Imelda Donaire hurt by son Nonito Jr.'s statements; calls Rachel Donaire a "liar"

IMAGE 0


"Aywan ko ba kung bakit grabe ang sinungaling ni Rachel. Bakit ganyan kasinungaling ang babae na 'yan! Si Junjun siguro, sinusunod lang niya ang gusto ng pamilya. Kasi hindi naman talaga mag-apologize ang papa niya sa pamilya ni Rachel. Ano bang kasalanan?" says Mrs. Imelda Donaire, the mother of boxing champ Nonito Donaire Jr. (in photo with wife Rachel).


"Itinutuwid ko lang ang kanilang mga maling kuwento. Hindi ko sila sinisiraan."

Ito ang unang pahayag ni Mrs. Imelda Donaire nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa "feud" nila ng kanyang anak na si Nonito "Junjun" Donaire Jr. at ng misis nito na si Rachel.

Nakausap ng PEP si Nanay Imelda sa pamamagitan ng overseas call noong Biyernes, January 21.

Pumayag si Nanay Imelda na magsalita dahil nasasaktan na raw siya sa mga walang katotohanan na kuwento sa media ng kanyang anak at ng manugang.

Nilinaw ni Nanay Imelda na si Nonito Jr. ang unang nagsalita sa press at itinutuwid lamang niya ang maling kuwento para maintindihan ng publiko ang puno't dulo ng kanilang mga di-pagkakaunawaan.

Dating guro si Nanay Imelda at sundalo naman ang kanyang asawang si Nonito Sr. sa Pilipinas bago sila nag-migrate sa California, USA.

Unang pinabulaanan ng ina ng sikat na Filipino boxer na mahirap na mahirap sa Pilipinas ang kanilang pamilya, tulad ng parang nais palabasin ng kanyang anak.

"Noon pa niya sinasabi. Lumabas na 'yan sa Ring magazine," sabi ni Nanay Imelda.

"This is the fourth time na naalaala ko na inano niya ang pamilya. Hindi siya nahihiya.

"Hindi naman kami nagugutom. Alam mo doon sa Pilipinas, sa atin, ang teacher maraming utang, makakain talaga.

"Hindi naman kami mahirap, nagtuturo ako. Hindi naman talaga hirap na hirap kasi maestra ako doon, may tindahan kami na maliit.

"Ang papa niya, nagsusundalo. Hindi ko alam kung bakit ginanyan niya [Nonito Jr.] ang pagsasalita niya."

FAVORITE SON. Ayon pa kay Nanay Imelda, si Nonito Jr. ang pinakapaborito sa pamilya.

"Alam mo ba si Junjun, siya ang pinakapaborito dahil siya ang pinakamaliit? Sa pamilya namin, pagdating sa Amerika, siya ang pinakapaborito kasi sa lahat-lahat, siya ang hindi nakatrabaho.

"Alam mo ba, napilitan ako na mag-live in para masuportahan ko yung boxing kasi maganda ang trabaho dito ng live-in caregiver? Nag-caregiver ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng kailangan niya... Siya lang ang hindi nagrerenta sa bahay noon, kasi wala siyang trabaho. Talagang sinusuportahan ko ang pagbo-boxing niya.

"Si Glenn [Nonito Jr.'s elder brother] nagtrabaho. Yung bata niyang kapatid, nagtrabaho... lahat.

"Boxing lang talaga ang trabaho niya. Lahat ng kailangan niya, cell phone, kami nagbabayad... lahat ng needs niya.

"Tapos, sasabihin niya, 'Ma what is my task?' Palagi niyang sinasabi 'yan kapag nagbabayad ako ng cell phone niya.

"Sasabihin niya, 'Kapag nag-champion ako, maghihinto ka na ng trabaho at saka bibilhan ko kayo ng bahay.' Ganyan ang mga promise niya."

A MOTHER'S PAIN. Huling nagkita si Nanay Imelda at ang mag-asawang Nonito Jr. at Rachel noong December 2010.

Tinanggap ni Nanay Imelda ang imbitasyon ng mag-asawa na magbakasyon sila sa Japan dahil ito ang magandang oportunidad na makumbinsi niya sina Nonito Jr. at Rachel na makipagkasundo sa ama ng boksingero, pero iba ang nangyari.

Kuwento ni Nanay Imelda, "Si Junjun ang sumundo sa akin sa airport sa Japan. Sabi ko sa kanya, 'Bakit hindi ka tumatawag sa akin?'

Sabi niya, 'Hindi naman talaga ako tumatawag sa 'yo, Ma.'

"Sabi ko, 'Kahit special occasion like Mother's Day, birthday?'

Sabi niya, 'Kaya hindi ako tumatawag sa inyo dahil nalimutan ko na kayo dahil haping-happy na ako sa bagong pamilya ko.'

"Napakasakit sa akin dahil nanay ako. Napakasakit sa akin dahil malimutan ako. Hindi naman siguro dapat ganoon.

"Napakasakit, pero tiniis ko lang. Nagpasensiya na lang ako nang nagpasenisya, pero masakit talaga. Sinikap ko na parang happy ako.

"Tapos sabi ko sa kanya, 'Ano ang plans mo sa papa mo? Mahina ang trabaho nila, tapos ngayon, nawala sa kanya ang lahat dahil sa boxing.'

"Sabi ni Junjun, 'Kasalanan niya 'yan kasi karma 'yan sa kanya. Nagkaroon siya ng kasalanan sa 'yo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Hindi naman ganoon dahil pinatawad ko siya...' Pero hindi ko na itinuloy ang mga sinasabi ko dahil parang galit na siya.

"Tapos noong 24th of December, silang dalawa ni Rachel, kinausap ko. Nag-thank you muna ako sa lahat-lahat. Nagpunta ako sa Japan, yung mga damit na binili para sa akin.

"Then after that, sabi ko sa kanila, 'Ano ba ang plano natin?' Sabi ko, kung gusto nila, tulungan ang kanilang papa. Pahiramin ng amount para magkaroon siya ng negosyo sa Pilipinas. Down na kasi ang trabaho niya dito sa Amerika, kawawa naman siya.

"Sabi ko kay Junjun, 'Nawalan siya ng trabaho dahil sa 'yo. Nawalan siya ng retirement.'

"Alam mo ba ang sinagot niya sa akin? 'Kasalanan niya, bakit niya ako trineyn na mag-boxing? Ayaw ko sana noon.'

"Hindi talaga ako nakasagot na naging boxing champion ka dahil sa kanya. Hindi na ako nakapagsalita dahil umiyak na ako.

"Sabi ko, 'Anak, hindi ka ba naaawa sa papa mo? Meron siyang cyst sa kidney. Gusto ko kayong mag-reconcile bago mahuli ang lahat.'

"Sabi niya, 'Kung anuman ang ano ng Panginoon, ang will ng God, matatanggap ko.'

"Sabi ko, 'Wala kang care?'

Sabi niya, 'No.' Kaya umiyak ako nang umiyak dahil napakasakit magsalita ng anak ko.

"Sabi pa niya, 'Kapag sinabi ni Rachel na tulungan ko siya, oo, tutulungan ko siya.' Pero kapag hindi nila sinabi, sila ang masusunod.

"Yung kapatid niya na mas bata, nagpadala ng sulat. Sabi ko, 'Your brother, nagpadala ng sulat.'

Sabi niya, 'Wala akong panahon na magbasa ng sulat. I'm not ready to answer that.'

"Umiyak na ako, hindi na ako nakapagsalita. Sabi ko, 'Junjun, alam mo ba na may kasalanan ka din na ginawa kasi dinisrespect mo ang parents mo?'

"Kung ano raw ang will ng Panginoon, tatanggapin niya kasi parati raw siyang may blessing dahil sa ano... Dahil sabi niya, 'That's why I've got a lot of blessings. I keep on winning and I'm not lying.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya talagang naiyak ako. Naiyak ako dahil sobra-sobra siyang magsalita, pero wala akong masabi. Napakasakit talaga ng mga sumbat niya.

"Hindi na lang ako nagkibo. Kung hindi siya nagpa-interbyu, hindi sana mangyayari ito.

"Nakikita ko, si Junjun, under ng kanyang asawa. Kung ano ang gusto ni Rachel, susundin niya kasi nabasa ko noon sa philboxing.com, kung ano raw ang gusto ng asawa niya, kahit pahintuin pa siya sa boxing, susundin niya kasi ganyan niya kamahal ang asawa niya."

READY FOR RECONCILIATION. Nilinaw rin ni Nanay Imelda sa PEP na hindi siya nagagalit sa kanyang anak. Sa katunayan, handa raw silang makipag-ayos kay Nonito Jr.

Aniya, "Hindi ako nagagalit kay Nonito dahil anak ko siya. Ready kami na makapag-reconcile sa kanya.

"Gusto ni Junjun, mag-apologize ang papa niya sa tatay ni Rachel. Wala naman kasalanan ang tatay niya

"Gusto ni Rachel na mag-apologize ang papa ni Junjun sa kanyang pamilya, sa papa niya, sa mama at, after that, sa media. Pero she cannot promise daw na they will help him financially.

"Umuwi ako ng Amerika na napakabigat ng loob ko, pero natuwa na rin ako dahil nalaman ko na iba na siya... iba na siya. Hindi na siya ang dating Junjun.

"Sabi ni Junjun, kami raw ang nagtutulak sa kanya na magkaganoon dahil ayaw ng papa niya kay Rachel.

"Hindi nga alam ng papa niya na ikakasal sila ni Rachel. Sa ibang tao lang niya nalaman.

"Sabi ko sa kanya, 'Junjun, yung papa mo, hindi niya alam na ikakasal kayo ni Rachel.'

Ang sabi niya, 'He's the last person to know.'

"Tama ba 'yon?"

RACHEL'S EVIDENCE. Ano naman ang masasabi ni Nanay Imelda sa sinasabing mga ebidensiya ni Rachel? (CLICK HERE to read related story.)

"Ewan ko kung anong ebidensiya ang ipapakita niya, kung mayroon siya na ebidensiya. Siguro yung [isyu sa] pagkain na meron silang hinahawakan na pinirmahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi siya nahihiya, pagkain ng mga assistant coach? Dati-rati yung tatay nila ang kumukuha niyan. Sumosobra pa nga ang binabayaran ng tatay nila kasi minsan, napapalaki ang pagkain. E, sixty dollars a day lang ang allotment.

"Hindi ako natatakot kasi nandito kami sa truth... ang lahat na katotohanan. Hindi nga niya inaamin na ang credit ng papa niya ang kanyang ginagamit. Ang pangalan ng papa nila, noong kumuha sila ng condo. Hindi sila ma-approve dahil wala silang credit.

"Ngayon, idinenay niya sa Facebook niya na bankruptcy daw ang papa niya kaya hindi raw maka-ano ng bahay. Pero ang totoo talaga, dalawa kami na nag-authorize ng dokumento.

"Aywan ko ba kung bakit grabe ang sinungaling ni Rachel. Bakit ganyan kasinungaling ang babae na 'yan!

"Si Junjun siguro, sinusunod lang niya ang gusto ng pamilya. Kasi hindi naman talaga mag-apologize ang papa niya sa pamilya ni Rachel. Ano bang kasalanan?

"Ang gusto ko lang, kay Rachel, na sana hindi na siya magsisinungaling. Kasi talagang meron kaming ebidensiya na [sa] papa niya ang credit na ginagamit sa bahay, bakit pa siya mag-deny?

"Saka lahat ng mga sinasabi niya, hindi totoo," diin pa ng ina ni Nonito Jr.

RACHEL'S STATEMENT. Kaugnay ng alitan sa pagitan ng mga magulang ni Nonito Jr. at ng boksingero at ng asawa nitong si Rachel Donaire, isang statement ang ipinadala ni Rachel sa Showbiz Central.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Rachel:

"I love Nonito's parents and I have made every effort to make this family a family. I forgive them because I believe the unconditional love of God from parents to their son is being stolen right before their eyes.

"I pray that they would not continue to DAMN their 3rd born child and pray for a knockout by Fernando Montiel on February 20th, for this proves nothing except the lack of unconditional love they have for their own son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm shocked to hear that a mother would actually wish harm on her own flesh and blood.

"I hope that bringing all this to light lets them see the error in their ways, that they will repent, and live in God's blessing once again.

"It is in Leviticus 5:1 'that if I do not tell the truth, I shall be charged with their sin' and in doing so, I am freeing both the souls of my in-laws, as well as honoring my father and mother who have held their tongue in spite of the slander against them."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN