Vhong Navarro clarifies report that he is starving his driver

IMAGE 0


"Siguro, kung meron akong nalimutan na bigyan siya minsan, e, dahil siguro sa dami kong ginagawa. Sabi ko nga sa kanya, after no'ng mangyari na lumabas yung mga balita na yun, sabi ko sa kanya, 'Kasi sabihin mo sa akin nang diretso, huwag nang idaan pa sa kung kani-kanino,'" says Vhong Navarro about report that he is starving his driver.


Nasasalang sa isyu ngayon si Vhong Navarro kaugnay sa lumabas na balitang ginugutom daw niya ang kanyang driver.

Nakarating na kay Vhong ang balitang ito kaya naman kahit hindi ito itinanong sa kanya sa presscon proper ng pelikula niyang Bulong kagabi, January 17, agad itong nilinaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya matapos ang press conference sa Dolphy Theater.

"Oo nga, e. Sabi nga, ginugutom ko raw yung driver ko?

"Nagulat ako doon kasi kung makikita n'yo, yung driver ko, parang ako yung ginugutom niya kasi ang laki ng katawan, e!" biro niya.

"Ako po yung tao na hindi ako madamot, especially sa pagkain. So, dapat sini-share 'yan.

"Kung ano po ang pagkain ko sa bahay, yung din po ang pagkain ng mga kasambahay ko," seryoso niyang pagtatanggol sa sarili.

"Siguro, kung meron akong nalimutan na bigyan siya minsan, e, dahil siguro sa dami kong ginagawa.

"Sabi ko nga sa kanya, after no'ng mangyari na lumabas yung mga balita na yun, sabi ko sa kanya, 'Kasi sabihin mo sa akin nang diretso, huwag nang idaan pa sa kung kani-kanino.'

"Kasi, family friend ko siya. Matagal na sa akin yung driver ko, nine years na."

WHERE THE NEWS CAME FROM. Pinagalitan ba ni Vhong ang driver niya sa paglabas ng kuwento?

"Hindi ko siya pinagalitan. Tinanong ko lang siya. Hindi niya inamin.

"So, sabi ko, 'Baka sa akin galing kaya lumabas 'yan?'

"Sabi ko lang sa kanya, 'Pag may mga ganyan, diretso mo sa akin. Huwag kang mahiya.' Wala na kaming hiyaan kasi barkada nga ang turing ko sa kanya, e."

Dagdag niya, "Siguro, baka nga nakaligtaan ko, humingi na ako ng paumanhin sa kanya noon."

Naniniwala ba siya na galing mismo sa kanyang driver ang balitang ginugutom niya ito?

"A...more or less... Ayoko nang magsalita," alumpihit niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro naman hindi manggagaling sa akin. Yun lang yun.

"Siguro kasi sa dami ng ginagawa ko, especially ngayong lunch time na ang Showtime. So, may pagkain naman doon.

"Kung meron man akong nagawang makalimutan, siguro for nine years, ngayon lang lumabas ito. Siguro kelan lang 'yan," saad Vhong.

Hindi ba siya nasaktan o nagalit?

"Hindi ako nagalit or nasaktan. Tinanong ko lang siya na kung may problema sabihin niya sa akin at huwag nang paabutin sa iba dahil hindi na siya iba sa akin.

"Ang nag-react kasi yung mga kasambahay ko. Medyo nakakalungkot lang.

"Siguro yung tamang word para sa naramdaman ko is nakaka-disappoint," sabi niya.

STUB ISSUE. Itinanggi rin ni Vhong ang balitang "stub" lang daw ang ibinibigay niya sa driver na galing sa staff ng Showtime.

"Hindi stub, e. Meron din kasi akong perang ibinibigay para sa kanya. Hindi ko alam kung stub ba ang gusto niya o pera.

"Like sa Showtime, stub 'ata ang ibinibigay para sa food. Sa taping, may meal talaga and minsan sa bahay kami kakain.

"Sabi ko nga, kung ano ang kinakain ko sa bahay, yun ang kinakain ng mga kasambahay ko.

"Hindi ko siya binibigyan ng stub. Hindi ako magbibigay ng stub dahil hindi ako staff ng show!" natatawang sabi ni Vhong.

Patuloy pa ring nagseserbisyo kay Vhong ang kanyang driver hanggang ngayon.

Wala pang desisyon ang komedyante sa kung ano ang magiging estado nito sa kanya, pero nais pa rin niyang kausapin itong muli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN