Angelica Panganiban on the possibility of asking Derek Ramsay to get married: "Puwede, kapag nainip na ako!"

IMAGE 0


"Palagi naman naming sinasabi na kung mangyayari yun, hindi naman namin isisikreto. At saka, hindi naman namin yun kayang itago. At saka, gusto ko, kapag binigyan niya ako ng singsing, yung hindi ko talaga maitatago sa sobrang laki!" says Angelica Panganiban about getting hitched with boyfriend Derek Ramsay.


Matagal na raw magkaibigan sina Angelica Panganiban at Vhong Navarro. Sila ang magkapareha sa opening salvo ng Star Cinema ngayong 2011—ang horror-comedy filma na Bulong.

Pero sa pagkakatanda ni Angelica, bata pa lang daw siya nang una silang nagkasama ni Vhong sa movie na ngayon lang nasundan. Ito ay sa Separada (1994) ni Chito Roño, na siya ring direktor ng Bulong.

Sa presscon ng Bulong kagabi, January 17, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, inilarawan ni Angelica ang pakikipagtrabaho niya kay Vhong.

"Magaan, magaan. Sobrang maalaga.

"Masaya kasi magkabarkada nga kami noon pa. Para lang kaming naglalaro. Siyempre minsan mahirap, kasi hindi namin mapigilan ang tawanan.

"Minsan, nagkakailangan kami kasi magkaibigan nga kami. Pero, umaarte kami sa harapan ng kamera na first time naming ginagawa."

Maganda raw ang timing kay Angelica ng tema ng bago niyang movie.

"Maganda kasi kakatapos lang noong I Love You Goodbye. Nag-drama ako. Tapos Here Comes The Bride, nagpatawa naman kami.

"Then, ngayon, horror at may touch of comedy siya. So, iba't ibang acting yung nagagawa ko," sabi niya.

Aminado naman si Angelica na may pressure tuwing gumagawa siya ng pelikula para sa Star Cinema, lalo na't halos lahat ng pelikulang ni-release ng film arm ng ABS-CBN ay kumita

"Siyempre, hindi naman mawawala ang pressure. Kung gaano kalaki ang ginagawa ng Star Cinema with the past few movies, di ba?" pahayag ng young actress.

WORKING WITH DIREK CHITO & VHONG. Malaking bagay raw kay Angelica na si Direk Chito ang direktor ng movie kaya tinanggap niya ang Bulong.

"Malaking fan po ako ni Direk Chito pagdating sa horror films. So, noong nabigay po sa akin, noong sinabi nga po nila na gusto nila akong kunin with Direk Chito, na-excite na ako.

"Hindi ko pa alam na si Vhong ang kasama ko. Noong sinabing si Vhong, natuwa ako."

Pero biro ni Angelica, "Wala rin po akong choice na si Vhong ang kasama ko. Siyempre, manager niya si Direk Chito, so alam ko na siya talaga... Pero biro lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami po talaga ni Vhong, magkaibigan kami. Marami na rin po kaming pinagsamahan na lumalabas kami.

"So, alam ko po na magiging maganda ang chemistry namin pagdating sa pelikula, kapag pinanood ng mga tao, kasi hindi kami magkakailangan."

Dugtong pa niya, "Si Vhong, sobrang sayang katrabaho. Nakakaaliw. Parang isang beses lang naman akong nakatulog sa taping.

"Makuwento, maalaga. Mahilig magpakain. Hindi lang sa akin kung hindi para sa lahat. Maalaga hindi lang sa akin kung hindi maging sa mga katrabaho namin, like crew and staff."

BULUNG-BULUNGAN. Ang ibig sabihin ng title na Bulong sa movie nila ay ang naging kaugalian ng mga Pinoy na may ibinubulong sa patay kung may isang bagay silang gustong matupad.

Pero sa presscon ng pelikula kagabi ay tinanong si Angelica kung may naging "bulung-bulungan" na tungkol sa kanya na ikinawindang o ikinagulat niya.

"Siyempre, bilang babae, palaging nakakagulat yung sasabihing buntis ka," sagot niya.

"Yun ang mga nakakagulat kasi matagal bago mapatunayan. Maghihintay ka, like mga four months.

"Aalis ka ng bansa, nagpalaglag ka na agad. Or, bibiyahe kami ni Derek [Ramsay, her boyfriend], nagpakasal na kami.

"Yung mga ganoon na paulit-ulit na lang. Hindi na nakapag-move on."

WEDDING RUMOR. Speaking of Derek, gaano katotoo ang balitang plano na raw nila na magpakasal ngayong taong ito?

"Wala, wala," tanggi ni Angelica.

"Palagi naman naming sinasabi na kung mangyayari yun, hindi naman namin isisikreto. At saka, hindi naman namin yun kayang itago.

"At saka, gusto ko, kapag binigyan niya ako ng singsing, yung hindi ko talaga maitatago sa sobrang laki!"

Dagdag niya, "Yung plano na yun sa pagpapakasal, wala pa. Hindi pa naman napag-uusapan.

"Napag-uusapan, pero hindi naman soon. Hindi naman yung nagmamadali.

"Alam naman namin sa isa't isa na gusto namin, kami na talaga. Pareho po kami ng nararamdaman sa isa't isa.

"Hindi naman na kami naglolokohan pa na, 'Sasagutin kaya niya ako kapag inaya ko siyang magpakasal?' Hindi naman po ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka nga po ako pa ang mag-aya!" tawa niya.

"Dead na dead!"

Posible nga bang siya ang magyaya ng kasal kay Derek?

"Puwede, kapag nainip na ako!" sagot ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN