin.

"But si Solenn kasi, I really know her personally. She used to do my makeup no'ng hindi pa siya masyadong busy.

"And mabait si Solenn at wala siyang kaere-ere. Even if she comes from a good family, ipinapakita niya talaga na she's very hardworking."

Hindi raw si Solenn ang kauna-unahang babaeng sinuportahan niya at gustong makatuluyan ni Richard.

Nabanggit din ni Ruffa si KC Concepcion na nakasama ng kapatid niya sa mga pelikulang For the First Time at When I Met U.

"Mahal ko rin si KC. Mahal ko rin siya.

"Hindi naman naging sila, pero siyempre gusto ko talaga si KC for Chard at that time.

"Siyempre, hindi naman maiiwasan na may kanya-kanya tayong mga manok or bet. But at the end of the day, si Chard ang pipili ng kung sino man ang mamahalin niya."

Ipinagdiinan ni Ruffa na hindi niya pinakikialaman ang kapatid kung sino ang dapat at hindi dapat nitong maging girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung magiging totoo yung sa kanila ni Solenn, magiging masaya raw si Ruffa.

"I really like Solenn dahil ang dami niyang talents. Nagpi-paint siya, kumakanta, artista na rin. She has her own line. She is a designer....

"It shows na hindi siya bimbo," pagtatanggol pa ni Ruffa kay Solenn, na na-feature kamakailan sa isang French TV show at nabansagang "bimbo." (CLICK HERE to read related story.)

Ang pagiging independent at free-spirited ni Solenn ang isa raw sa mga rason kung bakit nananatiling magkaibigan sina Solenn at Richard. Parang mahihirapan daw na magkasundo ang dalawa dahil medyo conservative ang kanyang kapatid.

"Oo nga, e, si Chard kasi, talagang conservative!" tawa niya.

"So, for me, whatever Chard and Solenn decide, okey lang sa akin.

"Maybe it's even better that they're the best of friends. Kasi pag friends, they last forever.

"Mamaya ang isang relasyon, yun pa ang makasira sa magandang friendship nila."

RAYMOND VS. HEART. Sa "isnaban issue" naman sa pagitan ng isa pang kapatid ni Ruffa at kakambal ni Richard na si Raymond Gutierrez at ni Heart Evangelista, tumangging magbigay ng reaksiyon si Ruffa.

Umaasa lang daw siya na maayos ang isyu sa pagitan ng mga mahal niya sa buhay at ni Heart.

"Siguro in due time, mangyayari din yun kasi maliit lang naman ang industriya," sabi ni Ruffa.

Wala ring masabi si Ruffa sa anumang reaksiyon niya kapag nakita niya sa isang okasyon o lugar si Heart. Itinuturing daw kasi niyang "non-issue" para sa kanya si Heart.

ANGELI PANGILINAN. Masaya namang ibinalita ni Ruffa na nagkaayos na sila ng dati niyang manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano, na nakasamaan niya ng loob noong last quarter ng 2010.

Kuwento pa niya, magkakaroon daw sila ng dinner, kasama ang best friend niyang si Donita Rose, na isa sa mga alaga ni Angeli.

Nilinaw ni Ruffa na sila lang muna ni Angeli ang magkikita at hindi ang ina niyang si Annabelle Rama, na nakaalitan din noon ng misis ni Gary Valenciano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN