John Estrada and Randy Santiago explain their side about misunderstanding with Willie Revillame

IMAGE 0


"Kung sumama man ang loob niya, humihingi kami ng pasensiya. Kailangan po naming magtrabaho dahil may buhay po kaming sarili. At alam ko na one of these days, darating po ang panahon na magkakaayos din kami at sana po hindi na magtatagal 'yon," says John Estrada about the possibility of patching things up with friend Willie Revillame. Willie was hurt when he found out that John and Randy Santiago, had accepted ABS-CBN's offer to host a new noontime show


Bagamat nagsalita na ang magkaibigang John Estrada at Randy Santiago tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan ni Willie Revillame noong Linggo, Pebrero 6, sa The Buzz, hindi pa rin naiwasan ng entertainment press na usisain ang dalawa tungkol dito. (CLICK HERE to read related article)

Sa press conference na inihanda para sa mga host ng bagong noontime show ng ABS-CBN, ang Happy, Yipee, Yehey! on February 8, ilang paglilinaw ang inilahad ng dalawang magkaibigan.

Una, inamin ni John na naputol na ang komunikasyon nila simula nang malaman ng Willing Willie host na tinanggap nilang dalawa ang offer ng ABS-CBN na muling gumawa ng noontime show.

"For some reason po, hindi ko alam," sabi ni John. "Kami po ni Randy, sinusubukan naming palambutin ang puso niya at ipaintindi sa kanya kung ano talaga ang stand namin.

"Dati pa naming sinasabi na wala pong naayos na gulo kung hindi maayos ang komunikasyon, kung hindi maganda ang pag-uusap. Hindi po naman namin nakamtan 'yon dahil po ang kabilang kampo, e, ayaw kaming pagbigyan.

"Ganun paman po, e, wala kaming hinahangad na masama sa kanya dahil kami po ay nagtatrabaho lang."

Pagkatapos ay humingi ulit ng tawad si John kay Willie.

"Kung sumama man ang loob niya, humihingi kami ng pasensiya. Kailangan po naming magtrabaho dahil may buhay po kaming sarili. At alam ko na one of these days, darating po ang panahon na magkakaayos din kami at sana po hindi na magtatagal 'yon."

Dating magkakasama sina John, Randy, at Willie sa dating noontime variety program ng ABS-CBN, ang Magandang Tanghali Bayan o MTB

"HINDI NAMIN ITINATAGO 'YON." Sa January 26 episode ng Willing Willie, inihayag ni Willie ang pagkadismaya niya sa naging desisyon nina John at Randy na bumalik sa ABS-CBN.

Aniya, "Masakit sa loob ko dahil inaayos ko na maayos sila rito [sa TV5], 'tapos biglang in-offer-an sila ng Channel 2. Nandun na naman sila sa Channel 2." (CLICK HERE to read related article)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Randy na isang pagkakamali nila ang hindi pagsabi kaagad kay Willie ng kanilang plano.

Sinabi ng singer-actor, "Ang masama lang po kasi, e, noong nangyari, noong nalaman ni brother Willie, e, noong time na magbe-birthday po siya. Siguro mas masakit ho sa kanya ang nangyari.

"But we're already thinking of sort of telling him after his birthday. Of course, alam naman po natin, we were supposed to get a show nga. Pagkatapos, sa Shangri-La, kaming dalawa [ni John] dapat ang magho-host."

Ang tinutukoy rito ni Randy ay ang birthday party ni Willie noong January 29.

Patuloy ni Randy, "But it had to happen siguro for a reason na kailangan na ring mangyari dahil hindi naman namin itinatago 'yon. Kumbaga, nasu-supress lang for a while."

Hindi rin daw nila intensyong iwanan ang kanilang kaibigang si Willie, na may problema sa ilang executives ng ABS-CBN.

Sabi ni Randy, "'Yong uproar na ito dumating na, probably it's a blessing. Pero whatever it is, sana tanggapin ng tao ang konsepto hindi dahil sa magkaibigan kami at naiwan namin ang kaibigan namin.

"Hindi po namin siya iniwan. Kasi, ang naririnig po nila, iniwan namin. Wala pong katotohanan na iniwan namin. Of course, katulad nga ng sinabi ni brother John, trabaho lamang po at kailangan naming buhayin ang aming pamilya."

CONCRETE OFFER. Sa programa ng Willing Willie, habang kausap ni Willie si John sa telepono, nabanggit ng una on-air na may inihahanda na siyang programa para sa kanyang mga kaibigan.

Subalit nang usisain ang dalawa tungkol dito, sinabi ni John na ang ABS-CBN ang unang nagbigay ng konkretong offer para gumawa ng bagong noontime program.

"In short po, usapang barkada ito. It was never concrete," paglilinaw ni John.

"Tinanong ko nga ang isang matalik kong kaibigang artista, in-example ko nga sa kanya, 'Kung ako ba ang producer, sasabihin ko sa 'yo, 'Brother, may gagawin tayong pelikula, ha?' Um-okay ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, meron pang ibang kumuha na producer sa 'yo, na inaayos na at next week magsisimula na. Sa tingin n'yo po ba, kung tinanggap niyo 'yon, e, dapat po akong magalit dahil una akong nag-alok?

"Pangalawa po, usapang kaibigan 'yon, na parang ang dami na naming pinag-usapan na gano'n, na hindi naman natutuloy. So, doon lang po kami nanggagaling."

Dagdag pa ni John, "Kung magbabarkada po ang nag-uusap, kapag sinabi, 'O, ako na ang bahala sa inyo, ha,' gano'n lang kasimple 'yon. It was never concrete po.

"Noong nilapitan po kami ng ABS-CBN, that is something concrete. Siyempre po, pag-iisipan namin nang maigi 'yon. Plinano namin na kausapin siya pero, inunahan na naman niya po kami."

NO PLAN TO LEAVE TV5. Nang makausap ni John ang lady executives ng ABS-CBN na sina Cory Vidanes at Linggit Tan, isa umano sa hiniling sa kanya ng mga ito ay ang umalis sa Kapatid Network.

Dalawa ang shows ni John sa TV5, ang sitcom na Everybody Hapi at ang musical-variety show na P.O.5.

Ngunit hindi raw sumang-ayon dito sina John at Randy.

Kuwento ni John, "When Tita Cory and Tita Linggit talked to us, nag-lunch kaming apat... Alam ni Randy ito, ang hinihingi sa amin ng Channel 2 ay umalis na kami ng Channel 5.

"At sinabi ko roon sa lamesang 'yon, 'Pasensiya na po, hindi ko puwedeng iwanan dahil sila ang nagbigay sa akin ng sitcom na matagal ko nang hinihingi dito [sa ABS-CBN].'

"Siyempre, naiintindihan ko naman ang ABS-CBN dahil hindi na sila gumagawa ng sitcom. Pero kinuha naman ako ng TV5. Hindi pa po si Manny Pangilinan ang may-ari niyan. I've been there for almost three years now."

Kaya naman ganun na lamang daw ang sakit na naramdaman ni John nang malaman niyang nagdesisyon na ang management ng TV5 na alisin siya sa cast ng kanyang sitcom, ang Everybody Hapi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang masakit lang po, e, noong ipinaglaban ko, bigla pong sinabi sa akin na aalisin na ako sa programang 'yon."

Ito na rin ang naging hudyat sa kanya upang mag-resign sa isa pa niyang programa sa TV5, ang P.O.5.

Sabi ni John, "Sa P.O.5 po, I had to resign. 'Yong sitcom ko po sa TV5, nalaman ko lang that management decided na aalisin na po ako. Hindi naman po siguro tayo... Kung alam naman po natin kung paano mag-isip, we can read between the lines."

Pagkatapos nito, sinusugan ni Randy ang mga pahayag ni John tungkol sa kanilang planong huwag iwan ang TV5.

Ani Randy, "To add to his story, katulad nga ng sabi ni brother John, nag-a-appear kami sa Channel 5 even before this one. So, nire-ready namin 'yong 'for the boys'—si John, si Aga [Muhlach], si Willie, at saka ako, as artista or I'll direct the show. So, it was doing that on-cam or off-cam.

"So, 'yon po ang pinag-uusapan na medyo inaayos namin noong kausap namin sila Aga.

"Hanggang doon lang po. Hanggang sa mag-usap na kami nina Tita Linggit at Tita Cory. Sabi po namin, 'Hindi namin iiwanan ang Channel 5. We're doing this one, Happy, Yipee, Yehey!, pero ibalato n'yo na po sa amin 'yon."

Humirit pa si John na: "Pero in fairness po talaga sa ABS-CBN, they never stopped us."

Bukod sa pagkawala sa ilang programa ng TV5, naging dahilan din ang pagtanggap ni John ng bagong noontime show sa ABS-CBN para hindi na matuloy ang pagiging Best Man ni Willie sa kasal ni John at ng kanyang nobyang si Priscilla Meirelles sa darating na Pebrero 27.

Sa halip na dalawa, tanging si Richard Gomez na lang ang tatayong Best Man ni John sa kanyang kasal.

Hindi na rin ibinigay ni John ang exclusive coverage ng kanilang kasal sa TV5. Sa halip, ito ay mapupunta na sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kausap ko po 'yong ibang boss ko sa TV5, sinabi nila sa akin na gusto nilang ituloy 'yon.

"Pero nakakatawa po 'yon dahil, isipin n'yo po, sila ang magko-cover ng kasal ko, 'tapos biglang, 'Okay, ha. Thank you, ha, wala ka na next week.' Hindi na rin makakatotohanan 'yon di ba?

"Sinabi ko sa kanila, although hindi ko pa napipirmahan ang kontrata namin, sinabi ko, 'Pagpasensiyahan n'yo na, pero kung gano'n naman po, ibibigay ko na sa ABS-CBN 'to.'"

POWER TRIPPING? Sa mga naging aksiyon ni Willie, lalo na ang pakikipag-usap niya on-air kay John, kung saan tahasan niyang sinabi na hindi magre-rate ang kanilang bagong programa, marami ang nagsasabi na tila nagpa-"power tripping" na si Willie.

Ngunit nang tanungin si John kung ito rin ba ang kanyang nararamdaman, sandaling napa-isip ang TV host-actor.

"Power tripping? Ang dami pong nagsabi sa akin na 'yong ginawa niyang 'yon, e, power tripping. Pero ang sagot ko naman diyan na totoo, baka sa akin po hindi. Nag-react lang siya bilang kaibigan."

Pero nabastusan ba sina John at Randy sa mga ginawa ni Willie?

Sagot ni John, "Alam n'yo, ang dami rin pong nagtanong sa akin kung totoong kaibigan ko si Willie. Ang daming nagtatanong, ''Yon bang totoo mong kaibigan? Ginano'n ka? At saka bakit ginawa sa 'yo 'yon?'

"Sinasabi ko, 'Hindi n'yo kasi naiintindihan ang pagkakaibigan namin.' Ang isang tunay na kaibigan, [tanggap] ang pagkabastos mo at ang pagkabuti mo."

Para naman kay Randy, sana raw ay hindi na humantong pa sa pagpapahayag sa publiko ang hindi nila pagkakaunawaan na magkakaibigan.

Sabi pa niya, "Kami, ayaw na lang namin magsalita, e. Hayaan na lang natin ang mga tao ang magsalita

"Sa mga threads, sa mga comments, makikita ninyo puro gano'n, puro 'bastos.' Pero sa amin, kahit gano'n ang nararamdaman namin, it never came out of our mouths, di ba? Kami na ang bahalang umintindi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa bandang huli, umaasa ang dalawang hosts ng Happy, Yipee, Yehey! na maayos pa rin ang problemang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN