Newbie Alden Richards carries out late mom's wish; cites Rhian Ramos as his showbiz crush

IMAGE 0


Young actor Alden Richards will portray the leading-man role of Joma in GMA-7's new afternoon drama series titled Alakdana. Alden's character is the childhood friend of Adana (Louise delos Reyes), who is secretly in love with her.


Magkahalong tiwala at risk ang inilaan ng GMA-7 management para sa baguhang young stars na sina Louise delos Reyes at Alden Richards. Pareho kasing pagbibidahan ng dalawa ang newest afternoon drama show ng Kapuso network na pinamagatang Alakdana.

Mapapanood ang unang episode ng Alakdana sa Lunes, January 24, pagkatapos ng Eat Bulaga!

Si Louise ang magsisilbing lead star ng programa, samantalang si Alden naman ang isa sa leading men ng young actress.

"Kumbaga, ito po 'yong pinaka-big break ko after po ng commercials. Before, galing po kasi ako sa commercials. Model po ako," bungad ni Alden nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Alakdana kagabi, January 17, sa Executive Lounge ng GMA Network Center, Quezon City.

Nasungkit ni Alden ang role matapos siyang sumalang sa isang audition na sinalihan din ng ibang Kapuso young talents.

"Lima po kaming pinagpilian dito. Mostly po 'yong mga nakasama ko sa audition, galing po sa Tween Hearts. Ako lang po 'yong walk-in, ako lang po 'yong galing sa labas na tinawagan para mag-audition.

"'Yon po, binigyan po kami ng script, pinaarte. Tapos after two days po, nalaman ko na ako 'yong napili. So, very blessed po ako," kuwento ni Alden.

MOTHER'S WISH. Tubong Sta. Rosa, Laguna si Alden. Bago niya pinasok ang show business ay nag-aaral siya sa De La Salle Canlubang, kung saan kumukuha siya ng kursong Business Administration.

Kung iisipin ay mukhang maayos naman ang lagay sa buhay ng pamilya ni Alden dahil ang ama niya ay nagtatrabaho bilang operations manager ng isang hotel at stadium.

"Meron po akong dalawang kapatid. Meron po akong kuya na graduating nurse and meron din po akong kapatid na bunsong babae na third year high school naman po," banggit ni Alden.

Matagal nang pangarap ni Alden ang mag-artista at meron din siyang malalim na dahilan kung bakit pursigido siyang maging matagumpay sa trabahong pinasok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dream ko na po 'to simula pa nung bata ako at nung nabubuhay pa po 'yong nanay ko," seryosong pahayag ni Alden.

"Mahilig siyang manood ng TV, tapos lagi po niyang sinasabi, 'Anak, gusto ko balang-araw makita kita sa TV. Gusto ko sumikat ka.'

"So, feeling ko po, nagdilang-anghel 'yong nanay ko. Nung pumanaw po siya, dun po ako nabigyan ng mga break sa television."

Namayapa ang ina ni Alden two years ago dahil sa sakit na pneumonia.

FEELING THE HEAT. Hindi naman itinanggi ng 18-year-old actor na may pressure siyang nararamdaman dahil nga malaking proyekto ang ipinagkatiwala sa kanya ng GMA-7 management.

"Hindi po mawawala 'yong kaba, 'yong takot po na baka hindi kagatin ng mga tao 'yong show.

"Pero kaya nandiyan po 'yong production ng Alakdana, 'tsaka po si Direk Mac para tulungan po kaming mga artista na galingan po 'yong trabaho namin para magustuhan po ng mga tao."

Natakot ba siya nang una niyang makaharap ang direktor ng serye na si Mac Alejandre?

"Opo," mabilis na sagot ni Alden.

"Kasi nung unang taping, kumbaga, bago pa niya kami isinalang ni Louise sa unang scene namin sa camera, intense briefing po, e. One-on-one po talaga kami ni Louise.

"Binigyan niya [Direk Mac] kami ng pointers para maging effective na mga aktor at aktres."

Binanggit ni Alden ang mga aktor na sina Christopher de Leon at John Lloyd Cruz bilang mga idolo niya sa larangan ng pag-arte.

SHOWBIZ CRUSH. Handa na rin si Alden sa mga intriga na posibleng ibato sa kanya ngayong nasa showbiz na siya, katulad na lang ng pagli-link sa kapwa niya artista regardless kung may katotohanan ba ito o wala.

"Sa industriyang pinasok ko, hindi naman po mawawala 'yong mga ganung isyu. May mga ganun naman talagang intriga na magaganap," sabi ng batang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw girlfriend ngayon si Alden at hindi din naman siya pinagbabawalan ng kanyang handlers kung sakaling may magustuhan siyang ligawan.

Hindi naman nagdalawang-isip si Alden na pangalanan ang kanyang showbiz crush.

"Si Ms. Rhian Ramos po," diretsong pag-amin ni Alden. "I'm looking forward na makatrabaho siya kasi crush ko po siya ever since."

Bago pa man sumali full-time sa showbiz ay nakita na ni Alden si Rhian. Ito ay nangyari noong 2009 nang sumali ang aktor sa Ginoong Sta. Rosa pageant.

"Nagkaroon po kami ng tour sa Enchanted Kingdom, tapos isa po siya sa naging candidates sa isang dating game. Pero hindi po ako 'yong nakuha niya kasi sa ibang artista po ako nai-pair," ngiti ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN