Rachel Donaire reacts to mother-in-law's statements regarding supposed "lies" Nonito Jr. is spreading

IMAGE 0


"Nonito will not make a statement right NOW because he is focused on his fight. After, he will make a statement. And at this point in time, as much as it is hurting me and my family, I cannot really say anything on the issue at hand either because I feel like there is a time and place for it, and its after the Montiel fight. I ask people to reserve their judgement against my husband and myself until I come out and officially make a statement about the things mamang h


Noong Sabado, January 15, ay inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksyon ng ina ni IBO/IBF Flyweight Champion Nonito Donaire, si Mrs. Imelda Donaire, tungkol sa mga rebelesyon ng boksingero tungkol sa kanyang "nakaraan" at sa alitan nila ng kanyang ama. (CLICK here to read related story.)

Sa panayam ni Anthony Andales ng philboxing.com, pinabulaanan ni Nanay Imelda ang mga sinabi ni Nonito Jr. na lumaki siya sa isang mahirap na pamilya, na hindi siya paboritong anak, at biktima siya ng pagmamaltrato ng kanyang ama na si Nonito Sr., isang dating militar.

RACHEL'S STATEMENT. Kaugnay nito, nagbigay ng statement ang asawa ni Nonito na si Rachel Marcial Donaire sa PEP sa pamamagitan ng email ngayong araw, January 17.

Isa si Rachel sa mga sinasabing dahilan ng hindi pagkakaunawaan ni Nonito Jr. at ng kanyang mga magulang.

Ayon kay Rachel, pinili munang manahimik ni Nonito Jr. tungkol sa pahayag ng kanyang ina para makapag-concentrate ito sa nalalapit nitong laban kay Fernando "Cuchilito" Montiel, ang reigning World Boxing Organization (WBO) Bantamweight Champion.

Narito ang kabuuang statement na ipinadala ni Rachel sa PEP:

"Nonito will not make a statement right NOW because he is focused on his fight. After, he will make a statement. And at this point in time, as much as it is hurting me and my family, I cannot really say anything on the issue at hand either because I feel like there is a time and place for it, and its after the Montiel fight.

"I ask people to reserve their judgement against my husband and myself until I come out and officially make a statement about the things mamang has 'claimed.'

"Note though, in my statement, I will not be debating "feelings" of people, ie who is hurt and who is not. I will be presenting hard evidence, and witnesses to the allegations so this is not a back and forth issue. Once evidence is presented, then there is no excuses, no lies, just facts."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RACHEL's EVIDENCE. Kasama ng statement na ito ni Rachel, ay ang ilang links sa mga boxing sites na may mga artikulo na nakasulat patungkol sa isyu.

Iniisa-isa ito ni Rachel at pinagsunod-sunod ayon sa kung kailan ito nangyari:

"After the November 2008 fight, Nonito responded to father's allegations," ang paglalarawan ni Rachel sa artikulo na nailathala sa boxingscene.com noong November 12, 2008 na may titulong "Nonito Donaire tells the Media: Leave my wife alone."

Ayon sa artikulo, "visibly upset" si Nonito Jr. sa mga akusasyon na ang kanyang asawa na si Rachel ang dahilan ng pagkakaroon ng gap sa kanilang dalawa ng kanyang tatay at trainer na si Nonito Donaire Sr.

"In April of 2009, Nonito dedicated his arena fight to his father," ang paglalarawan ni Rachel sa parehas na link noong una.

"In June of 2009, Nonito talks about how he just wanted his father's approval," ayon kay Rachel.

Ang tinutukoy ni Rachel ay ang artikulo na naka-post sa blog ni Rachel na filipinoflash.com.

"And finally in Dec 2010, Nonito poured his heart out to a journalist on how sad he was missing his father," sabi ni Rachel patungkol sa huling link.

Tinutukoy nito ang artikulo na inilathala sa boxingnewsonline na isinulat ni Tris Dixon. Ito ang parehong kontrobersiyal na artikulo kung saan nagsalita ang nanay ni Nonito.

Dagdag pa ni Rachel, sa mga lumabas na write-ups, wala naman daw siyang nakikitang "disrespect" na ginawa ni Donaire.

Aniya pa, naiintindihan niya ang kultura ng mga Pilipino na may sadyang pagkilala sa mga magulang.

Narito ang dagdag na statement ni Rachel na kasama sa email na pinadala niya sa PEP:

"Out of all these articles, I don't see disrespect. I see someone crying for his father, hurtfully remembering the times that were "good." Where the anger and resentment from these articles came from to have them turn around and attack, is beyond me. And most importantly, I don't see where Nonito accused his father of stealing as mamang's article suggests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In addition, I understand the Filipino culture and how respect for parents is a strong and powerful thing. But if it was that disrespectful, that's disgusting, that we are lying enough for mamang to say something against us, may I present one question:

"If Nonito Donaire Jr, completely and utterly disrespected his father and lied completely about it, can you explain to me why, if it was really what they are accusing, why would the DONAIRE family support his next fight, rolling in 30 plus people deep, in support for JunJun? That support SHOULD make the readers wonder. Why would the Donaire uncles, aunts, and cousins, support Junjun IF these allegations are true? But they are coming because the deeper layers to the story. The ones that has never been heard by the media before.

"But as stated, I will present more facts after the fight."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN