Sylvia Sanchez ventures into talent management, starting with her two children

IMAGE 0


"Kahit sinong artista naman, kapag nagkaroon ng hilig sa showbiz ang anak, ang sasabihin dapat magtapos muna ng pag-aaral. Pero pag dumating ang tamang panahon, di sige, sabi ko, 'Tutulungan ko kayo... Gagawin ko kayong produkto, pero dapat patunayan n'yo na may talent talaga kayo,'" says Sylvia Sanchez about managing her children who will enter showbiz.


Malaking paghahanda para sa plano niyang mag-manage ng talents ang kasalukuyang binubusisi ng character actress na si Sylvia Sanchez. Sa palagay niya, ngayong 2011 ang tamang panahon para sa pagsisimula nito.

At kaiba sa karaniwang nagpaplanong mag-handle ng talents, extension ng kanyang mga responsibilidad ang gagawin ni Sylvia. Ito ay dahil ang pagiging mommy niya ng mga anak na sina Ria (18 years old) at Arjo (20 years old), na kapwa papasok sa showbiz, ang higit na masusubok.

Kumbaga, may panibagong dimension sa pagiging ina ang susubukin ng actress-mom.

Sina Arjo at Ria ay dalawa lamang sa limang anak nila ng kanyang businessman-husband na si Art Atayde. Ang tatlo pa ay sina Pia, 22; Gella, 8; at Xavi, 1.

"Iba pala pag anak ko. Dahil may hilig sila, bibigyan ko sila ng pagkakataon, pero hindi ko rin sila puwedeng pabayaan na lang," sabi ni Sylvia nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo ng gabi, January 16, sa TJ restaurant, na pag-aari nila ng kanyang mister.

Nakausap ng PEP ang award-winning actress habang ginaganap ang birthday celebration ng kaibigan nilang si Alex Muhlach, ang ama ni Aga Muhlach.

"Kahit sinong artista naman, kapag nagkaroon ng hilig sa showbiz ang anak, ang sasabihin dapat magtapos muna ng pag-aaral.

"Pero pag dumating ang tamang panahon, di sige, sabi ko, 'Tutulungan ko kayo... Gagawin ko kayong produkto, pero dapat patunayan n'yo na may talent talaga kayo.'

"E, talented naman ang mga batang 'yan," pagmamalaki ni Sylvia sa mga anak. "Lahat sila, magagaling magsayaw at marunong ding kumanta.

"Yung mga babae, puro magaling na dancer. Tapos, si Arjo, napakahusay ring sumayaw. Kasali sila sa [dance groups] sa schools nila.

"Si Arjo, sa La Salle nag-aral. Sina Pia at Ria, parehong nag-aral sa Poveda."

OFFER FROM STAR MAGIC. Nabanggit din ni Sylvia ang paghimok ng Star Magic na maging kabahagi ng talent management outfit ng ABS-CBN ang dalawa niyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noon pa sila gustong kunin ni Mr. Manahan [Johnny Manahan, Star Magic head]," pag-inform din ng aktres.

"Si Arjo, sinabihan ni Mr. Manahan, 'Come back to me when you have abs...four-packs abs! E, ngayon nga, six packs na! He really did work out to get in shape."

Ipinakita ni Sylvia sa PEP ang mga kuhang larawan ng dalawa niyang anak na mag-aartista, at totoo ngang greatly improved ang looks ng mga ito sa kanilang pagiging young adults, na puwede nang mag-try sa showbiz.

Needless to say, very proud mommy ngayon si Sylvia.

"Meron na silang singing and dancing skills, then iwu-workshop na lang para sa acting," pagbanggit ni Sylvia sa mga nasabing plano.

Kung tutuusin, very reluctant talent manager si Sylvia. Mauunawaan ang predicament niya, na kung hindi lang dahil mga anak niya na may hilig mag-artista ang aasikasuhin, hindi niya gugustuhin ang mga kaakibat na pressure ng pagiging talent manager.

"Tahimik na ang buhay ko!" natatawa niyang sabi.

"Pero iba talaga, pag anak mo, e. At kapag maraming nag-e-encourage, paano naman ako makakahindi?

"Ayaw ko na lang sanang magbanggit, pero kahit nung i-pictorial si Ria, at lalo na si Arjo, sabi raw ni Raymund Isaac, siya yung nag-pictorial, e... A, impressed naman daw si Raymund dahil sa mga kuha ni Arjo, sabi raw, 'Walang anggulo [na pinipili], parang si Aga Muhlach!'

"Nakaka-flatter naman talaga, di ba? Kaya sige, i-try natin.

At may mga kuhang larawan nga si Sylvia ng mga anak na nasa kanyang digicam bilang pruweba. In time, maaaring ipagkatiwala na rin niya ang mga larawan sa media para sa kaukulang publisidad.

ANGGE'S TALENT. Bilang isa ring talent, na parang anak-anakan na ng beteranang si Angge (Cornelia Lee) ng ABS-CBN, batid ni Sylvia ang halaga ng pagiging masunurin, o pagkakaroon ng sense of loyalty.

Kaya she remained with Angge all these years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, kulang na lang ilabas ako nun!" pagbibiro ng aktres.

Tuluy-tuloy at nananatiling productive si Sylvia sa pagiging character actress. Hindi siya nababakante, tulad sa kasalukuyan na meron siyang paglalagare sa regular tapings para sa dalawang telenovela sa GMA-7—ang Koreana at Tween Hearts.

Nakatakdang mag-end ang Koreana sa ikatlong linggo ng February; ang Tween Hearts, by April this year.

"After Koreana, meron na ngang naka-schedule na bagong series, pero hindi ko pa muna puwedeng sabihin," sabi ni Sylvia.

"Ito lang naman talaga ang gusto ko, e. Magtrabaho nang magtrabaho."

BUSINESS ON THE SIDE. Started three years ago, nananatili namang successful ang restaurant business nila ni Art.

TJ ang name ng resto, after Tita Jo, o Tita Josette (Josette Campo Atayde is Sylvia Sanchez's real name), which specializes in Italian and Filipino dishes, in particular pasta and the famous Ilocano pork delicacy, ang bagnet, o ang Ilocano version ng lechon kawali.

"TJ lang ang merong bagnet dito [sa restaurant rows ng Greenhills Shopping Center in San Juan] kaya dinadayo ito ng mga customers," pag-inform pa ni Sylvia.

"We open at noontime at nagsasara kami, mga 2 or 3 AM. Kakapagod din, pero masaya!

"Nagiging hangout ito ng mga taga-showbiz. Ngayon nga, usually, hindi kami open pag Sunday. Pero dahil birthday ni Tito Alex, kaya nandito kami ngayon."

Bilang celebrity restaurateur, maipagmamalaki ni Sylvia ang naging paghahanda niya sa pinasok na negosyo, habang nagpapatuloy sa pagiging artista.

"Mahilig kasi talaga akong magluto," aniya. "So I studied Culinary Arts sa AICA [Academy of International Culinary Arts]. It's a three-year course. After my first year, we put this up na.

"Ako lahat ang nagplano ng menu para sa pasta dishes—pizza and pasta. Sa ibang dishes, meron akong chef. Meron din para sa specialty naming bagnet.

"Pag wala akong tapings, nandito lang ako. Nalilibang na, kumikita pa. Kasama ko pa ang mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahalaga sa artista na meron siyang fallback o ibang outlet bukod sa pag-arte. Para maiwasan niya rin ang pagse-self-pity, lalo kapag dumalang ang projects, o offers.

"Naku, mahirap yun. Common sa artista ang gano'n, mag-self-pity. Wala siyang kalaban-laban dun.

"So, 'eto ako, para hindi ako mag-self pity kung walang trabaho sa showbiz."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN