John Estrada on Willie Revillame's prediction about Happy, Yipee, Yehey!: "Hindi naman siguro siya Diyos para malaman niya na hindi magre-rate ang isang show."

IMAGE 0


John Estrada (left) and Randy Santiago hosting the new noontime show of the Kapamilya network, Happy, Yipee, Yehey! created a rift in their friendship with TV5's Willing Willie host Willie Revillame.


Pagkatapos ng pilot episode ng Happy, Yipee, Yehey! noong Sabado, February 12, sa Ynares Sports Complex, Pasig City, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dalawang main hosts nito na sina John Estrada at Randy Santiago.

Matatandaan na nagkaroon ng kontrobersiya bago pa man umere ang bagong noontime show ng ABS-CBN dahil sa pagtatampo ng kaibigan nina John at Randy na si Willie Revillame.

Hindi nagustuhan ni Willie ang pagtanggap nina John at Randy sa offer ng ABS-CBN na mag-host ng isang noontime show dahil may niluluto na raw siyang noontime show rin para sa kanila sa TV5.

Tinawagan pa nga ni Willie si John sa telepono habang umeere ang Willing Willie sa TV5. (CLICK HERE to view related video.)

Hindi ikinaila nina John at Randy na nagulat sila sa ginawang iyon ni Willie.

Ani John, "Nagulat ako. Akala ko nagbibiro lang siya. Pero, since totoo nga, e, ganun talaga.

"Medyo nagulat ako. 'Tsaka parang nasaktan ako sa sinasabi ng ibang tao kung totoong magkaibigan kami... Kasi wala daw tamang kaibigan... totoong kaibigan na kayang gawin yung mga ginawa niya."

Ayon naman kay Randy, hindi na dapat isinapubliko ang ganung klaseng mga usapan.

"Yung mga ganung klaseng mga tampuhan, dapat pinag-uusapan na sa likod ng [camera], e," sabi niya.

RATINGS. Sa naturang phone conversation, sinabi rin ni Willie kay John na "hindi magre-rate" ang noontime show na gagawin nila ni Randy sa ABS-CBN.

"Tandaan mo ito: Hindi magre-rate 'yan! Ako nagsasabi sa 'yo. Ayan, sige bahala kayo!" deklarasyon ni Willie.

Ano ang masasabi ni John sa "prediction" na ito ni Willie sa Happy, Yipee, Yehey!?

"Siguro, hindi naman siguro siya Diyos para malalaman niya kung hindi magre-rate yung show... Basta ang alam ko, kami ni Randy, never namin hinangad sa isang kaibigan na hindi mag-rate ang show.

"E, ganun talaga. As long as malinis ang konsensiya namin, okay na ako dun. Hindi krimen ang ginawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi krimen ang ginawa namin," diin ni John.

BIRTHDAY GREETINGS AND HOPE. Pagkatapos ng pag-uusap nina John at Willie sa telepono, hindi na raw sila nagkaroon ng pagkakataon na muling makausap si Willie.

Kuwento ni John, "Tinext namin ni Randy, pero hindi na siya nag-text back. Ganun talaga. Kasi that week, birthday niya. So, nag-happy birthday kami and all... 'Alam namin na nagtampo [ka] sa amin, kung nasaktan ka namin, pasensiya ka na. Pero trabaho lang 'to. Pero trabaho lang talaga 'to. 'Wag masyado personalin ito.'"

Ganunpaman, umaasa si Randy na darating ang panahon na magkakaayos din silang tatlo.

"I'm very sure after all these, mahihimasmasan din. And sooner or later, we will be seeing each other. Pagkatapos, kailangang kalimutan na," nakangiting sabi ni Randy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN