Solenn Heussaff complains by e-mail to French network about "bimbo" tag

IMAGE 0


"I was really offended because me and my friends are far from bimbos. And parang I'm kinda hurt that they'll be like that. I mean, I [didn't] expect French journalists to exaggerate in everything," says Solenn Heussaff on the controversial documentary.


Isang French TV network ang nagbigay ng bansag kay Solenn Heussaff na "bimbo."

Hindi ikinaila ni Solenn ang disappointment niya sa naging bansag sa kanya.

Sa Startalk TX yesterday, January 15, ay nailabas nga niya ang kanyang saloobin sa naturang French TV network.

Ang kahulugan ng bimbo ay babaeng maganda, pero wala namang alam.

Na-feature si Solenn at ilan sa mga kaibigan niya sa documentary na "Stories of Gangsters, Drug Lords and Bimbos," reportedly shown in a magazine program, "EnquĂȘte Exclusive" on the M6 channel nuong January 2.

Ang M6 ay isang popular na network sa France.

Ayon sa half-French, half-Pinay na si Solenn, "I was really offended because me and my friends are far from bimbos. And parang I'm kinda hurt that they'll be like that. I mean, I [didn't] expect French journalists to exaggerate in everything.


"Actually, all my friends from France, they said, oh, I saw you on TV. So, what's up pala? Tapos, I look at the link, and then, I was so disappointed by how it was edited. "


Ilan nga raw sa mga kaibigan ni Solenn ang ipinakita sa naturang documentary.

Aniya, "No names were [given]. But when you see the video, you'll see me, you'll see Georgina [Wilson], you'll see Ruffa, you'll see Mikaela Lagdameo, [as well as] respected designers, make-up artists, hairstylists, all hard-working women."

Pero mas lalo raw sumama ang loob ni Solenn dahil mismong ang French father pa raw niya ang tumulong sa crew nang gawin nito ang report sa bansa.

"My dad helped them with organizing everything. That's what he does usually with the [visiting] French companies. He helps them organize their trips, organize to see the President whatever, to see lahat."

Nagpadala na daw ng e-mail si Solenn sa French TV network, nagko-complain tungkol sa documentary, pero no reply pa raw ang mga ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "I don't care if they say sorry or not. I just want them to read it and to know that I'm disappointed. Yun lang... "

Wala naman daw planong magsampa ng reklamo o demanda si Solenn sa mga ito.

Aniya, "I want to start the year on a good note. So, I won't do that. I mean, I was hurt but it's not like, the end of the world."

On the other hand, sinimulan na ni Solenn ang pagsu-shoot ng kanyang Valentine movie with Richard Gutierrez under GMA Films.

Nag-e-enjoy naman daw si Solenn sa pag-arte.

Aniya, "I enjoy doing it. Sana magta-Tagalog na sa susunod na movie. Dito, Taglish pa lang."

At dahil nga madalas silang magkasama ni Richard lately, posible bang mauwi na talaga sa totohanan ang onscreen romance nila?

"Hindi ko alam," nakangiti niyang sabi. "Whatever happens, happens."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN