Ian de Leon says mom Nora Aunor will come home "first quarter" of this year

IMAGE 0


"Kasi, sa totoo lang, ang daming nakaka-miss sa kanya. Kami rin, nami-miss na rin namin siya. At para sa akin, kapag nagbalik siya, malaking bagay yun para sa industriya dahil kung matutukan 'to, isang Nora Aunor, babalik muli sa showbiz, malaking isyu yun na ikakaganda muli ng pagkabuo ng career niya," says Ian de Leon about the return of his mom, Superstar Nora Aunor.


"I'm waiting for my mom too," ang mabilis na tugon ni Ian de Leon sa entertainment press na nagsabing marami na ang naghihintay sa pag-uwi sa Pilipinas ng kanyang ina na si Nora Aunor.

Ayon kay Ian, "First quarter [of 2011] definitely, pero wala pang definite, e. First quarter daw. Pero yung mga nagsasabi rin, yung mga taong malapit-lapit."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ian sa presscon ng Alakdana noong Lunes, January 17, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Nabanggit din ni Ian na nagkita naman sila ng kanyang ina last year nang magpunta siya sa Japan.

"Kasama ako do'n sa mga umaasa na sana, may maasahan din po kami. Two years ago, sabi next year. Pero next year yung last year. This year daw darating. So, hopefully, this year siya darating."

May communication naman daw silang mag-ina. Tulad noong bago mag-Pasko, nagkausap daw sila.

Kuwento ni Ian, "Okay naman, nagtawagan kami. Kumustahan.

"Yung voice niya, okay naman. If that's your concern, yung voice niya, normal na rin. Naghi-heal na rin.

"Hindi naman siya yung hindi na makapagsalita, hindi. Kuwentuhan kami, ganoon."

Kumusta naman ang singing voice ng kanyang ina?

"Hindi ko actually natanong sa kanya," sagot ni Ian.

"Pero as far as I know, may mga gusto pang kumuha sa kanyang mga shows. So, ibig sabihin, kaya na niya.

"Hindi naman yung sobrang hataw. Pero gradually, nakakayanan niya.

"Ang alam ko, pagbalik niya rito, may mga naka-lineup na project. Yun ang plano.

"Siguro yun ang main priority kung bakit siya babalik dito in the first place. Para magbalik siya, artista siya.

"Kasi, sa totoo lang, ang daming nakaka-miss sa kanya. Kami rin, nami-miss na rin namin siya.

"At para sa akin, kapag nagbalik siya, malaking bagay yun para sa industriya dahil kung matutukan 'to, isang Nora Aunor, babalik muli sa showbiz, malaking isyu yun na ikakaganda muli ng pagkabuo ng career niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIGITAL PAINTING AS A HOBBY. Personally, ayon kay Ian, okay naman siya.

Kasama nga siya ngayon sa bagong afternoon series ng Kapuso network na Alakdana and he is now being managed by Malou Choa-Fagar.

Kapag walang showbiz commitments, busy raw siya sa kanyang digital painting at nag-aaral din daw siya ng visual effects.

"Kung meron, I'll be happy for what I have, di ba? Kung siguro hindi pa ina-allow ni Lord na magka-project ako, I'll just be patient and wait for the next one."

Ang visual effects daw ay self-study niya lang, pero plano raw niyang mag-enroll ng tutorial.

Ipinakita nga ni Ian sa press ang ilang digital painting niya na magaganda talaga.

"Actually, hobby lang talaga. Kahit noon, mahilig na talaga ako, paint-paint. Hindi na siguro mawawala.

"Hopefully one day, makapag-exhibit," asam niya.

PERFECT FAMILY. Nilinaw naman ni Ian ang report noon na may anak na siya.

"Wala, wala akong anak," sabi niya.

May non-showbiz girlfriend daw siya ngayon, pero hindi raw totoong nagli-live in na sila.

Wala pa ba siyang planong mag-settle down at the age of 35?

"Gusto ko naman perfect family," sabi ni Ian.

"For once sa mundo, gusto ko na may isang pamilya na tatagal at yung mga anak, lalaki nang mabuti.

"Na kapag halimbawa, nagpakasal ka, nagkaroon ka nang family, magandang God-driven yung purpose mo kung bakit gusto mo siyang makasama. Hindi lang porke't nakabuntis ka or type mo lang 'tong babae kaya gusto mong buntisin."

Produkto ng broken family si Ian. Maliit pa lang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang na sina Nora Aunor at Christopher de Leon, na noo'y parehong nasa kasagsagan ng kanilang kasikatan.

Ano ang hinihintay niyang sign para masabing nahanap na niya ang babaeng pakakasalan niya?

"Well, in His time naman siguro," sagot niya.

"Pero right now, I can say na yung better-half ko ngayon, within the span of three years, we never really had a major argument because we work things out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinag-uusapan namin kung ano ang problema. We just talk about it and solve it as a team. Na hindi kami nag-aaway."'

Graduate daw ng Tourism ang girlfriend ni Ian at nagtatrabaho sa TESDA.

Dagdag ni Ian, "Balak naming magpakasal. Maybe within the span of three years."

Ilan na rin ang naging girlfriends ni Ian in the past. Naging maingat ba siyang talaga not to have a baby with anyone of them o nagkataon lang?

"Hindi, iningatan ko talaga," sagot niya.

"Gusto ko na kung halimbawa makabuntis ako, tapos maghihiwalay, yung anak saan mapupunta? Definitely, galing din sa pinanggalingan ko. Yung mga bata nagsa-suffer.

"Of course, couple of friends, many friends na nakikita kong lumalaki ang anak nila. And ako, I grew up in an environment na hindi normal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN