Piolo Pascual grateful to fans who remain loyal to him

IMAGE 0


"Yung iba gusto ka lang makita ng isang beses, pero ibang klase po yung ginagawa nila, they go out of their way to support ka sa lahat ng mga ginangawa mo at nakaka-humble po because hindi naman sa hinihingi nila, pero kusa nilang binibigay yung pagmamahal sa 'yo," says Piolo Pascual about his fans.


Muling nagkaroon ng pagtitipon ang mga masugid na tagahanga ni Piolo Pascual para ipagdiwang ang 10th anniversary ng fans club nitong Super Solid Friends. Ginanap ang pagdiriwang noong Linggo, January 16, sa Max's restaurant sa Quezon City.

Siyempre pa, present sa nasabing pagtitipon si Piolo.

Pinasalamatan ng matinee idol ang mga miyembro ng Super Solid Friends fans club sa kanilang "loyalty."

"Sa inyong walang-sawang suporta. Kahit na marami nang dumating na pagsubok, marami nang dumating na artista. Talagang tinatanaw kong malaking utang na loob.

"Yung mga ginagawa ninyo, you are my inspiration to my work, to my life. Hinding-hindi ko makakalimutan na kahit nasaan man ako mapunta, ito po yung family na hinding-hindi ko makakalimutan," pahayag ni Piolo, habang hindi matigil sa pagpapalakpak at hiyawan ang kanyang fans.

Sa panayam naman niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay ipinahayag muli ni Piolo ang pasasalamat niya sa kanyang fans.

"Yung iba, gusto ka lang makita ng isang beses. Pero ibang klase po yung ginagawa nila.

"They go out of their way to support ka sa lahat ng mga ginagawa mo at nakaka-humble po because hindi naman sa hinihingi nila, pero kusa nilang binibigay yung pagmamahal sa iyo.

"Kaya parang nagiging inspiration ko 'yan, at the same time mas lumalakas pa po yung loob ko kahit pagod ako.

"Kasi, sila hindi nga binabayaran, pero nagpapakita ng importansiya. What more yung artista na binabayaran para magpasaya ng ibang tao?" wika niya.

KUYA GERMS. Naroon din sa pagtitipon si German "Kuya Germs" Moreno, na siyang naging unang mentor ni Piolo noong nasa That's Entertainment pa ang aktor.

Sa kanyang speech, binigyang-diin ni Kuya Germs ang kahalagahan ng fans club sa mga artista.

"Alam n'yo, bihira na ngayon talaga sa mga artistang bago na merong katulad sa ginawa ninyong lahat, na ang pagmamahal sa artista, katulad noong araw ay nanatili pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, hindi kaila sa ating lahat na [maraming na ngayong mga] artista, pero hindi katulad nitong ganito, na merong fans club na ganito.

"Dahil meron isang malaking dahilan kung bakit nangyayari ito sa ibang mga artista. Mabuti na lang si Piolo... dahil sa kabutihan ng batang ito ay talagang maraming nagmamahal.

"Tahimik kahit na binabato ng intriga, hindi lumalaban," sabi ni Kuya Germs.

THAT'S ENTERTAINMENT DAYS. Nagbalik-tanawrin ni Kuya Germs sa That's Entertainment days ni Piolo, kung saan nagsimula ang showbiz career ng aktor.

"Noong panahon ng That's Entertainment, ito ang isang bata na noong mga panahong iyon ay walang kibo.

"Pakantahin mo, ayaw kumanta. Paartehin mo, ayaw umarte, nahihiya. Pero pag sumayaw at nagbubuhat siya, nagagawa niya.

"Kasama siya dun sa mga production numbers noong panahon ng That's," kuwento ni Kuya Germs.

Binanggit din ng Master Showman kung paano nakatulong ang That's Entertainment kay Piolo.

"Ngayon, ang ABS[-CBN], meron ngang Shout Out na parang That's Entertainment, pero hindi pa din tulad noong panahon na meron isang lider para sa mga bata, at yung lider na yun ay si Kuya Germs.

"Dahil ipinakita ko sa telebsiyon at sa mga taong nanonood at sumusubaybay kung papaano sila sinasanay at tinuturuan. Magkamali man [sila], natututuwa ako dahil darating yung panahon...

"Yung sinasabi nga nila nung araw... Itong Piolo Pascual na 'to... Pero nung siya ay natuto na, wala na silang masabi kundi 'napakagaling ng artista nito.' Kaya multi-awarded na din siya.

"Katunayan nga, kahit na wala na siya sa aking poder, siya pa rin ang kauna-unahang binigyan ko ng tropeyo sa FAMAS na Youth Achievement Award.

"Compared nowadays sa mga bagong artista, wala nang magtatayo ng ganitong fans club," pagmamalaki ni Kuya Germs.

Sa pagtatapos ng kanyang speech, may pakiusap si Kuya Germs sa mga fans ni Piolo.

"Sa inyong lahat, huwag sana kayong magsawa sa ibinibigay n'yong pagmamahal kay Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ipinapangako ko din sa inyo, kahit na anong paninira ang narating ni Piolo, ay hindi nila mararating ang narating ni Piolo," saad niya.

Sa isang bahagi ng pagtitipon ay tinanong ni Kuya Germs si Piolo tungkol sa takbo ng industriya ng showbiz at ang opinyon niya tungkol dito.

"Dumadami yung labanan, lumalaki yung competition. Pero I guess ang importante po may trabaho ka," sagot ng aktor.

Sinegundahan naman ito ni Kuya Germs at sinabing: "At siyempre, hindi natin makakalimutan na ang utang na loob ay utang na loob."

"Totoo po 'yan," pagsang-ayon ni Piolo.

IDEAL FAN. "Darating yung time, malalaman ni PJ kung sino talaga yung loyal sa kanya," pahayag naman ni Weng Villalobas, ang presidente ng Super Solid Friends fans club.

Pabiro pa nitong dinagdag, "Ngayon, nawala na lahat yung mga mayayaman. Yung mga mahihirap, yun pa rin yung mga solid... Joke!"

Matagal-tagal na raw kasama ni Piolo si Weng at ang ilang mga miyembro ng Super Solid Friends.

"Binigay namin talaga yung suporta. Kasi nung year 2001, hindi naman siya ganoon kaano, e," sabi ni Weng.

Bakit nga ba sila patuloy na sumusuporta kay Piolo?

"Marami nagbabago, pero alam ko hindi naman nagbago yung attitude niya, e," sagot niya.

Ayon pa sa isang fan, taglay ni Weng ang mga pag-uugali ng isang fan na umaasta nang maayos.

"May trivia ako kay Weng, nagsimula po kami nong 2002. Maraming-marami pong mga fans ni Piolo na talagang hindi ko malaman ang pag-uugali. Yung talagang nangingialam sila sa buhay pag-ibig ni Piolo, buhay pag-ibig ni Judy Ann Santos, lahat na lang pinakikialaman.

"Kaya nga merong isang nanay ang nagsabi, 'Ano ba ang mga fans na ito, 'kala mo sila ang nanay ng anak ko? Mas mahigpit pa sila sa anak ko, bakit ganun sila?'

"Pero si Weng po, hindi nangingialam 'yan. Basta masaya siya [Piolo], masaya ang mga fans," sambit ng fan habang nakatingin sa kanyang iniidolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN