Jennylyn Mercado's former PA acquitted on case of qualified theft

IMAGE 0


Ayon kay Jennylyn Mercado, ginamit daw ng kanyang dating personal assistant na si Mel Pulmano ang kanyang mga tseke nang walang paalam. Umabot daw sa P460,272.84 ang perang nawala sa kanya. Pinawalang-sala si Pulmano ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77 sapagkat "Although the court is not certain as to her innocence, it is also not certain to her guilt; hence, it is its duty to acquit her."


Pinawalang-sala ngayong araw, January 25, ng isang Quezon City court ang dating personal assistant ni Jennylyn Mercado mula sa kasong qualified theft, na isinampa ng aktres laban sa kanya.

Ayon sa report ng GMA News, napagpasyahan ni Judge Vivencio Baclig ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77 na hindi napatunayan ng kampo ni Jennylyn na guilty ang akusadong si Rowena "Mel" Pulmano.

"Although the court is not certain as to her innocence, it is also not certain to her guilt; hence, it is its duty to acquit her," saad ni Judge Baclig sa kanyang 10-page decision.

Matatandaang kinasuhan ni Jennylyn ng qualified theft si Pulmano noong October 28, 2008 dahil umano sa paggamit nito sa checkbook ng aktres nang walang paalam.

Sa kabuuan, umabot daw sa P460,272.84 ang nakubra ni Pulmano mula kay Jennylyn, mula June hanggang September 2008. (CLICK HERE to read related story.)

Sa hukuman, iprinisinta ng kampo ni Jennylyn ang walong witnesses, kasama na ang aktres. Sa cross-examination kay Jennylyn, inamin nito na hindi siya sigurado kung si Pulmano nga ang pumirma sa mga tseke. Nauna nang itinanggi ng personal assistant na siya ang gumamit ng mga tseke.

Ayon kay Judge Baclig, walang matibay na ebidensiya na pineke ni Pulmano ang mga pirma ng aktres. Hindi rin daw na-establish na si Pulmano lamang ang may access sa mga tseke ni Jennylyn.

Ngunit kahit pa na-acquit si Pulmano sa kasong ito ay mananatili pa rin siyang nakakulong sa Quezon City Jail Female Dormitory dahil sa mga kasong estafa na hindi pa nareresolba ng QCRTC Branches 88 at 219.

Ayon sa lawyer ni Pulmano na si Cornelio Samaniego, malapit na ring resolbahin ng Branch 88 ang isang kaso ng estafa.

Samantala, magpa-file naman sila ng piyansang P60,000 sa Branch 219.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN