Nyoy Volante claims paying his parents' debt to Nina

IMAGE 0


"Hindi talaga totoo na hindi ko binabayaran yung sinasabi ni Nina na P1.4 million na utang. And I have the evidence at madali kong maipe-present yun. But again, just to be clear, we're just here to say na hindi totoo na hindi nababayaran, and actually very minimal na lang yung amount na babayaran namin," says Nyoy Volante.


Sinagot ng acoustic singer na si Nyoy Volante ang hindi pa rin matapos-tapos na isyu tungkol sa pagkakautang umano niya at ng kanyang mga magulang sa Soul Siren na si Nina.

Diumano, hindi pa rin nababayaran ng mga magulang ni Nyoy ang P1.4 million na utang nila kay Nina, na dating kasintahan ng acoustic performer.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Nyoy sa isang presscon na ipinatawag niya kaninang hapon, January 20, sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"Not for anything else, gusto ko lang pong simulan ito na I'm just here to say the facts. I'm not here to initiate anything.

"In fact, kung puwede lang sana huwag na tayong makarinig ng response from this. Because this is only a response sa mga sinabi niya [Nina]," simula niya.

PROOF OF PAYMENT. Pagkatapos nito ay sunud-sunod na ang naging pahayag ni Nyoy tungkol sa mga akusasyon ni Nina laban sa kanya at sa kanyang mga magulang.

"Ang main concern ko lang naman po is that is to clear the issue, na it's not true na hindi ako nagbabayad, dahil meron akong katibayan na nagbabayad talaga ako.

"Kaya nga I'm here to tell you na hindi talaga totoo na hindi ko binabayaran yung sinasabi ni Nina na P1.4 million na utang. And I have the evidence at madali kong maipe-present yun.

"But again, just to be clear, we're just here to say na hindi totoo na hindi nababayaran, and actually very minimal na lang yung amount na babayaran namin.

"And besides," patuloy ni Nyoy, "kaya naman hindi ko inaamin na may utang ako kay Nina every time na may nagtatanong sa akin ay dahil hindi naman talaga ako ang may utang, kung hindi ang parents ko."

Ayaw na lang daw sabihin ng acoustic singer kung magkano na ang kanyang nabayaran kay Nina at kung magkano na lang ang kanilang utang. Gusto lang daw niyang i-point out na nagbabayad sila at walang utang na tinatakbuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi niya masabi ang ang exact amount na nabayaran na niya?

"Hindi, kasi ayoko na sabihin na kasi 'ayan, binayad diyan. Sa batas na kasi wini-weigh 'yan, e. Kung sino ba talaga sa inyo ang nagsasabi ng totoo.

"I don't wanna do that in public. I don't wanna do that in media. Pero unfortunately, yun ang nangyayari," paliwanag ni Nyoy.

DEFENDING HIS PARENTS. Ano sa palagay ni Nyoy ang rason ni Nina kung bakit patuloy itong nagsasalita tungkol sa utang ng kanyang mga magulang kung nagbabayad naman pala sila?

"Hindi ko nga po alam, e," sagot ni Nyoy.

"That's why despite the fact na hindi ko maintindihan na hanggang ngayon, yun yung lumalabas na issue na ang tagal-tagal na talaga."

Iniisip ba niya kung bakit hanggang ngayon ay yun pa rin ang issue na ibinabato sa kanya ni Nina?

"Well, actually, hindi naman. Bale dini-disregard ko na ito sa mga iniisip ko," sabi ni Nyoy.

"I want to clear this up na this is not me. I'm not actually the third party. Unfortunately, this issue is about her and my parents.

"But of course, this statement ay nanggagaling sa isang anak. Of course, I know how frustrated my parents because of this issue.

"Siyempre, hindi naman puwedeng wala akong gagawin for them. Of course, even if hindi ako yung may utang at ako ang nagbabayad, of course, parents ko pa rin yun.

"Pero alam ko naman na darating at darating yung ganitong punto, na I can defend myself. That's why I never find it necessary to defend myself in the process.

"Kaya nga po pagkatagal-tagal na panahon, e, tahimik lang ako about it. Kasi nandiyan naman 'yan, e.

"Yung mga figures na 'yan, nandiyan naman 'yan, e, at hindi 'yan mawawala.

"Kaya lang, katulad na lang last week, may narinig na naman ako and it's the same issue over and over again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Nyoy ay ang mga pahayag ni Nina sa presscon para sa nalalapit nitong concert kasama ng ASAP Sessionistas. (CLICK HERE to read related story.)

THE ISSUE WILL NOT END UNTIL... Dagdag ni Nyoy, "Sabi ko nga, one thing for all not to initiate anything, sabi ko, you know, sabihin na lang natin na, one, hindi po ako kung hindi my parents ang may utang.

"And then, two, nagbabayad [kami]. Hindi kami nakaupo lang at dedma lang.

"Of course, I realize na hindi matatapos ito hanggang hindi fully paid. Alam natin 'yan. Alam po nating lahat 'yan. But I want the people to know the truth.

"It's not really paid yet, pero nasa prosecutor na 'yan, nasa prosecutor's decision na 'yan. It's not our decision anymore. Kasi may mga technicalities na wino-work out sa kanila.

"If siguro sa aming dalawa na lang, tapusin na natin 'to right here. Kaso, hindi. But the thing is maraming mga technicalities to work out sa fiscal's office.

"Kaya kung hindi pa naman tapos 'to, dahil hindi pa naman fully paid 'to, because of the technicalities na hindi na namin hawak. Kaya kung bakit hindi pa tapos ito.

"That was to show, na I mean, alam ko naman na hindi matatapos ito hanggang hindi fully paid. But it's not our fault anymore.

"And sana sa mga future statements against it, sana 'tsaka na lang pag nagkaroon na ng result from that, until we get new information about it.

"Pero tama na kasi tutal sinagot ko na naman, e. Nagbabayad o hindi? Ayan, e, di ba? Yun lang naman, di ba?"

LAST WORD ON THE ISSUE. Kung nagbibigay ng tseke si Nyoy at tinatanggap ni Nina, bakit patuloy pa rin sa pagsasalita ang Soul Siren tungkol dito?

"That's why hindi ko maintindihan, e. Di ba, kung nagbayad ako ng ilang checks, hindi mo puwede sabihin na hindi ako nagbabayad. And most especially if the intention is to pay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya dahil may bagong project ang kanyang ex-girlfriend kaya ito nauungkat?

"Hindi ko po alam, e. Sana po the next thing that I will talk about is music. Kasi yun naman po talaga, e. This is our role in the society—to entertain," sabi niya.

Ano ang sabi sa kanya ng abogado niya?

"Ang sabi niya, just to present this [evidence], para makita n'yo. Para matigil na yung issue."

Ano naman ang sabi ng parents niya?

"Actually, we don't talk about it that much. Sa amin kasi, hindi na namin ito pinag-uusapan," sabi ni Nyoy.

Ano ang nararamdaman niya tuwing nakikita niyang malungkot ang mga magulang niya dahil sa isyung ito with Nina?

"Siyempre nalulungkot din," sagot ni Nyoy.

"Pero naiintindihan ko naman kung bakit dumadaan sila sa ganitong klaseng problema Pero siyempre, I chose also to be quiet about it, simply because this is not necessary.

"Sa totoo lang, even until now, ayoko naman talaga to really go out with it. Kahit hanggang ngayon, ayoko talagang magsalita. I don't wanna put much pressure.

"I know naman kasi na sa right time, lalabas at lalabas yung katotohanan. At katulad nga ng sinabi ko, na kapag dumating yung time na fully paid na, matatapos at titigil din ang issue na 'yan."

Kinausap niya na ba si Nina?

"I did," sagot ni Nyoy.

"But the thing is... Sa totoo lang, as far as I'm concerned, without the money issue, wala na po ito sa akin."

Nagkita na ba silang muli?

"Nagkikita kami every Sunday sa ASAP, pero both parties, wala namang effort to really ignore. Pero I don't see also any reason to put more effort na magpansinan kami, lalo na ngayon na may pressure."

Pero sa palagay kaya ni Nyoy ay may pag-asa pang maging okey silang muli ni Nina sa kabila ng mga nangyayari sa kanila ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, I'm not closing doors to anything. Kung doon kami dadalhin ng pagkakataon.

"Wala akong binibitawang salita, because I don't want to regret anything na mangyayari sa akin soon or later.

"Pero ako po kasi, regardless kung siya 'yan o ibang tao, I never change my principles. Packages na po yun. Ikaw, ako, siya or sino man, pare-pareho naman sa akin.

"Basta after this, wala na naman kaming statement, e. This is the first and last [time] na magsasalita ako," pahayag ni Nyoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN