Boy Abunda says talent Mariel Rodriguez wants to "come back" to showbiz; she is not pregnant

IMAGE 0


"She wants to come back. She wants to work. Pinag-iisipan lang. Pinagpaplanuhan lang na mabuti yung pagbabalik. She knows she has to be very cautious. I mean, things have changed. Things are very different," says Boy Abunda about talent Mariel Rodriguez (inset).


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host at talent manager na si Boy Abunda sa set ng Showbiz News Ngayon (SNN) last Thursday, January 13.

Ayon kay Boy, naging maganda ang nagdaang taon para sa kanya.

"Okay naman, masaya naman. Merong masaya, merong hindi.

"But at the end of the year, you will really count your blessing. Ako naman, napaka-positibo ko.

"Siguro ang masasabi kong isa sa highlight last year was my winning Star Awards [for TV as Best Showbiz Talk Show Host] because that was my 15—for consecutive years. That was one of the highlights.

"Marami rin, e... Masteral ko nga, hindi pa ako nakaka-defend ng thesis ko sa dami ng trabaho.

"Another highlight I guess was when I went back to school as a teacher. That's another highlight—as a teacher. Masaya rin yun."

NO DRAWING. Ngayong 2011 naman ay ayaw munang magplano ni Boy ng kung ano ang mga gusto niyang ma-achieve.

"Ayoko munang mag-drawing. I'm taking it a day at a time. Drawing means planning.

"Pero every end of the year, you know what I do? I write God a letter.

"December 31, sinusulatan ko ang Diyos ng mga blessing na parating pa lang, pero kini-claim ko na. Nagpapasalamat na ako.

"It's between me and my God and I've been doing it for years, decades. It works!

"At wala namang dasal na hindi sinasagot. Not at our time, in His time.

"Alam mo, nakakatuwa, one time, sumulat ako na, 'Thank you, Lord, sa ancestral house namin sa Samar.'

"A year after, binasa ko ulit, hindi siya natuloy. Okay lang.

"Years later, binalikan ko ang sulat, nagkatotoo.

"But this 2011, everybody is hopeful, everybody is positive. And I'm very hopeful.

"I'm taking one day at a time. I'm working every day and every day leads me to the next one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So I've always been this way, so I really work hard.

"Wala rin naman talaga akong ipinauubaya, di ba? I work hard.

"Sa puso ko, I have more time with Nanay. I hope I have more time to travel na alam ko, isang pangarap.

"How? I do not know how it will happen."

MAJOR REINVENTION. Ibinalita rin ni Boy sa PEP na may "major reinvention" na mangyayari sa kanyang weekly talk show sa ABS-CBN na Bottomline sa March.

"Can you imagine, we were just doing Bottomline for a season, e, lumampas na over a year. We're so blessed," sambit niya.

Naikuwento rin ni Boy ang ginawa niyang interview with Hubert Webb na ipinalabas last Saturday.

"That's one of the most interesting interviews that I did. First time ko siyang nakausap," sabi ni Boy.

After that interview, ano ang naging pagkakilala niya kay Hubert?

"Very personal," sagot niya.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Salamat Hubert for coming to the show na walang condition. Salamat for coming to the show na walang tanong na bawal itanong. Salamat for coming to the show and respecting what we do.'

"And I appreciate him for that. Kasi usually, kapag high-profile ang kaso, they usually say, 'I'll go to your show but you can't ask me these number of questions.'"

Sa ngayon, may ginagawang TV special si Boy. Ito ay ang The Most Interesting and Fascinating People of 2010 na ipalalabas sa cable. Pero hindi pa raw niya alam kung sino ang mga kasama sa list.

MARIEL RODRIGUEZ. Bilang talent manager, dahil kauumpisa pa lang ng taon nagsisimula din ang kanyang talent management na Backroom Inc. ng pagpaplano sa career ng kanyang mga alaga.

Pero ani Boy, "Maraming nangyayari, there's a lot of things na nangyayari."

Speaking of his alagas, kumusta na si Mariel Rodriguez? Nawala pansamantala sa eksena si Mariel pagkatapos silang ikasal ni Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, maaayos natin in the next two weeks. She's very busy with the next two weeks. Of course, nag-uumpisa na kaming mag-usap kung ano ang mga gagawin," sabi ni Boy.

Totoo ba ang usap-usapan na wala na raw gana sa kanyang showbiz career si Mariel?

"Hindi naman," sagot ni Boy.

"She wants to come back. She wants to work.

"Pinag-iisipan lang. Pinagpaplanuhan lang na mabuti yung pagbabalik.

"She knows she has to be very cautious. I mean, things have changed. Things are very different.

"She is focused on the promo of the film [Tum: My Pledge of Love]. That's very important, I think, to both Mariel and Robin. At tutulong naman tayo sa abot ng ating makakaya.

"But she wants to come back. She's doing well."

Itinanong din ng PEP kay Boy kung totoo ang balitang buntis na raw si Mariel.

"I don't think so. I don't think so," mabilis niyang sagot.

"I don't see her every day but... Hindi kami nag-uusap tungkol sa mga bagay na 'yan, but I don't think so.

"I've seen her. She came to ABS noong mag-meeting kami.

"She's so beautiful. Sabi nga ng mga taga-rito, she was so beautiful. Pumasok dito na ang ganda!

"I don't think she's pregnant," ulit ni Boy.

Bilang manager ni Mariel, never daw isinara ni Boy ang pinto para rito kahit nabansagan ang TV host-actress ng "pasaway" at "maraming kaaway."

"Bilang tao, hindi ako nagsasara," sabi ng The Buzz host.

"Sa tagal ko naman dito sa negosyong ito, malawak ang pananaw ko.

"With Mariel, it will take something very big for us to separate even as friends. Sa akin nag-umpisa 'yan. She's one of my favorites."

RUFA MAE QUINTO. Kung si Mariel at iba pang alaga ni Boy under Backroom ay nanatili sa pangangalaga niya—tulad din nina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Eric at Santos—wala na pala sa poder niya ang Kapuso actress na si Rufa Mae Quinto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Rufa Mae and I have separated," deklara niya.

"Pero maayos. Maayos... Pero, also because yung road manager ni Rufa na si Ryan, I don't know if he's leaving the country or the office. Parang it has something to do with that.

"Si Ryan, nag-usap kami. Parang he wants to be on his own. Pero wala kaming naging problema," paglilinaw ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN