Angelica Panganiban wants to make peace with Claudine Barretto

IMAGE 0


"Wala na akong itinatago sa mga tao. So, open na lahat ngayon. Ngayon, mas masarap nang mabuhay, mas nakakatuwa nang mabuhay ngayon," says Angelica Panganiban.


Maganda ang pasok ng 2011 para kay Angelica Panganiban. Lalo na't may pelikula siyang malapit nang ipalabas sa February 2, ang Bulong, under Star Cinema kung saan katambal niya for the first time si Vhong Navarro.

Timing na timing daw ito dahil gusto niya raw talagang simulan ang 2011 na very positive.

"Yun naman ang puwedeng pinakamagandang mangyari ngayong year na ito dahil marami akong naisarang isyu sa buhay ko noong 2010. And naging napakaganda ang pagsalubong sa akin ng 2011.

"Sabi ko nga, favorite year ko ang 2010 dahil ang daming learnings. So, sana magtuluy-tuloy na," sabi ni Angelica nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Bulong kagabi, January 17, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Network.

Ano yung lessons learned niya sa 2010 na makakatulong para makaiwas na siya sa intriga?

"Lapitin na talaga ako ng intriga simula bata ako," pag-amin niya.

"Pero ang pinakamaganda siguro dun ay mas positive na yung pananaw ko sa buhay ngayon dahil nga siguro wala na yung mga bigat... Kumbaga, yung mga pinapasan kong bigat.

"So, wala na akong itinatago sa mga tao. So, open na lahat ngayon. Ngayon, mas masarap nang mabuhay, mas nakakatuwa nang mabuhay ngayon."

MEETING HER REAL DAD. Isa raw sa positive na nangyari sa kanya ay yung finally na-meet na niya last December ang kanyang biological father na dating U.S. Navy, si Mark Charlson. (CLICK HERE to read related story.) Kaya may parte raw sa kanyang personal na buhay na nabuo na pagpasok ng bagong taon.

Paano niya name-maintain yung communication niya sa kanyang American dad?

"Nagtatrabaho akong mabuti para may pambayad ako sa [phone] bill ko!" natatawang sabi ni Angelica.

Bakit siya ba ang laging tumatawag sa dad niya?

"Depende. Minsan siya yung tumatawag. Usually siya. Minsan ako pag gusto ko siyang makausap."

Ano ang naging bonding moments nila nang bisitahin niya ang dad niya sa U.S.?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagluluto siya kasi mahilig siyang magluto. Tapos nanood kami ng mga DVDs," banggit ng young actress.

Inamin din ni Angelica na nakausap na ng daddy niya ang boyfriend niyang si Derek Ramsay.

"Tumawag siya kay Derek nung birthday ni Derek para batiin siya," banggit ng Kapamilya actress.

"Tuwang-tuwa naman si Derek na may ganung effort at galing pa talaga yun sa daddy ko na nag-approach sa kanya para batiin lang siya sa birthday niya."

Sana raw ay makasama na niya si Derek kung matutuloy ang pagbisita niya ulit sa U.S. sa April. Gusto niya rin kasing maipakilala ang boyfriend nang personal sa kanyang daddy.

WANTS TO MAKE PEACE WITH CLAUDINE. Samantala, gusto nang iwan ni Angelica sa nakalipas na taon ang mga intriga sa kanya na pinagpiyestahan ng mga tao.

Nangunguna na nga rito ang naging away nila ni Claudine Barretto, na maituturing na isa sa pinakamalalaking intriga sa showbiz noong 2010.

Matatandaang sa interview noon ng PEP, inakusahan ni Claudine si Angelica na nagkakalat diumano ng mga kuwentong nakakasama kay Claudine at sa kanyang pamilya. (CLICK HERE to read related story.)

Ipinamamalita raw ni Angelica na may extramarital affair daw si Claudine kay Martin Castro, na best friend ni Derek at kaibigan din ni Raymart Santiago (asawa ni Claudine).

Sa kabila ng pag-iingay ni Claudine, pinili namang manahimik ni Angelica tungkol sa issue at tanging ang nagma-manage ditong Star Magic ang sumagot para sa kanya.

Naibalita rin na nagkausap na sina Derek at Raymart kaya naman unti-unti ring nawala ang lagablab ng isyu, pero hindi ito nakalimutan ng mga tao.

Nang matanong nga kay Angelica ang tungkol sa isyung ito, isa lang ang naging tugon niya. Aniya, panahon na raw para magpatawad. Gusto na raw niyang makipag-ayos kay Claudine na for a time ay naging ate niya rin sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, bagong taon na," sambit niya.

"And sa dami ng blessings na natatanggap ko, ayoko na ng negative vibes sa buhay ko. So, gusto kong maging masaya ang lahat.

"Alam ko, yun din naman ang gusto niyang [Claudine] mangyari."

Hihintayin na lang ba niyang na tadhana na ang gumawa ng paraan para sa tuluyan nilang pagkakabati ni Claudine, o gagawa rin siya ng effort?

"Siyempre, kung dadating yun, dadating talaga yung araw na magkakaayos kami. I mean, hindi mo naman puwedeng ipilit yung mga ganung bagay, di ba? Malay mo may mga taong hindi pa ready."

So far, ngayong January ay wala pang bagong intriga siyang kinakaharap.

"Wala pa, wala pa. Sana ganito lang hanggang matapos ang taon," asam ni Angelica.

PLANS FOR 2011. Ano ang mga plano niya for 2011?

"Marami. Siyempre gusto ko pang makatrabaho ang iba pang artista na hindi ko pa nakakatrabaho. Gusto kong ma-handle ng iba pang direktor."

Pero kung meron man daw siyang gustong mangyari, ito ay ang makasama si Derek sa isang big project.

"Gusto kong magka-movie kami ni Derek na kaming dalawa lang," sabi ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN