Bangs Garcia, who plays Zanjoe Marudo's love interest in Kristine, says Bea Alonzo has nothing to be jealous about

IMAGE 0


"Ang name ko dito, si Ellen. Ako yung nurse na sobra-sobrang type ni Conan, si Vhong. Actually, dun iikot ang istorya. Dun iikot ang buong story kung bakit may bulong. So, kailangan yun abangan ng tao," says Bangs Garcia about her character in the horror-comedy film Bulong

.


Tingin ni Bangs Garcia, maganda ang suwerte niya ngayong 2011. Ito ay dahil kasama siya sa Bulong, ang unang pelikula ng Star Cinema ngayong 2011.

Isang horror-comedy ang Bulong, na tinatampukan din nina Vhong Navarro at Angelica Panganiban. Si Chito S. Roño ang direktor nito.

Sa presscon ng pelikula kagabi, January 17, sa Dolphy Theatre sa ABS-CBN, idinetalye ni Bangs sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nararamdaman niyang kaba at saya dahil sa Bulong.

"Sobrang masuwerte and pressured. Kasi di ba, 2011, baka mag-expect sila sa Star Cinema and most especially sa aming mga artista na involved dito. Kay Direk Chito, proven na 'yan, e, na hit lahat ng ginagawa niyang projects.

"Pero yung kami, yung kaming tatlo lang na pinagsama sa isang movie, pressured, and sobrang honored ako na makasama dito sa cast na 'to kasi kakaiba siya, e.

"First time kong nakatrabaho silang dalawa, si Angelica at si Vhong," saad ni Bangs.

Dahil sa kilala na sina Vhong at Angelica sa linya ng comedy, kinaya ba ni Bangs na tapatan sila sa pelikulang ito?

"Well, manood na lang kayo," sagot niya. "Pero, kung maaalala n'yo, nagsimula ako sa isang youth-oriented sitcom. So, kahit papaano, nauna ako sa comedy sa industry kaysa sa horror or sa kahit anumang klaseng acting. So, ayun."

Ang tinutukoy ni Bangs ay ang dating sitcom ng ABS-CBN na Let's Go at Gokada Go!, na ipinalabas noong 2006 at 2007.

Pagpapatuloy ni Bangs, "Tapos kahit na nauna ako sa ganung klaseng palabas, medyo mahirap pa rin. And kakaiba, itong sina Vhong at Angelica, e, natural comedians sila, e. Ako, hindi ako yung tipong ganun.

"Meron din, may sense of humor din ako. Alam ko dahil wala namang nagrereklamo sa akin na boring akong kasama.

"Pero iba yung kanila, may spunk sila. May kakaiba silang spunk sa comedy, na tipong isang ganun lang, kaya nilang magpatawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, ine-expect daw niyang magiging hit talaga ang Bulong.

"Yes, nag-e-expect ako," saad niya. "Kasi kakaiba na, e, casting pa lang, e. Si Vhong at Angel, Direk Chito pa. Star Cinema pa. Tapos dinagdagan ko pa!

"May ganun? So, lahat, all-in-one, di ba? Parang, ano na 'to, buong package na 'to. So, inaasahan ko nang magiging big hit 'to."

KRISTINE. Bukod sa Bulong, ramdam din ni Bangs ang pagiging masuwerte dahil kasama siya sa Kristine, isa sa mga primetime shows ng ABS-CBN.

Sinagot ni Bangs ang mga panawagang itigil na ang show nila dahil umano sa pagiging sobrang sexy o bastos na nito.

"Ay, hindi ko alam yun!" sagot niya. "Pero kasi sobrang taas ng ratings namin para ipatigil yung show.

"Although, malapit na rin talagang matapos. Siguro, mga end of February or first week of March, mga ganun.

"Tapos, marami ngang nagsasabi sa akin na super sexy talaga, na yung character ko lalo na. And yung show itself, talagang kilala siya sa pagiging sexy.

"So, naging challenging siya for me, kasi nanggaling ako sa youth-oriented sitcom. So, pa-tweetums muna ako bago ako nag-transform sa sexy image.

"Pero inaamin ko, dito sa Kristine, eto ang pinaka-sexy na nagawa ko sa buhay ko."

Pagpapatuloy niya, hindi na raw siya naaasiwa sa paggawa ng mga eksenang tulad nito.

"Nakakapag-warm up na ako. Dati kasi, mas kinakabahan pa ako, e. Yung first time ko with Jake [Cuenca], sa Palos. Kinakabahan ako, like, mas naka-focus pa ako sa camera, sa mga directors, sa mga stafff na nakapaligid, kaysa kay Jake. So parang hindi nagiging realistic, di ba?

"So ngayon, parang mas masasabi ko na mas professional na ako ngayon. Mas at ease na ko sa industry, so mas nagagawa ko na nang tama kung ano yung dapat kong gawin," paliwanag niya.

Sa Kristine, love interest ni Bangs si Zanjoe Marudo, na nali-link ngayon kay Bea Alonzo. Dahil sa mga sexy scenes nila ni Zanjoe, iniisip ba ni Bangs na baka magselos si Bea sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, patay tayo diyan!" sagot niya. "Pero kung may ganun, wala naman siyang dapat pagselosan.

"'Saka if ever naman na ganun, puwede ko siyang i-approach at sabihin sa kanyang wala talaga. I'm willing to do that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN